Chapter 6 - Tattoo

28 2 0
                                    

*Nimpha POV*

Natahimik ang buong cafeteria sa malakas na hampas na yun ng taong nagyeyelo na ngayon kung makatingin sa buong cafeteria lalo na sa grupo ng kababaihan na kung magchismisan rinig na rinig pa. Bat hindi nalang sila mag microphone or magspeaker para rinig ng buong school noh.

Nasa lamesa na namin ang atensiyon ng lahat ng mga estudyante kaya tumayo na ako saka kinuha ang bag ko. Di ko maatim lahat ng mapanghusgang tingin na iyan ng mga estudyante napatingin muna ako kay Khiran bago tuluyang lumabas ng cafeteria.

Di naman ako nababagay na mapasama sakanila eh at mas lalong hindi talaga kasi sinamahan ko lang naman silang pumunta dito sa cafeteria kasi nga di pa nila alam kung saan ito at natiyempohan lang na nilibre ako ng pagkain at pinasama sa table nila. Hmmp ang ayoko sa lahat ay yung nakakakuha ako ng atensiyon at ang feedbacks naman nun ay mga salitang di ko gugustuhing marinig.

Mas mabuti nga sigurong layuan ko muna ang mga transferee na yun para iwas parinig nakakastress kasi eh.

Pumasok na ako sa susunod na klase ko at ilang sandali lang ay dumating narin ang mga transferees akmang kakausapin na sana ako ni Lily ng pinalsakan ko ng earphones ang tenga ko nakita ko pa sa pheripheral vision ko na pinigilan at may sinabi pa si Bagyo sa kapatid nito at naupo narin sa upuan nila.

Buti naman at di na ako ginambala pa.

Hanggang sa natapos ang maghapong klase ay akmang lalabas na sana ako ng classroom ng mapansin ko pang akmang kakausapin sana ulit ako ni Lily ngunit hindi natuloy iyon ng bigyan ko sila ng malamig na tingin saka tumuloy na ng labas at pumunta ng library para sagutan lahat ng assignments namin para bukas. Well nakasanayan ko na kasi itong gawin.

Kung hindi pa ako sasabihan ng librarian na isasara na niya ang library ay baka naabutan na talaga ako ng dilim doon. Kaya't bago pa magdilim ay napagdesisyonan ko nang umuwi at inayos ang mga gamit ko.

Habang pauwi ay naabotan parin ako ng dilim kaya nagmadali na akong makauwi baka nag-aalala na si tita kong sobrang ganda. Ngunit nadaanan ko ang isang madilim na bahagi ng short cut na daanan ko ngunit may kakaiba kong naramdaman.

Nakakakilabot siya at hindi ko gusto ang pakiramdan na toh. Nagmadali akong maglakad dahil nararamdaman kong nasa likod ko lang ito at sinusundan ako.

Sino ba ito?

Anong kailangan niya sakin?

Halos hindi na lakad ang ginawa ko kundi tumakbo na ako hanggang sa may nakasalubong ako pagkaliko ko. Napasigaw pa ako sa gulat.

Napatingin ako sa mukha nito. Wow ang ganda niya. Saan kaya siya nagmula? Bakit yung mga nakikilala ko nowadays ay magaganda at gwapo lahat? Isama mo pa ang tita kong hanggang ngayon dinadayo parin ng mga manliligaw kahit medyo may edad na. You know nasa 40's ngunit ang fresh parin tingnan.

Parang model ang taas niya at sobrang kinis ng balat maganda rin siya katulad ng manika ngunit simple lang kung manamit. Kung naka high fashioned clothes ito mapagkakamalan ko talaga itong artista eh.

Taga saan kaya siya? Ang ganda niya talaga mga mems tinalbugan pa ako.

"I'm sorry miss." Panghinging paumanhin niya sakin. Syet mi ang ganda din ng boses. Nakaka unfair.

"Okay lang ate ganda. Saan ka ba pupunta at parang nagmamadali ka?" Nag-aalalang tanong ko sakanya para kasing may humahabol sakanya at hinihingal pa siya. Delekado ang ganda niya sa eskenetang ito. Baka may mga manyak o adik na bigla nalang lumabas.

"Wala nakaramdam lang ako ng takot hehe baka multo na yun." Napakamot pa siya sa batok ng sabihin niya iyon. Bat napaka attractive niya sa ganyang actions. Para siyang nagliliwanag na anghel at saka ang gaan ng loob ko sakanya. Baka angel talaga siya.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon