Chapter 8: Piece of Trust
Lumipas ang apat na araw ay hindi ko mahagilap si Lucille. Ang sabi nila ay apat na araw na rin nagdadasal ang mga madre habang nakalamay si Jonah sa loob ng kumbento. Baka nga nangunguna si Lucille sa padadasal doon.
Tulad ng sabi ni Ajax, hindi na kami nangialam o kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya.
Alam ko naman 'yun, hindi na bumalik ang mga pulis dito. Marahil su*cide nga ang nangyari—pinilig ko ang ulo sa naisip, hmm...
Kasalukuyan akong nakasandal sa puno habang hawak ang baso ng grape juice. Isang araw lang huminto ang trabaho namin pero agad din naman natuloy kinabukasan, hinahabol namin ang oras para matapos agad pero... parang ayokong matapos... huwag muna.
Iinom na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang babaeng inaasam-asam kong makita. Agad kong binaba ang hawak na baso at tumingin sa deriksyon niya.
Namalayan ko na lang ang sarili na nakatitig kay Lucille. Nakangiti siya habang kausap ang mga bata. Kinagat ko ang ibabang labi at napangiti na lang din. Agad naman nawala ang ngiti ko nang muli na naman bumalik ang lungkot sa kaniyang mga mata... tulad noong una naming pagkikita.
"Oh, erp, tinapay—aba, nakatitig ang isang Ezekiel Schaeffer kay Sister Lucille. Olats kana, erp. May proteksyon 'yan kontra sa mga demonyo na tulad mo—"
Matalim akong nag-angat ng tingin kay Enoch. Agad siyang napatikom ng bibig at unti-unting ngumiti, mas lalo niyang inilapit ang tinapay sa 'kin.
Umiling ako sa kaniya at muling tumingin sa gawi ni Sister Lucille, pero naroon na si Delilah. Pinilig ko ang ulo at napatitig sa kaniya. Hmm, parang hindi siya ang babaeng umuungol at sarap na sarap sa s3x ah. Mukha talaga siyang mabait at maamo, kahit ang totoo niyan ay mahirap siyang paamuhin sa kama.
"Erp, bet mo?" tanong ni Enoch. Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na siya sa tabi ko.
Uminom muna ako ng grape juice bago tumingin sa kaniya. "Alam mo, Enoch, kung ano ang mas bet ko?"
Mabilis siyang tumango. Chismoso rin 'to eh. Sumenyas ako na mas lumapit pa siya sa 'kin dahil ibubulong ko. Ginawa naman niya.
Inilapit ko ang bibig sa kaniyang tenga bago magsalita. "Mas bet kong suntukin ka, Enoch—"
"Grabe ka naman, erp!" Agad siyang umatras at marahas niyang hinimas ang kaniyang tenga. "Nagtatanong lang eh." Napatayo siya at nagsalubong ang kilay. "Bahala ka nga riyan. Balik daw roon kapag alas dos na," aniya at naglakad pabalik.
Natatawang umiling ako at muling sumandal sa puno. Napatingin ako sa unahan at sabay nagtama ang mga mata namin ni Lucille.
Akala ko ay iiwas siya pero ilang segundo ang lumipas ay nanatili siyang nakatingin sa deriksyon ko.
Dinilaan ko ang ibabang labi at mabilis na tumayo. Pinagpag ko muna ang pantalon bago malalaki ang hakbang na nagtungo sa kaniya. Halata ang itim sa ilalim ng kaniyang mga mata, pero maganda pa rin siya sa paningin ko... sobrang ganda.
"Magandang tanghali, Ezekiel," malumanay niyang sabi.
"Magandang tanghali rin, Sister Lucille," humina ang boses ko sa dulo.
Nakapagtataka, hindi naman ako uminom ng kape kaninang umaga, pero may palpitation ako ngayon.
"Kamusta? Kamusta kayo?"
"Ayos lang naman, namimis—" Napakurap ako at napalunok. "Malapit na kami magbuhos sa unang palapag."
Tipid siyang napangiti. Napasulyap ako kay Delilah sa 'di kalayuan. Nakatitig siya sa deriksyon namin ni Lucille.
BINABASA MO ANG
Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)
Roman d'amour"Hate the sin, love the sinner." ━ After the volcanic eruption in Santa Hellena, Ezekiel Schaeffer became an outlander, haunted by the memories of his first love. He promised himself he wouldn't return to that place ever again. Until one day, he fou...