Chapter 12: Sign

267 72 0
                                    

Chapter 12: Sign


Sumapit ang maghapon na tagaktak ang pawis ko. Nilagok ko ang tubig habang nakatingin sa binungkal namin ni Enoch. Kahit siya rin ay tulala sa pagod at nakaupo lamang sa lilim ng puno. Natapos namin ito hanggang sa dulo ng sementeryo.

"Pamasahe tayo mamaya, Enoch," wika ko at napukaw ang atensyon niya. Pagod lang pala ang dahilan para tumahimik ang mokong.

"Saan? Libre mo?"

"Sige, libre na rin kita ng dild*—"

Napahinto ako sa pagsasalita nang sumipol si Ajax sa 'di kalayuan. Sumenyas siya sa amin na magtipon na sa loob. Tumango naman ako sa kaniya bilang tugon. Agad naman siyang umalis at sumunod kay Nolan.

"Mamaya pagkatapos ng hapunan, ha? Sabi mo 'yan, erp. Ayain din natin sila, pero pass sa dild* kasi mas bagay 'yun sayo—ah! Nagbibiro lang!"

Sinipa ko ang sanga papunta sa kaniya. "Gago ka talaga," bulong ko at napailing na lamang.

"Wala ng mas hihigit pa sa kagaguhan mo, erp," seryosong sabi ni Enoch.

Bahagya akong natigilan sa narinig. Wala sa huwisyong pinilig ko ang ulo at mas lalong tumitig sa kaniya.

"Sabihin mo na kung may nakita ka."

Umiling naman siya at pinaglaruan ang maliliit na bato sa paanan niya. "Napaisip lang ako kung bakit palaging nakatingin si Sister Delilah sa gawi mo noong isang araw," aniya.

"Ang daming pwedeng isipin, 'yan pa talaga." Kinuha ko ang sando na nakasabit sa sanga ng isang puno. "Huwag mo na dagdagan ang iniisip mo, Enoch."

"Pero, Ezekiel..."

"Hmm?" Sinuot ko ang sando bago bumaling sa kaniya.

"Hindi ako sangayon kung may katarantaduhan ka na naman na ginagawa rito," seryoso niyang sabi. "Alam mong hindi ako nangingialam, kasi alam mo na ang tama at mali. Binabalaan lang kita." Mataman siyang nakatitig sa akin, na para bang hinuhuli ako. "Ayokong mawalan ulit ng tinuturing ko na kapatid. Ayokong makita na mauulit ang nangyari sayo, Ezekiel."

Bahagyang namilog ang mga mata ko at inosenteng tumingin sa kaniya. "Enoch, alam mo naman ako, kapag gusto nila ay ibibigay ko. Gano'n ako kabait na tao," natatawang tugon ko at nagsimulang lumapit sa kaniya.

Inilahad ko ang aking kamay, agad naman niyang inabot ito at tinulungan ko siyang tumayo.

"Sige, tara na at ililibre mo pa ako!" nakangisi niyang sabi bago ako inakbayan. Bilis kausap ng mokong, kaibahan sila ni Ajax ang dami pang dada.

Hinayaan ko na lang siya na lumambitin sa akin, buti na lang at good mood ako. Matapos ang usapan namin tungkol sa laro at sa lola niya sa Santo Barak ay nakarating kami sa gusali.

"Mauna akong maligo, ha, tapos kain tayo sa labas," aniya.

Napangisi naman ako. "Aba, inaaya mo akong mag date, Enoch?"

"Tarantado! Kasama sila Nolan, hoy! Kapal naman ng mukha mo para solohin ako!"

Hindi ko na mapigilan at humalakhak na lang. Umamba siya ng suntok sa akin bago tumalikod.

"Hoy, paki-kuha na lang din ng tuwalya ko, Enoch!" sigaw ko sa kaniya habang nakahawak pa sa tiyan.

Huminga ako ng malalim nang makabawi sa tawa. Kinapa ko ang rosaryo ni Lucille sa 'king bulsa. Hindi ko siya mahagilap ngayong araw ah, at hindi rin dapat ako magtaka dahil normal naman 'yon matapos siyang tumugon sa halik ko.

Hmm. That only means she submitted herself to me. Napangisi ako sa naisip. Well, sh*t.

Nagising ang diwa ko nang may bumato sa akin ng tuwalya. Inis akong lumingon kay Enoch— "Ajax, asan ang gag*?"

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon