Chapter 17: Morning Kisses

248 57 0
                                    

Chapter 17: Morning Kisses


Inumaga na kami nang makauwi sa Santa Naamah. Pasado alas diyes na at tumitirik na ang araw.

"Kiel, una muna kami. Tapusin natin bukas ang harang, hatiin natin—"

"Magpahinga ka na Ajax, bukas na tayo mag-usap tungkol sa trabaho," pagputol ko sa sasabihin niya.

Napahinga siya ng malalim at hinilot ang sintido. "Sige, pero maaga tayo kikilos bukas."

"Sige na, sundan mo na si Enoch sa loob."

"Sige, sige. Ipapaamo ko muna 'yun," aniya habang nakangisi.

Napailing na lamang ako at sumenyas sa kaniya na umalis. Agad naman siyang naglakad palayo at kinaway ang kanang kamay habang nakatalikod sa akin.

Napabuga naman ako ng hangin dahil sa namumuong kaba sa dibdib ko. Nakabalik na kami sa Santa Naamah, kailangan ko linisin ang naiwang gusot dito bago pa makarating kay Lucille.

Wala sa huwisyong napatingin ako sa kumbento at nakita si Sister Jezebel na nakasilip sa bintana. Malaki ang ngiti niya habang nakatanaw sa akin.

Paano ba 'to?

Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo sa gusali. Natanaw ko pa si Enoch na kalalabas lang galing sa banyo habang nakapulupot ang towel sa baywang niya.

"Nakatulog na agad si Ajax?" tanong ko.

"Oo, erp," aniya at napabuntong hininga. Naglakad siya papunta sa 'kin bago nakapamaywang. "Matutulog na nga rin muna ako eh. Gisingin mo 'ko erp, bago magdilim," aniya.

Napasimangot naman ako. "Hindi ako matutulog gano'n?"

"Huh? Hindi ko naman sinabing hindi ka matulog ah. Baka kasi gabi na makakauwi sila Sister Lucille, nauna pa sila umalis sa atin, diba?" saad niya at kinawag ang mga kilay.

Mataman ko siyang tinitigan at napatikom ng bibig. Hindi pa rin nawala ang mapangasar niyang ngiti sa akin at marahan na tinapik-tapik ang balikat ko.

"Matutulog na ako, bukas na lang ulit... lover boy—"

"Ipagpatuloy mo, tatakbo ka talagang walang saplot sa katawan."

Agad siyang napaatras sa sinabi ko at kumaripas ng takbo paakyat. Siraulo talaga. Lover boy? Ako? Namalayan ko na lang ang sarili na nakangiti.

Susunod na sana ako kay Enoch nang may tumikhim mula sa likuran ko. Agad akong napalingon at bumungad sa 'kin ang babaeng nakasuot ng business attire—ahh, I knew her.

"Hello, Ezekiel," malamig ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

Nakapamulsa akong humarap sa kaniya at hindi nagsalita. Gusto ko na lang matulog muna. Nararamdaman ko ang pagod sa katawan, halos namamanhid na nga ang balikat ko. Minsan lang namin gawin ang mahabang byahe na 'yon.

"Kanina pa ako naghihintay sayo sa loob ng kumbento," mariin niyang sabi at napailing. Nilabas niya ang sigarilyo at humigop roon bago marahas na binuga ang usok. "Ang hirap mong hanapin Ezekiel."

"Hindi naman ako nagpapahanap," tugon ko habang mataman na nakatitig sa kaniya.

"Obviously," muli siyang humigop sa sigarilyo at binuga ang usok sa deriksyon ko. "He couldn't wait for you any longer, so he died last night... he died calling your name."

Nahugot ko ang hininga sa narinig. Ngunit hindi pa rin ako tumugon, nag ba-blanko ang utak ko. Wala akong maisip na kahit ano kundi makasama lang si Lucille.

"It was never an accident," mahinang aniya.

"...I know."

"Aren't you mad?" humina ang boses niya sa dulo. "You're supposed to be mad. My deceased mom, who happened to be your aunt, killed your parents. They sabotaged the car. I wouldn't mind if you're raging right now."

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon