Chapter 1: The Devil Has Arrived
Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa unahan. Mabilis ang takbo ng motor ko, aabot ng walong oras ang byahe papunta sa Santa Naamah kapag galing sa Santa Lilith.
Balak ko talaga na maagang umalis kung hindi lang nagpapansin ang babaeng surot na 'yon sa canteen. Puro salita, hindi naman ako interesado. Magpalaspag siya sa aso, huwag sa akin. Kairita.
Hindi ko batid ang pagod nang huminto ako malapit sa bangin. Inalis ko ang suot na helmet at napahinga ng malalim, humahampas ang hangin sa deriksyon ko.
Matapos ang search and retrieval operation nila, katawan ni Sister Julie at ilang mga madre lang ang nakita, walang Serissa.
Isang taon akong namalagi sa Santa Hellena, sinubukan kong hanapin siya sa kalapit na bundok. Hanggang sa 'di ko na namalayan na unti-unti akong sumuko.
Umalis ako at namalagi sa Santa Lilith ng ilang buwan para magtrabaho, pero kahit saang lugar ay naalala ko pa rin siya.
May mga araw na gusto kong sumunod sa kaniya, pero madalas nilulunod ko na lang ang sarili sa pag-inom ng alak at s3x.
Napakagat ako ng ibabang labi nang maisip 'yon, ilang linggo na akong malinis dahil sobrang abala sa trabaho. Bantay sarado ba naman ng Engineer ang barracks namin sa Santa Lilith.
Binibisita ko rin ang shelter care para kamustahin ang mga bata, lalo na si Father Gio sa simbahan.
Minsan naisip ko na lang na bumalik sa monasteryo, pero nah, it's too boring. Baka matira ko pa ang ilang padre na naroon, ayoko maging sexhood and priesthood nila. May natitirang bait pa naman ako sa katawan, 'yon nga lang ay depende kung trip ko.
Binuksan ko ang mineral bottle at uminom ng tubig habang nakatanaw sa kabilang bundok kung nasaan ang Santa Naamah.
Nagbaba ako ng tingin at sinipa ang mga maliliit na bato sa bangin, nag-unahan naman itong mahulog.
Tss. Tulad na lang ng mga anghel na nahulog sa lupa, na kailan man ay hindi makakabalik kung saan sila nagmula.
Pathetic. Dumura ako sa bangin bago pinunasan ang bibig gamit ang kamao. Kinuha ko ang selpon sa bulsa ng jacket at tiningnan ang mga mensahe. Kanina pa kasi ito nag-vibrate sa dibdib ko.
Nangunot ang noo ko nang makita ang mga nasa notification. "Ah, wala na bang bago?"
Binuksan ang mga video na sinend nila. Nakakarindi ang matinis nilang ungol. Nakakaumay, hindi na ako tinitigasan. Agad kong sinarado ang selpon at binalik sa bulsa.
Hmm. Tapos na ako sa kanila. Gusto ko ulit ng bago.
Tinapon ko ang mineral bottle sa bangin at bahagyang natigilan. Kung narito ba si Serissa ay tatalon ba siya para pulutin 'yon?
Napangisi ako sa naisip. Susunod talaga ako sa kaniya kapag nangyari 'yon. Namimiss ko na siya... namimiss ko na ang mga ngiti niya.
Kung nasaan man siya ngayon, sana'y nakikita ni Serissa na pinipilit kong magbago. Pinipilit kong maibalik ang dating ako, pero napagtanto ko na hindi ko na maibabalik pa 'yon.
Ang nakaraan at dating ako ay may Serissa. Ngunit ngayon ay wala na...
"Ah, pvta." Agad akong kumurap nang humapdi ang mga mata ko. Sa hangin lang 'to, kailangan ko na magpatuloy.
Sumapit ang gabi nang makarating ako sa convent school ng Santa Naamah. Nasa ibabaw ito ng burol, ngunit hindi naman kalayuan ang syudad sa kanila.
Nasabi sa akin ni Ajax na hihintayin nila ako sa labas. Asan na kaya 'yon?
BINABASA MO ANG
Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)
Romance"Hate the sin, love the sinner." ━ After the volcanic eruption in Santa Hellena, Ezekiel Schaeffer became an outlander, haunted by the memories of his first love. He promised himself he wouldn't return to that place ever again. Until one day, he fou...