*Nimpha POV*
Nakita ko ang lalaking may kulay-kapeng buhok na may berdeng highlights at emerald green na mga mata?
Anong klaseng look yan? But infairness gwapo siya tingnan ah ngunit masyado lang walang buhay ang mga mata niya, anyare diyan? Inalis ko ang paningin ko sakanya pero traydor na mata di maalis-alis ang tingin ko sa mga mata niya parang natural eh! Oo alam kong may green eyes talaga dito sa mundo ngunit hindi niyo ko masisisi kasi first time kong makakita ng ganito eh, at infairness natural na natural, saakin kasi kakaiba eh.
Napakunot-noo ako ng mapansing hindi parin siya umiiwas sa pagtititigan namin. Problema niya? Buti nalamang at biglang tumikhim ang ang katabi nitong lalaki kaya napabaling din ang tingin ko dito. Hmm, itim ang buhok nito at may sea green linings din napansin ko ring katulad ng linings niya ang kulay ng mga mata niya. Napatingin naman ako sa iba niyang kasamahan pero dapak!!! Pareparehas silang may mga green, lightgreen, dark green basta any shades of green chuchu linings sa buhok nila. Ano yan? Squad goals? Wow, sino ba ang mga taong to? Parang nagmula sila sa iisang angkan dahil sa kanilang mga mata at buhok.
Napatingin ulit ako sa katabi nito na nakakunot noong nakatingin sakin problema niya? Nagulat ako ng magiba ang kulay ng mata niya teka, emerald green yun ah? Bakit naging brown agad at yung linings nila nawala din.
Panong nangyaring nag-iba ang kulay ng mata nila at yung mga linings nila sa buhok bakit naging ordinaryo na? Hays siguro nag ha-halucinate lang ako kanina, tama hallucinations ko lang yun. Kala ko pa naman si Edward Colleen's ang mga yun or di kaya ai papa Jacob hihi.
Pero infairness di birong napaka-gwapo at gaganda ng mga nilalang na toh. Saang lupalop ba ng Pilipinas sila nanggaling at ngayon lang na discover. Ay charot.
Napatingin na naman ako sa naunang lalaking nakakuha ng atensiyin ko at matalim itong nakatingin sakin.
Aba! Anong kasalanan ko sakanya?
Anong problema ng isang yan? My gosh, wala naman akong ginawang masama.
Imbis na pagtuonan ko pa sila ng pansin ay ibinaling ko nalang ulit ang aking tingin sa labas ng bintana.
Ilang sandali nakaramdam ako ng antok dahil narin sa naka saksak pa sa tenga ko ang earphones ko kaya nakadagdag sa pagka-antok ko kaya sumubsub nalang ako sa armchair ko at natulog total boring naman ang itinuturo ng gurong yan terror terror pang nalalaman takot din naman. Pero mas takot ako sakanya syempre hehe.
Naramdaman kong umupo sila sa may likurang banda ko. Syempre dito nalang sa area ko ang vacant ayaw naman kasing may tumabi sakin dahil sa freak daw ako. Dami pang pa keme nila.
Di ko nalang pinansin ang nasa paligid ko at tuluyan nang nilamon ng dilim.
~Dream~
"Uwaah uwaah" Rinig kong pag-iyak ng isang sanggol.
Kaya napamulat ako. Nangunot ang noo ko nang mapagtanto kong wala ako sa room namin. Nasa isang kwarto ako at nakita ko ang isang babaeng nanganganak.
Bakit ako napunta dito? Nasaan ako?
Lumapit ako sa kumadrona na karga karga ang isang sanggol!
"Ahhmm ate pwede magtanong?" Sabi ko sakanya ngunit tila parang wala siyang narinig at binalewala ang tanong ko. Walang manners. Iniignora ha niya nag kagandahan ko?
"Binabati kita Mahal na Reyna sapagkat lalaki ang iyong isinilang, isang gwapong prinsepe" Nakangiting saad nito sa babaeng nanganak.
BINABASA MO ANG
NIMPHA || The Missing Wings
FantasyBOOK III || Missing Princesses Series She is the West of the Elements. The Earth Element Goddess. She is the powerful among all Earth creatures. For she is the Missing Fairy Princess. 🏆 Highest Rank Achievement🏆 #13 in Fairies #14 in Fictional #7...
