Chapter 14: A Sinner's Kiss

281 70 0
                                    

Chapter 14: A Sinner's Kiss

Malapit na magtanghaling tapat nang matapos ang misa. Kasalukuyan kaming nakasilong sa malaking tent habang lumalamon ang triongina sa inihanda na pagkain ng Santa Hellena's LGU.

Hindi nakatakas sa paningin ko si Lucille, kasama niya ang ilang madre. Tahimik lang siyang kumakain sa gilid habang nakapatong ang paper plate sa kandungan niya.

Kumurba ang labi ko nang sumulyap siya sa deriksyon ko. Hindi na ako makapaghintay na makausap siya. Namimiss ko na siya... Gusto ko siyang yakapin. Hindi ako komportable na nakatanaw lang sa kaniya mula sa malayo.

"Nandito pala si Sister Lucille 'no, nakapagtataka at wala siya sa Santa Naamah," sabi ni Enoch. Tumabi siya sa 'kin at uminom ng soft drinks. "Ikaw ba, erp, hindi ka ba nagtaka?"

Umiling ako sa kaniya bilang tugon. Muli na naman sumulyap si Lucille sa akin bago tumayo at nagpaalam sa mga kasamahan niya. Mabilis kong nilagok ang natitirang soft drinks at binigay kay Enoch ang bote. Narinig ko pa na tinatawag niya ang pangalan ko, pero pake ko ba?

Sinundan ko si Lucille papunta sa likod ng sirang kumbeto... kung saan nagmamakaawa ako dati kay Serissa na piliin ako. Agad akong napahinto nang lumingon siya sa akin, batid kong lumalam ang mga mata ko nang makita ang kakulangan niya ng tulog.

"Lucille," mahinang tawag ko sa kaniya sabay umihip ang hangin sa pwesto namin.

"Ezekiel, kamusta?" malamig niyang sabi dahilan na kumunot ang noo ko.

"Bakit ka umalis na walang pasabi?"

"Pasensya ka na, kung m-may concern kayo tungkol sa construction ay pwede kayong lumapit kay Sister Rosaria," naroon pa rin ang malamig niyang pakikitungo sa 'kin.

"Ikaw ang gusto kong lapitan, hindi ang iba."

Ang dating kalmado at malamig ng
ekspresyon ng kaniyang mukha ay napalitan ng... galit—at hindi ko alam kung bakit.

"Ako?" singhal niya, mas lalong nagsalubong ang kilay ko. "Ako ba talaga, Ezekiel, ha? Sarap na sarap ka pa nga habang binabayo mo ang babaeng iyon! At talagang sa lupa pa ng kumbento mo ginawa? Talis es bastardus! Ang kapal ng mukha mo! Tapos sasabihin mo sa akin ngayon na ako ang gusto mong lapitan?!"

Umawang ang bibig ko sa narinig habang matalim naman siyang nakatingin sa 'kin. Bastardus, huh—

"And it's Sister Lucille for you!" dagdag pa niya bago umirap at tumalikod sa 'kin. "Non possum credere quod! Tam bastardis!"

"Bastard? Really? I can't believe you either, Lucille."

Hindi ko na mapigilan ang pagkurba ng labi. Bago pa siya tuluyang makalayo ay hinila ko ang pulsuhan niya at pinaharap sa 'kin. Sabay dumapo ang malakas na sampal sa pisngi ko. Nagtagis man ang aking bagang ay hindi ko pa rin siya binitiwan.

"Lumayo ka sa akin! Huwag mo akong kausapin! Umalis ka na at bumayo ka pa sa iba. Diyan ka naman magaling, diba?! May pa halik-halik ka pa sa pulsuhan ko t-tapos, iba naman pala ang gusto mo!" Tumama ang kamao niya sa dibdib ko, hinayaan ko lang siya. "Nakakarindi ang ungol niyo! Nakakainis ang tampal ng katawan n-niyo. Hinanap ko lang naman ang rosaryo ko t-tapos natagpuan kitang bumabayo sa i-iba. Nakakainis ka—Desine ludere mecum!"

"Ano? Walang matatapos dahil hindi ako nakikipaglaro sayo, Lucille," kalmado kong sabi. Nasundan iyon ng paghikbi niya habang nakayuko lang siya.

Hindi ko na mapigilan at mahigpit na yumakap kay Lucille. Nagpupumiglas pa siya ngunit kalaunan ay yumakap din pabalik. Nasundan iyon nang mahinang hikbi habang sinubsob niya ang mukha sa dibdib ko. Napabuntong hininga ako at pinugpog ng halik ang sintido niya, mas lalong lumakas ang kaniyang pag-iyak.

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon