Chapter 11: When She Cries

298 71 0
                                    

Warning: SPG/R18+ | This chapter consists of violence that may be disturbing to some readers. Reader discretion is advised. You have been warned.

Chapter 11: When She Cries

Sinapo ko ang kaniyang mukha nang tumugon siya sa bawat halik ko. Nanatili ang malambot niyang palad sa 'king dibdib. Nararamdaman ko ang init ng kamay niya dahil sa suot kong manipis na sando.

Marahan kong pinasok ang dila sa bibig ni Lucille. Napabuntong hininga ako nang mapagtantong hinayaan niya lamang ako.

Hinaplos niya ang dibdib ko pataas bago pinulupot ang mga braso sa 'king leeg. Habang bumaba ang mga kamay ko sa kaniyang baywang at hinila siya palapit sa 'kin.

Naririnig ko ang huni ng mga ibon sa paligid, sabayan pa ang paghampas ng mga sanga.

Marahan kong pinaikot ang dila, sumusunod naman siya sa galaw ko. Hindi ko na napigilan at hinigop ito, sabay napasabunot siya sa buhok ko.

Unti-unti siyang lumayo sa 'kin habang habol namin ang hininga. Pinagdikit ko ang mga noo namin at parehong nakaawang ang aming bibig.

Ang init ng pakiramdam ko, na para bang wala kaming saplot sa katawan ngayon.

"Sorry but I'm not sorry..." halos pabulong kong sabi.

Hindi ko na maipagkakaila na malakas ang tibok ng puso ko. Hindi rin 'to palpitation na tulad ng pagkumbinsi ko noon.

Si Lucille... dahil ito sa kaniya—sa babaeng kaharap ko ngayon.

Marahan niyang pinasadahan ang buhok ko sa likod ng ulo, pababa sa 'king balikat bago unti-unting lumayo.

"I'm sorry," mahinang aniya.

Magsasalita na sana ako nang mabilis siyang tumayo at patakbong umalis. Napakurap ako habang nakatanaw lang sa deriksyon niya. Nililipad ng hangin ang suot niyang maitim na belo.

Did she kiss me back?

Wala sa huwisyong nagbaba ako ng tingin at nakita ang maitim na krus sa paanan ko. Kinuha ko ito at tinitigan.

She just kissed me... she kissed me back.

Hindi ko namalayan na nakangiti ako at kinuyom ang rosaryo. Napabuga ako ng hangin bago dinilaan ang ibabang labi.

At sorry saan?

Sa tingin ba niya ay hanggang doon na lang 'yun?

Walang matatapos dahil ngayon pa lang nagsisimula. Hinalikan ko ang krus ng rosaryo bago tumalikod. Muntik ko nang makalimutan si Enoch dahil sa nangyari.

And from this day forward, when she cries, it will be followed by a kiss.

ཐིཋྀ

Sumapit ang gabi ay nasa labas kami ng silid at nag-iinuman. Biglang nag-aya si Nolan dahil deserve raw namin 'yun. Hindi pa yata sapat sa kaniya ang pagod ngayong araw para hindi makatulog.

Marahan kong inikot ang baso bago sumimsim ng alak. Nakasandal ako sa bintana habang nakatanaw sa kumbento.

"Erp, pupunta ka ba sa Santa Hellena para sa annual memorial?"

Hindi ko pinansin si Enoch. Alam naman nila ang sagot ko tas nagtatanong pa. Pinilig ko ang ulo nang umilaw ang huling kwarto sa ika-apat na palapag.

Gising pa si Lucille. Baka katatapos niya lang sa night prayer.

Naningkit ang mga mata ko nang maaninag kong hinuhubad niya ang suot na belo, sunod ay ang habit. Napakagat ako ng ibabang labi at nilagok na lang ang natitirang alak.

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon