*Nimpha POV*
Naalimpungatan ako ng marinig ang pagtunog ng speaker.
"Good Day Crystallian Students, please all gather at the quadrangle for welcoming our Alpha students as they've successfully accomplished their mission." Pati ba naman sa mission big deal ang ganito?
Magdadapit-hapon na pala sila nakabalik dito.
Nag-ayos naman ako saka sumakay na sa likod ni Kia. Nang makarating kami ng quadrangle ay naroon na sila Lucas at ang iba pang biktima. Nakapiling narin ng mga biktima ang kanilang mga pamilya. Bagay na ikinasisikip ng dibdib ko.
Sana manlang may sumalubong din saking pamilya. Yung totoo kong pamilya na magpapahalaga sakin.
"Nimpha!" Tawag naman ni Lucas sakin. Napatingin naman ang mga estudyante sakin.
"Ayos ka na ba Nimpha?" Pilit na ngiting tumango lang ako kay bagyo.
Napansin ko namang nandoon din sina Sarah at Lily. Binigyan ko lang sila ng malamig na tingin saka napatingin kina Kuya Khiran at sa kapatid niya.
Bakit ba ang sensitive ko ngayon. Bakit ang bilis kong masaktan.
"Nimpha totoo bang ikaw anv prinsesa?" Nakangiting ani ng isang estudyante sakin. Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya.
"Isang buwan nang usap-usapan sa buong school na ikaw talaga ang prinsesa." Nakangiting paliwanag pa ng isa.
Teka, sino namang nagpakalat ng fake news na yan?
"Pano niyo masasabing ang Master ko ang prinsesa niyo kung nakahanap na kayo ng prinsesa niyo. Diba mahal na prinsepe?" Makahulugang ani ni Kia.
"Nahanap na ang prinsesa namin? Kuya Khi, nahanap na ang Prinsesa Amory." Masayang ani ni Lily. Wow ang bilis magbago ng mood ah.
Napatingin naman ako kay Kuya Khi mas lalo akong nalungkot nang makita ang saya sa mga mata nito habang nakatingin sa babae na kasama nito. Para na namang tinutusok ng karayom ang puso ko sa nakita.
Bat ka pa kasi umasa pa Nimpha? Prinsepe sa mundong ito ang gusto mong maging kuya habang ikaw ay isa lamang mababang uri kung tutuosin. Ni hindi ka nga matukoy kung Crystallian ka nga ba dahil ikaw lang ang walang pakpak sa lahat.
"Totoo ba ang aking narinig?" Napatingin naman kaming lahatt sa bahong dating. Ang hari at reyna ng Crystallia.
"Mom, Dad. I finally found her. My sister she's my sister." Masayang ani ni Kuya Khi sa mga ito. Naiiyak namang napatingin ang Reyna sa babaeng tinutukoy ni Kuya.
"Are you really--oh my gosh my princess." Naiiyak na ani ng Reyna sabay yinakap ng mahigpit ang babae. Napayuko naman ako sa nakita. Endure Nimpha. Endure the pain. Hindi ka dapat umasa.
"Isa itong magandang balita. Ngayong gabi rin ay ipapakilala natin ang prinsesa sa lahat kasabay nun ay gagawaran natin ng pabuya ang mga estudyanteng nagtagumpay sakanilang misyon. Welcome home my daughter." Nakangiting ani ng Hari sabay yakap ng mahigpit sa babae.
"M-mom, D-dad." Mahinang ani nito at umiyak sa bisig ng hari at reyna. Sana ako nalang siya. Ako nalang sana ang prinsesa.
Matapos ang emosyonal na pagkikita ng pamilya ay masaya silang naunang lumipad papasok sa eskwelahan habang nahuli naman kami ni Kia.
"I hope everything went well." Makahulugang wika ni Kia.
"Bakit Kia may mangyayari bang masama?"
"Soon master. Something terrible will happen soon if they don't open their eyes and minds." Ani nito na siyang ikinabahala ko. Ano bang ibig sabihin ni Kia?
BINABASA MO ANG
NIMPHA || The Missing Wings
FantasyBOOK III || Missing Princesses Series She is the West of the Elements. The Earth Element Goddess. She is the powerful among all Earth creatures. For she is the Missing Fairy Princess. 🏆 Highest Rank Achievement🏆 #13 in Fairies #14 in Fictional #7...
