*Nimpha POV*
Habang naglalakad kami patungong cafeteria ay sige naman ang pagsasalita ng cute na toh. Ginagatungan pa ni Mr. Feeling close.
"Oh, ate I forgot to introduce myself I am Lillian Rosales po pala." Nakangiti pagpapakilala ng cute na cute na babygirl na to. Waahhh nawala na naman ang mata niya. Na te-tempt akong kurutin na naman siya
Bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi niya at humakbang ng ilang steps palayo sakin. Haha nakahalata sigurong gusto ko na namang kurutin ang pisngi niya.
Napabaling naman ang tingin ko sa mga kasamahan niyang tahimik parin except sa isang lalaki kanina na feeling close.
"Lurry Haiyan Rosales Brother of Lillian ang pinaka-pogi sa lahat." Pagpapakilala ng lalaking feeling close, much prefer ko kung bagyo nalang ang itawag ko sakanya total kapangalan niya ang International name ng Bagyong Yolanda. Mas bagay pa lalo na sa second name nito na pag ibinigkas talagang bagyo na isama pa ang pagiging mahangin nito sa sarili tinalo pa ang super typhoon sa kahanginan.
Inirapan ko nalang siya at tumingin sa iba.
Syempre sila muna magpapakilala noh!! Magpapahuli lang ang bida para sa engrandeng entrance ng speech. Charot. Kung saan saan na naman umaabot ang utak ko pasalamat nalang ako at nasa earth pa utak ko.
"Sarah Levion, Nice to meet you." Mahinhing sabi ng isa pa nilang kasamang babae. Napatingin ako dito at sumilaw saakin ang kanyang mga ngiti woah ang ganda niya.
"Lucas Hayne at your service." Sabi ng lalaking tumikhim kanina. Napatingin naman ako sa lalaking may sama ng loob siya nalang kasi ang hindi pa nagpapakilala.
"A-ah ate siya pala si---"
"Khiran Light." malamig na ani nito. Light? May ganong apelyido? Para ring pamilyar ang apelyido nito.
Napatingin naman ako sa mga kasamahan nito na napasinghap at tila nagulat pa.
"Anyare sa inyo? Bat tila gulat na gulat pa kayo?" Nagtatakang ani ko sa mga ito.
"Oh my..for the first time si captain magpakilala." Tila hindi pa makapaniwalang ani ni Bagyo. Anong connect? Like duh lahat naman ng tao nag uumpisa sa introduce yourself pag may bago silang nakakasalamuhang tao. Ang weird talaga nila.
"At himalang sa isang babae pa." Ani naman ni Lucas. Okay ang OA na nila.
"Wait nga maisulat ko nga ito sa pocket notebook ko siguradong trending agad to sa Crystallia." Masayang wika ni Lily kaya napa-isip naman ako. Big deal ba sa kanila pag nagpapakilala?At saang lupalop ng Pinas ang Crystallia na sinasabi niya?
"What are you saying? Crystallia? Saan yun?" Takang tanong ko kay Lily. Nakita ko namang napalunok ito napansin ko namang natahimik ang iba. Bakit?
"A-ah ate kasi ano..bayan lang yun dito sa Pilipinas, Oo tama bayan lang yun haha. Alam mo ba yang si captain minsan lang mag salita yan kaya nakakagulat lang na nag pakilala siya sayo and take note sa isang babae pa talaga ha. Rude kasi sa mga babae yang si captain pero marami paring humahanga dyan." Mahabang paliwanag ni Lily.
BINABASA MO ANG
NIMPHA || The Missing Wings
FantasiBOOK III || Missing Princesses Series She is the West of the Elements. The Earth Element Goddess. She is the powerful among all Earth creatures. For she is the Missing Fairy Princess. 🏆 Highest Rank Achievement🏆 #13 in Fairies #14 in Fictional #7...
