Chapter 18: Sunset With You
Kasalukuyan kaming nagpapahinga sa lilim ng puno. Samantalang nakaupo naman si Enoch sa isang puntod habang nakabuka ang mga hita. Napapansin ko ang malamig na trato niya kay Ajax simula pa kanina no'ng ginagawa namin ang harang.
"Jax, anong meron sa inyo ni Enoch?" tanong ko kay Ajax na nakaupo sa gilid ko.
"Sinusumpong na naman 'yan, ang sabi ko kasi kailangan tapusin natin ang harang ngayong linggo, eh ayaw pa daw niya umalis dito at mamimiss niya ang lugar."
This week? "Huh? Bakit? Ayaw ba niya bumalik sa Santo Barak?"
"Iyon na nga, naroon daw ang mga demonyo niyang pinsan sa bahay ng kaniyang lola. Ang sabi ko sa kaniya ay manunuluyan tayo, o magtatanong ako kung may barracks ba sa pagtatrabahuan natin. Hindi pa rin kasi ako sigurado."
Napatikom ako ng bibig nang marinig ang huling salita niya. Tatanungin ko muna si Lucille kung pwede bang sabihin ko sa triongina ang namamagitan sa amin. Ayokong pangunahan siya at baka magalit na naman.
"Mas okay na 'yon na magkasama kayo, kaysa manuluyan siya sa lola niya at 'di naman siya komportable," tugon ko matapos ang ilang segundo.
"Ewan ko ba kung bakit ayaw niya," humina ang boses niya sa dulo at marahas na bumuga ng hangin. "Tara na, magtanghalian muna tayo bago bumalik dito. Namiss ko ang mga ulam sa baba, eh—"
"Ahoy, anong ulam sa baba? P*ke ba ang ibig sabihin mo, Ajax? Sarap no'n." sabat ni Nolan nang makalapit sa likuran namin. "Balik tayo sa sentro mamayang gabi, pauupuan ko lang ang mukha ko."
"Magsolo ka," wala sa huwisyong tugon ko. Nanindig ang balahibo ko bigla kapag naiisip na hindi si Lucille ang hahalikan ko—
Bigla na lang tumayo si Enoch at nagmartsa palayo. Nagmamadali namang tumayo si Ajax at sumunod sa baby boy niya.
"Tamo, napaghahalataan ang dalawa ba. Sabihin mo sa akin, Ezekiel, napapansin mo rin sila, diba?" ani ni Nolan at umupo sa pwesto ni Ajax kanina.
"Oo, napaghahalataan ka na rin?" tugon ko naman at nilagok ang tubig.
"Huh? Na alin ba?"
"Hayok sa p*ke, Nol. Hayok."
"Grabe ka naman, hindi naman masyado ah—"
"Tigang na lang."
Narinig ko ang marahas na pagsinghap niya at iniwan siyang nakatulala. Umalingawngaw naman sa tenga ko ang sinabi ni Lucille na before lunch. Hmm, kakain ba kami? o magkakainan? Sana pala nagtanong ako kanina.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa harapan ng admin. It was the same place when the day I met her, but it wasn't the same feeling anymore... because I'm in love with Lucille Elliot.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad ang napakaganda niyang ngiti na naging dahilan upang mahugot ko ang hininga. Wala siyang suot na belo at nakalugay lang ang buhok niya.
"Ezekiel," malumanay niyang tawag sa akin. "Halika, pasok." Binuksan niya ang pinto at nakita ko ang mga pagkain sa maliit na mesa.
Wala sa huwisyong pumasok ako at narinig na lamang ang pagsarado ng pinto.
"Naghanda ako ng pagkain natin. Gusto ko kasing sabay tayo—hindi bale, Ezekiel. Balang araw ay sa labas din tayo kakain, 'yung tipong magkatabi at h-hindi nagt-tatago sa apat na sulok dito—"
Mabilis akong lumingon at mahigpit siyang niyakap. Pumulupot naman ang mga braso niya sa 'king torso habang pinugpog ko siya ng halik sa sintido.
"One day, baby. One day," bulong ko. Si Lucille na ang bahagyang kumawala sa akin at hinila ako palapit sa mesa.
BINABASA MO ANG
Sinful Habit (R-18 | COMPLETED)
Romance"Hate the sin, love the sinner." ━ After the volcanic eruption in Santa Hellena, Ezekiel Schaeffer became an outlander, haunted by the memories of his first love. He promised himself he wouldn't return to that place ever again. Until one day, he fou...