Chapter 22: Meant To Meet

200 38 0
                                    

Chapter 22: Meant to Meet
The Final Chapter

Minsan sa buhay ay may darating para turuan tayo ng leksyon. May darating para gawin tayong matatag o mas lalong malugmok. Darating sila... pero hindi rin magtatagal. Ang mas masakit pa, kapag umalis sila ay hindi na sila babalik kahit na kailan. Kahit ilang beses ka man lumuhod sa altar at magmakaawa sa Diyos, kung hindi para sa iyo ang isang bigay ay hindi Niya ito ibibigay.

But I'm sure they will give us a lesson deep in our soul.

"Father Ezekiel, bukas daw po ang misa ninyo sa house blessings sa huling purok," sabi ng secretary ko, si Mia. "Pasensya na ho if medyo late kayong nainform, ngayon lang kasi sumagot sila sa email ko, eh."

Sinarado ko ang Bibliya at nag-angat ng tingin sa canvas. Nakasabit ang painting ni Lucille roon at katabi nito ang isang painting ng puting paruparo, nasa ilalim naman ang mga bulaklak—freshly picked from the church's garden.

"Sige, Mia. Pupunta ako bukas, naroon din ba ang kapitan?" tanong ko.

Tumingin naman si Mia sa tablet niya habang nakatayo sa bukana ng aking opisina. "Opo, Father Ezekiel."

Tumango ako bago bumaling sa kaniya. "Kamusta naman ang libro na pinapabili ko sa iyo?"

"Naka pre-order na ho ako, Father Ezekiel," aniya at ngumiti. "Wala na ho kayong ipag-uutos?"

Bago lang si Mia bilang staff ng simbahan at masasabi kong magaling siya sa trabaho.

"Wala na, Mia. Salamat. Makakaalis ka na—"

"Ay, muntik ko na hong makalimutan, Father Ezekiel. Nasa labas po pala si Ajax."

Napailing na lang ako. "Hindi man lang nag message sa akin," tugon ko naman at tumayo. Kinuha ko ang susi ng motor bago muling bumaling kay Mia.

"Mag-ingat po kayo, Father Ezekiel. Basta ho, may misa po kayo mamayang alas sais at bukas ng alas syete ay may misa kayo sa huling purok," paalala niya at ngumiti. "Ay, kasama pala ako bukas!"

Natatawa akong sumenyas sa kaniya na mauna siyang lumabas. Agad naman siyang sumunod at marahan na sinarado ang pinto.

Muli akong napatingin sa larawan ni Lucille. Pininturahan ko ng paruparo ang bahid na dugo noon ni Delilah. Narito pa rin ang kirot makalipas ang anim na taon. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari, pero alam kong malaki ang kasalanan ko. Matapos ang nangyari sa gabing iyon ay hindi ako nalihis ng landas katulad ng nangyari sa Santa Hellena. Sa halip ay pinagpatuloy ko ang naudlot kong plano sa buhay... tulad ng sinabi ni Lucille.

I thought this would heal me from everything. I thought I would be fine pursuing again this unfinished business with God. But it turns out that it wasn't. All those years, she didn't leave my mind from the time I wake up, during the mass, and before going to bed.

When she turned her back at me that night and all I could do was stare at her while she was walking away from me—and that became a nightmare... a nightmare that I have to live every day.

"I miss you... God knows how much I miss you. Minsan nararamdaman kong niloloko ko na lang ang sarili ko, Lucille. I did what you wanted me to do, and I've been waiting for us to meet, but... ang hirap pala. Akala ko madali lang dahil pinaglilingkuran ko ang Diyos, pero ang hirap pa rin pala."

Napabuga ako ng hangin at kinurap ang mga mata. I stopped crying years ago, back in the monastery. I couldn't let the tears fall anymore, but I felt my heart aching with just the thought of her.

Mas mabuti na siguro na puntahan ko na ang kaibigan ko sa labas. Nang mabuksan ang pinto ay bumungad sa akin si Ajax, nakasuot siya ng sunglasses at puting polo na tenernuhan ito ng itim na pants.

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon