Chapter 21: Stay

204 46 0
                                    

Chapter 21: Stay


Sumapit ang gabi ay hindi pa rin lumabas si Lucille. Nanatili akong nakatago sa likod ng isang puno habang nakamasid sa bukana ng kumbento. Kahit ilang beses man na nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ay wala akong pake.

Ngunit hindi pa rin ito tumigil. Inis kong kinuha ito at minabuti na lang na patayin. Halos umabot na ng 69 missed calls si Enoch, pero walang kahit na sino o ano man ang makapagpasok sa akin sa loob ng barracks.

Gusto ko lang naman makasiguro na hindi aalis si Lucille-na hindi niya ako iiwan. Wala namang mali sa ginagawa ko ngayon, eh.

Ilang sandali pa ay lumabas ang babaeng pinakahihintay kong makita, suot niya ang itim na habit ng madre habang hawak ang flashlight at painting na ginawa ko kagabi. Agad kong tinapon ang sigarilyo at sinundan siya. Sinilid ko ang kamay sa bulsa at hindi nililihis ang tingin sa kaniya.

Tinahak niya ang daan palabas ng kumbento. Gano'n din ako sa 'di kalayuan niya. Lumiko siya sa kanan at muling naglakad. Pinilig ko ang ulo at napapaisip kung saan siya pupunta, pero wala naman siyang dala na mga damit.

Ilang minuto ang lumipas ay nalagpasan namin ang barracks hanggang sa sementeryo, kung nasaan ang dulo ng lupa ng kumbento.

Nagtagis ang bagang ko... gusto kong tumakbo at yakapin siya sa likod, pero hindi ko magawa. Hindi muna sa ngayon.

Tanging ilaw lang ng flashlight ni Lucille ang nagbibigay liwanag sa unahan ko. Kumunot ang noo ko nang pumasok kami sa kagubatan... Bakit gusto niyang pumunta rito?

Ilang sandali pa ay naaninag ko ang usok sa unahan hanggang naging malinaw ito sa 'king mga mata. Agad akong napahinto nang huminto si Lucille sa harapan ng malaking trash can, lumiliyab ang loob nito na nagbibigay ng bahagyang liwanag sa paligid.

"Alam kong kanina mo pa ako sinusundan, Ezekiel."

Pinilig ko ang ulo at humakbang palapit sa kaniya. "Alam ko, baby," mahinang tugon ko. "Hindi kasi kita mahagilap kanina."

"Pasensya ka na, mahal," aniya at nanatiling nakatalikod sa akin.

"Nasaan tayo, baby?"

"This is the hidden oratory in the woods. Masyadong malayo ito sa kumbento, pero dito ako nasanay magdasal at kung gusto kong mapag-isa."

Nasa harapan namin ang abadonadong orastory, napapalibutan ito ng mga baging.

Huminga ako ng malalim at lumapit sa kaniya hanggang maamoy ang suot niyang habit. Bahagya siyang natigilan nang marahan kong hinawakan ang balakang niya at inilapat ang aking labi sa kaniyang sintido.

"Ang ganda ng painting mo, Ezekiel." Bahagya niya itong inangat. Napatingin din ako roon. "My eyes were looking so fond of you."

Tuluyan ng pumulupot ang mga braso ko sa kaniyang baywang at inakap siya ng mahigpit. Sinubsob ko ang mukha sa leeg niya at napagtantong bumibigat na pala ang kaniyang hininga.

"Alam mo, mahal, nakuha ni Sister Delilah ang baril sa Abadesa. It was a gift from the Reverend Mother's brother."

"Why would she do that?"

"You tell me, Ezekiel."

"I-I don't understand. You're scaring me, baby," namamaos kong sabi. Kahit ang mga kamay at pawis ko ay nanlalamig na rin.

Sandali kaming binalot ng katahimikan, hinayaan niya lamang ako na yumakap sa kaniya-kumapit sa kaniya... hanggang binasag niya ang katahimikan na iyon.

"Is it true?" halos pabulong na tanong ni Lucille.

Unti-unti akong lumayo sa kaniya. Wala sa huwisyong napabitiw ako habang kumakabog na ang dibdib ko.

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon