Chapter 2: Prayer of the Prey

388 70 0
                                    

Chapter 2: Prayer of the Prey

Matapos ang agahan ay agad kaming bumalik sa kumbento. Tulad kanina ay hindi pa rin mahinto ang bibig ni Enoch.

"Tapos ang tanong pa niya ay hindi ko ba siya hahabulin?" aniya. "Muntanga, ginawa pa akong aso, erp."

Huminto kami kung saan nakaparada ang motor kanina. May ilang madre na nasa labas, mga novice at layman nuns. Agad kong hinubad ang helmet at napatingin sa bukana ng kumbento, nakabukas ang double door na pinto roon. May mga bata rin na tumatakbo sa hallway at sumisilip sa bintana.

And as if on cue, naalala ko na naman si Serissa. Hindi mabubuo ang araw ko noon kapag hindi ko siya natanaw sa bintana ng kumbento.

Nagising ang diwa ko nang bumaba si Enoch. "P*ke lang ba raw 'yung habol sa kaniya." Napailing siya at sinabit ang helmet sa side mirror. "Madaming gano'n diba erp, nag cheat siya eh," dagdag pa niya. "Mga babae nga naman. Sila na nga ang may mali, sila pa ang may ganang umiyak—at sila pa ang palaging tama."

Pinasadahan ko ang buhok sabay lumabas si Sister Lucille, namimilog ang mga mata niya habang kausap ang isang novice. Hindi pa makapirmi ang mga kamay niya habang nagsasalit.

Cute.

"Hoy!" Napakurap ako nang humarang si Ajax.

"Kapag natunaw si Sister Lucille ay wala tayong arep," sabat naman ni Enoch.

Mga sagabal.

Bumaba na lang ako sa motor at sinabit ang helmet sa side mirror.

"Tara na, habang nasa labas pa si Sister Lucille," wika ni Nolan at naunang umalis.

Agad napahinto si Sister Lucille nang makita kaming papunta sa deriksyon niya. Sumenyas siya sa novice na umalis muna, sinunod naman siya nito bago kami makarating sa harapan niya.

Pinagsikop niya ang mga kamay at taas noong ngumiti sa'min.

"Magandang umaga, Sister Lucille!" bati ni Ajax.

"Pasensya na ho kung maaga kami," nakangiting saad ni Enoch. "Inagahan po talaga namin na gumising, Sister Lucille."

Mataman kong tinitigan si Sister Lucille, hinuhuli ko ang mga tingin niya ngunit parang iniiwasan niyang magtama ang aming mga mata.

Hmm.

"Magandang umaga rin sa inyo," malumanay niyang tugon. Sumenyas siya na sumunod kami. Agad din naming ginawa iyon.

Ako ang nasa hulihan habang nakatanaw lang sa kaniya, pilit kong binabasa kung bakit ayaw niyang sumulyap sa 'kin.

"Late na kayo ng mahigit sampung minuto," ani ni Sister Lucille.

Nagsikuhan naman ang triongina sa narinig. Napabuga na lang ako ng hangin at binulsa ang mga kamay.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan pabalik sa gusali kung saan kami nanunuluyan. Baka tama nga si Ajax, na 'yung mga abandonado ang aayusin namin.

"Pasensya na ho," seryosong sabi ni Nolan. "Tumae pa kasi si Enoch."

Nasundan iyon na malulutong na mura ni Enoch. Napahinto naman si Sister Lucille sa narinig at nanlalaki ang kaniyang mga mata na bumaling sa'min.

Goddamn, those green eyes.

"Pasensya na ho kayo sa kasama ko, Sister Lucille." Siniko ni Ajax si Enoch. "Kinabag lang po ang bibig."

Ah, sa wakas, napasulyap na rin siya sa mga mata ko. Ngunit agad din naman siyang nag-iwas ng tingin.

"Ang sarap ng kaldereta, erp 'no," panimula ni Enoch. "Pero mas masarap pa rin 'yung tahong. Simo't sarap tulad ng bela—"

Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon