Chapter 14 - Sign

137 6 0
                                        

*Nimpha POV*

Andito na ako ngayon sa isa sa mga guestroom ng palasyo. Nalula pa nga ako kanina sa taas ng liliparan namin at dahil nga sa walang hagdan ay puro paglipad nalang ang ginawa namin. Naawa na nga ako kay Kia baka kasi nabibigatan na siya sakin.

Dahil sa hindi pa ako dinadapuan ng antok ay tumanaw muna ako sa labas. Namangha pa ako sa bumungad sakin.

 Namangha pa ako sa bumungad sakin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: For imaginary purposes only. Image is not mine credits to the rightful owner. Source: Pinterest)

Ito ba talaga ang Crystallia Kingdom? Ang ganda dito! Ang magical sa feeling, yung minsan pinangarap kong makita ngayon ay nagkakatotoo na. Sana hindi
lang ito panaginip kasi ayoko nang gumising.  Wew mga linyada yan ng mga marurupok kay crush sheesh!

Anyways hindi ko nakita ang bahaging ito kanina. Ito pala yung lugar rin sa likod ng malaking punong aking kinatatayuan ngayon.

"Ang ganda ng kaharian nila noh, Kia?"

"Oo nga, ngunit kung makikita mo rin ang ibang mga kaharian ay magagandahan ka rin. Actually lahat naman magaganda ang tanawin ng Fellonia wag lang sa part ng Draconia Kingdom." Ani ni Kia sakin.

Napakalawak pala ng Crystallia. Napatingin naman ako sa kabilang bahagi kung saan makikita ang mga matataas na gusali. Mukha siyang malaking masyon or more like palace din. Teka, yun na ba yung Academy na sinasabi ni Kuya kung saan sila daw kuno ang malalakas na estudyante roon? Ewan ko lang kung nagsasabi siya ng totoo ah mukha kasing hindi hehe eme lang.

"Still awake Nimmy?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at doon nakita ko si Kuya Khi sa bungad ng pintuan.

"Hindi ako makatulog eh!" Ani ko.

"Here drink this, para antukin ka." Saad nito sabay lapit sakin at binigay ng gatas saakin. Tinanggap ko naman iyon saka ininom.

"I guess you're enjoying the view." Wika nito saka binaling ang tingin sa paligid.

"Oo, ang ganda pala pagmasdan ang kahariang ito kapag gabi. Parang magical lang tingnan." Nakangiting ani ko dito.

"What do you expect, this is a fantasy world though of course it's magical." Pilosopong ani nito na ikinairap ko.

"Ang pilosopo mo naman, hindi mo nalang sinakyan ang sinabi ko." Nakangusong ani ko dito.

"Tomorrow, I'll tour you around our kingdom. I'll process also your papers so that you can have records here and you'll be able to enroll in the Academy."  Wika nito.

"Academy? Yun ba yung academy niyo?" Tanong sabay turo sa isang bahagi ng tanawing nakikita namin.

"Yes that is."

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon