Chapter 23 - Suspicion

34 2 0
                                    

*Nimpha POV*

"What are you doing here?" Napatingin ako sa kinaroroonan ng malamig na tinig na iyon at bumungad sakin ang malamig ding tingin ni kuya.

Napabuntong hininga ako at pinipigilan ang maging emosyonal. Don't cry Nimpha. It's not so you.

"Kuya." Tawag ko dito.

"Don’t call me kuya, it disgust me." Ani nito na para talagang nandidiri saakin. Bakit? Bakit humantong kami sa ganito?

"Kuya bakit ka nagkakaganyan? Okay pa lang naman tayo nun ah?" Naiiyak na ani ko dito.

"Why are you even here? You'll try to kill my sister so leave." Ani nito na ikinadismaya ko. How can I kill his sister if in the first place I didn't even know that her sister was there.

"Kuya ano bang pinagsasasabi mo? Alam mong kahit kailan hindi ko kayang manakit ng inosente." Pagtatanggol ko saaking sarili.

"Which I doubt after I witness what you did to my sister." Ani nito na siyang ikina-iling ko dito. What did that forest do to him? Bakit niya ako pinagbibintangan?

"Ano bang ginawa ko sa kapatid mo?" Seryosong tanong ko dito.

"Wag ka nang magsinungaling. You tried to harm her after knowing she's  my sister. Because you're jealous." Ganyan na ba ang akala niya sakin. Wala akong maalalang nagkatagpo kami ng kapatid niya. I was there yes but to save the victim. Oo may parte saking nagseselos na sana ako nalang kapatid niya na sana ako nalang ang prinsesa but never in my life I feel jealous and tried to hurt someone. Hindi ako ganun kababaw.

"Look kuya, I don't know what you're saying okay? Wala akong ginawa na ikasasakit ng kapwa ko." Desperadong ani ko dito.

"Now you're still lying. Pasalamat ka at pinahahalagahan ko pa ang pinagsamahan natin noon ngunit kung may gawin ka pang masama sa kapatid ko hindi ko na papalagpasin pa ang ginawa mo, tandaan mo yan." Seryosong ani nito.

"Kuya hindi ako yun." Desperadong ani ko.

"Stop lying."

"Kuya hindi ako nagsisinungaling." Sagot ko.

"Totoo nga siguro ang sinabi ng kapatid ko. May itim na mahika ka. You evil witch. Try to harm again my family, my people and the whole kingdom ako ang makakalaban mo. Hindi kita sasantuhin pa kahit may pinagsamahan tayo dati." Makikita sa nga mata nito ang pagkasuklam sakin. Kuya hindi ako yun!

"Kuya alam mo namang ginamitan ng itim na mahika ang katawan ko para hindi mapalabas ang pakpak ko diba? Sinabi ko yun sayo? Bakit pinagbibintangan mo ako? Hindi ako kalaban alam mo yan." Pagdepensa ko saaking sarili. Hindi ko hahayaang manaig ang kasinungalingang sinasabi niya. He's a prince, isang utos lang niya ay maaaring ikapanganib ng buhay ko.

Masyado na ba akong nagtiwala? Ito ba ang sinasabi ni Tita noon sakin? Wag masyadong magtiwala at siyasating mabuti ang mga nagiging kaibigan ko? But I've been sith them, they treat me well not until that incidents in Lucid Forest.

"I already warn you witch. Why am I even talking to an enemy?"

"Kuya! I'm not an enemy."

"Don’t ever talk to me anymore."

"Kuya ano ba!"

"Lapastangan! Call me Prince if you don’t want to end up in dungeon." Nahigit ko naman ang aking hininga sa sinabi nito. Tiningnan lang ako nito ng malamig at umalis na.

Dito na ba nagtatapos ang pinagsamahan namin ni Kuya? Dito na ba talaga to matatapos?

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng maramdaman ang paninikip nito. Doon na bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Is this the challenges they said that I need to overcome? How cruel. Why do I need to endure all of it? Why is it so unfair? Hindi ko na gustong bumalik pa sa dating ako. Hindi ko na gustong bumalik sa mga panahong wala akong malapitan, walang kaibigan, at higit sa lahat, lahat ay parang may galit sakin. Hindi ko yun gusto pang balikan pa.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon