Chapter 16: Tormented by the Truth
Nakatutok lang ako sa unahan at hindi batid ang bilis ng pagpapatakbo. Kailangan ko makabalik sa Santa Naamah. Kami naman ang triongina ang mauuna na makabalik doon, pero gusto kong makasiguro. Tulad nang ginawa namin ay hihinto muna kami sa Santa Lilith at babyahe ng madaling araw.
Nagising ang diwa ko nang malakas ang busina ni Ajax mula sa 'king likuran. Dahan-dahan kong binagalan ang pagmamaneho, na para bang naririnig ko ang pagmumura ni Enoch—at hindi nga ako nagkakamali.
"Kanina pa ako nasigaw rito sa likuran mo, erp! Pambihira, gusto ko pang mabuhay," ngawa niya.
Pinilig ko ang ulo at naalala ang sinaba ni Lucille. Malalagot ako kapag nagsumbong si Enoch. Pagkatapos no'n ay hindi na pang karera ang takbo ko.
Lumipas ang tatlong oras ay napagdesisyunan namin na magpahinga sa gilid. Nilagok ko ang natitirang tubig habang bumaba naman si Enoch sa likuran ko at nagtungo kay Ajax.
Pinagmasdan ko lang sila habang nakaupo sa motor ko. Kinuha ni Enoch ang cellphone ni Ajax at may tiningnan. Wala sa huwisyong kinuha ko naman ang akin at bumungad ang wallpaper ko na si Lucille. Kuha ko ito kahapon, kung saan nakaupo siya habang nakatanaw sa malayo. Ito 'yung oras na ayaw niya sumama sa akin na bumili ng pagkain.
Napangiti ako at wala sa huwisyong hinaplos ang screen. Mas nangibabaw ang pananabik ko na makita siya, kahit alam kong kinakabahan ako kapag makita ko ulit si Delilah sa Santa Naamah.
"May tubig ka pa, Kiel?"
Agad kong pinatay ang cellphone at sinilid sa bulsa. Humarap ako kay Nolan bago magsalita. "Wala na naubos ko na."
"Inubos ni Enoch 'yung sa akin," aniya at napakamot ng ulo.
"Kay Ajax, baka meron—"
"Inubos din niya," pagputol niya sa sasabihin ko. Nakabusangot na rin ang mukha ni Nolan.
"Hoy, Ajax," malakas na tawag ko sa kaniya. "Inubos ng baby boy mo ang lahat ng tubig."
"Baby boy amp*ta, tumahimik ka nga Ezekiel!" sigaw ni Enoch. Hindi ko na lang siya pinansin.
"Sige, malapit lang naman dito 'yung kinainan natin noong nakaraan. Huminto tayo roon," kalmado niyang sabi. Immune na yata si Ajax sa reklamo namin tungkol kay Enoch.
Tumango na lang ako sa kaniya at muling bumaling kay Nolan. "Angkas ka sa 'kin, Lan."
"Ayoko, gusto ko pang mabuhay—"
"Sus, papatayin kita kung gugustuhin ko," pagputol ko sa sasabihin niya.
"Tarant*do ka talaga," aniya at napailing. Sabay namin sinuot ang helmet nang pinaharurot ni Ajax ang motor palayo.
"Mas tarant*do 'yun, wala man lang go signal," natatawang saad ko.
"Gustong masulo ang baby boy eh," aniya.
Napantig ang tenga ko sa narinig. Hindi lang naman pala ako ang nakapansin, maging si Nolan din.
ཐིཋྀ
Sumapit ang ilang oras ay narating namin ang Santa Lilith, dapit hapon na nang makarating kami sa tutuluyan namin ngayong gabi.
"Aalis muna ako," paalam ko kay Nolan.
"Huh? Kadarating lang natin ah, magpahinga ka muna tapos sa labas daw tayo kakain."
"Bibisitahin ko lang ang shelter care, kung maghahanap sila Ajax sa akin ay sabihin mo lang kung nasaan ako."
Sinuot ko ang jacket matapos palitan ng bandage ang sugat sa braso, medyo naghilom na nga ito, pero namumula pa rin ang gilid.
BINABASA MO ANG
Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)
Romance"Hate the sin, love the sinner." ━ After the volcanic eruption in Santa Hellena, Ezekiel Schaeffer became an outlander, haunted by the memories of his first love. He promised himself he wouldn't return to that place ever again. Until one day, he fou...