Warning: This chapter involves severe emotional distress that may be disturbing to some readers. Readers discretion is advised. You have been warned.
—
Chapter 7: On The Third Day
Naririnig ko ang napakagandang boses sabayan pa ng lamig sa paligid. Hinihila ulit ako ng antok, pero tinatawag ang pangalan ko—
"Ezekiel."
Marahan kong minulat ang mga mata at bumungad sa 'kin si Sister Lucille. Tipid siyang ngumiti dahilan na kumabog ang dibdib ko.
"Tumila na ang ulan. Tara na," aniya.
Nakatulog pala ako... Huh? Bumangon ako at nag-unat ng braso. Hinayaan niya akong matulog sa kaniyang mga hita.
Interesting.
Tahimik lang kami nang makalabas, bahagyang tinatabunan ng makapal na ulap ang liwanag ng buwan. Hindi ko alam kung anong oras na.
Mabagal kong pinaandar ang motor sa gilid, damuhan na kasi rito kumpara sa madulas at maputik na daan sa gitna. Pinaandar ko rin ang headlight para kahit papano ay may ilaw naman kami. Samantalang naglalakad naman si Lucille sa kabilang gilid.
"Kokak," aniya na natatawa.
Napangisi ako. "Naiintindihan mo sila, Lucille?"
"Hindi ah, ginagaya ko lang sila."
"Ah, akala ko dating palaka ka."
Mahina siyang napasinghap. "Malus!"
Natatawa akong bumaling sa kaniya. "Non sum malus, Sister Lucille."
Narinig ko siyang tumikhim. "Marunong ka pala mag latin, Ezekiel?"
Tumango ako sa kaniya at muling tinuon ang tingin sa unahan. "Oo, halos lahat naman sa monasteryo dati ay marunong mag latin. Minsan 'yun din ang gamit nilang lenggwahe lalo na kapag nagdadasal."
Natatanaw ko na ang post lights sa labas ng kumbento. Hindi ko namalayan na malapit na pala kami. Bakit ang bilis naman ng oras?
"Bakit ayaw mong bumalik doon?"
Napalunok ako. "Bakit kailangan ko bumalik doon?"
Hindi siya sumagot kaya napasulyap ako sa kaniya. Nagbaba lang siya ng tingin at hindi na umimik sa 'kin.
Napabuga ako ng hangin bago tumugon. "It's not my calling, Sister Lucille."
"Paano kapag sinusubukan ka lang Niya at agad-agad kang sumuko—"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Lucille nang marinig namin ang matinis na sigaw mula sa kumbento. Umalingawngaw ito mula rito sa pwesto naman.
Agad siyang tumakbo habang mabilis ko naman na pinaandar ang motor. Hindi umabot sa dalawang minuto nang marating ko ang bakuran.
"Lucille!" tawag ko sa kaniya.
Bumaba ako ng motor at balak sana siyang sundan ngunit natanaw ko na sila Ajax na papunta sa deriksyon ko.
"Erp! Anong meron?"
Nagkibit balikat ako kay Enoch. Aalis na sana ako nang biglang humarang si Ajax. Bahagya niya akong tinulak dahilan na tumalim ang tingin ko sa kaniya.
"Walang papasok kahit isa sa inyo. Kung anong nangyayari sa loob ay hindi na tayo pwedeng mangialam pa."
Nagsilabasan ang mga madre pati na rin ang mga bata. Nakasuot pa sila ng damit pantulog. Agad na kumabog ang dibdib ko nang nasundan iyon ng sigaw ni Lucille.
BINABASA MO ANG
Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)
Storie d'amore"Hate the sin, love the sinner." ━ After the volcanic eruption in Santa Hellena, Ezekiel Schaeffer became an outlander, haunted by the memories of his first love. He promised himself he wouldn't return to that place ever again. Until one day, he fou...