Chapter 18 - Pixie Land

17 3 0
                                    

*Nimpha POV*

Nakangiti ako ngayong nakaupo sa isang bato dito lang malapit sa ilog habang kinakain ang apple na baon namin.

"Hoy, para kang tangang nakangiti diyan." Gulat akong napatingin kay Sarah na nasa tabi ko na pala.

"B-bakit? Masama bang ngumiti?" Di ko maiwasang ngumiti ulit nang maalala ko ang naganap kanina.

Ang gwapo naman kasi ng Mr. Right ko. Ang gentleman pa mwehehe.

"Hala siya nabaliw na. Bat ba ngiting-ngiti ka? Talo mo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya mo."

"May tanong ako Sarah." Excited na sabi ko sabay harap sakanya. May gusto lang akong kompirmahin.

"Oh ano naman?" Ani nito habang kinakain ang mansanas nito.

"Diba nililigawan ka ni Bagyo?" Nakangiting tanong ko dito.

"Correction boyfriend ko na siya. Anyways, tapos ano?" Nagulat pa ako sa tinuran nito. Really? Kailan pa?

"Ay wow congrats. Buti natiis mo ang ugali at kahanginan ni Bagyo." Natatawang napa-iling na lamang si Sarah sa sinabi ko.

"I love him that's all. Anyways hindi yan ang topic natin dito.  Ano ba yang itatanong mo?" Takang tanong nito.

"Yun na nga, ano yung feeling ng mainlove? Posible ba ang love at first sight? May kuryente ka bang naramdaman nang maghawak kayo ng kamay?" Sunod-sunod na tanong ko dito.

"Ang daming tanong ah? Bago ko muna sagutin ang mga katanungan mo. Magtapat ka nga sakin, inlove ka ba?" Nagtatakang tanong pa nito.

Napatingin ako sa ibang kasamahan ko na sobrang busy sa kani-kanilang ginagawa kaya mas lumapit pa ako lalo kay Sarah.

"Promise mo sakin hindi mo sasabihin kay kuya ha?" Tumango nalang siya sakin.

"So inlove ka nga?" Napakagat labi ako habang pinipilit na huwag lumabas ang ngiti sa labi ko habang tumatumango-tango sakanya. Yung mga bulate ko hindi na magkamayaw sa kilig.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang ani nito.

"Totoo. Ngunit para masiguro ang nararamdaman ko ay mas mabuting magtanong ako sa may karanasan na. Alam mo na, first time ko palang sa bagay na yun." Nakangiting ani ko dito.

"Well kung usapang pag-ibig lang naman madali lang yan. Malalaman mong umiibig ka, kung hindi siya maalis sa isip mo. Bumibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing nagtatagpo ang mga mata niyo. Napapangiti ka nalang ng wala sa oras sa tuwing naiisip mo ang mukha niya. At may kuryente kang nararamdaman sa tuwing naglalapat ang mga kamay niyo. Tila parang kinikiliti ang tiyan mo sa mga sweet gestures niya. At higit sa lahat ramdam mo ang koneksiyon mo sakanya. Katulad ng sa mga lobo ang tinatawag nilang mate bond yung ganun. Yung ramdam mo nang siya na ang the one mo ganun."  Mahabang pahayag nito. Napatango-tango naman ako sa sinabi nito. Confirm.

"What does he look like ba? As I can see in your face, nalintikan ka na ni kupido eh. Grabe ang tama sayo."

"He looks like a prince charming. Ang gentleman din tapos sabi niya hintayin ko siya dahil matapos niyang maayos lahat sakanila ay hahanapin niya ako at pinangako niya yun sakin." Nakangiting ani ko dito.

"Kailan mo ba siya nakilala Nimpha?"

"Kanina lang."

"Kailan?"

"Kanina nung natutulog kayo. Sinabi pa nga niya na malapit nalang daw dito ang Lucid Forest."

"Are you sure Nimpha? I don't intend to lose your hopes on him or break your heart but if Lucid Forest is near here, what if he's just an illusion created by that forest." Tila sa isang iglap ay nawala bigla ang ngiti ko sa sinabi niya.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon