Chapter 19: Sinful Habit

249 54 0
                                    

A/N: Please let me know your thoughts about this chapter. ( ͡°⌣ ͡°)

***

Chapter 19: Sinful Habit

Warning: SPG/R18
Read at your own risk.

Matapos ang hapunan ay nag-aya na naman ang triongina na lumabas. Magpapamasahe lang daw. Naroon pa rin ang ilangan nina Ajax at Enoch. Ngunit hinahayaan na lang namin ang dalawa. Basta, kung ano man ang mangyayari ay sana walang magbabago sa pagkakaibigan na aming nabuo.

"Ayaw mo talagang sumama, Kiel?" tanong ni Nolan habang nagbibihis ng damit pangitaas.

Umiling ako sa kaniya. Katatapos ko lang maligo at nakakapresko talaga ang malamig na tubig. Inalis ko muna ang takip sa sugat, kanina ko pa sana ito ginawa, pero nawala sa isipan ko. Napatingin ako sa 'king braso, kumipot na ang sugat.

"Hoy, ano na, Ezekiel?"

Sinuot ko ang itim na sando at boxer shorts bago magsalita. "Hindi na, pass muna. Sa susunod na lang ako."

"Sige, gamitin ko ang motor mo, ah?"

Agad kong binato ang susi sa kaniya at nasalo naman ito ni Nolan.

"Sige, ingat."

"Sus, nag-aalala siya," nakangisi niyang sabi.

Pinilig ko ang ulo at ngumisi rin sa kaniya. "Malamang, gamit mo motor ko."

"Tarantado talaga," nakangiwi niyang sabi at umalis na lang.

Natatawa naman akong pinasadahan ang basang buhok ko. Hmm, wala akong art materials dito. Baka meron sa kumbento—panigurado meron doon.

I am not really sure if Lucille wanted us to make love. But if that happens, well, sh*t. Hinding hindi na siya makakaalis kailanman sa buhay ko.

Baka nasabi niya lang kasi 'yun dahil sa ginawa ng mga bata sa kaniya. She shouldn't feel humiliated in front of me. I never thought that way. Ang cute nga ng pagkakasabi ng mga bata, eh.

Napagdesisyunan ko na lang na lumabas sa kwarto. Napasipol ako habang tinatahak ang daan palabas. Hawak ko sa kanang kamay ang theology book na ibinigay niya sa akin noon. I haven't finished this book, but I want to read the remaining pages beside her.

Napangiti ako nang makita ang nakabukas na ilaw sa kwarto ni Lucille. I wonder if she will join the night prayer tonight.

Ilang sandali pa ay nakarating ako sa harapan ng kumbento. Kumakabog ang dibdib ko na para bang ito ang unang beses na makikipagkita ako sa isang babae.

Bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Sister Jezebel. Mabilis kong hinarang ang braso nang isasarado niya ang pinto.

"You're not welcome here, Mr. Schaeffer."

"You don't have the authority to say that," mariin kong sabi. Nagtagis ang bagang ko nang mas lalo niyang idiniin ang pinto.

"How dare you?!" sigaw niya.

Buong lakas ko itong tinulak na naging dahilan na napaatras siya. Ngayon ko lang napagtanto ang numumugto niyang mga mata.

"Anong sinasadya mo rito?" malamig niyang sabi. "Kung gusto mong makipag-usap sa akin ay hindi kita gustong makita. Ayaw kong marinig ang boses mo."

"I am not here for you. I'm here for Sister Lucille." Bahagya kong itinaas ang libro na hawak. And to look for Delilah.

Mariin siyang napatikom ng bibig. Nagsimulang mamula ang mga mata niya at marahas akong tinulak bago tumakbo palabas.

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon