Chapter 19 - Danger

30 1 0
                                    

*Nimpha POV*

"Do you have any plans in mind? Anyone? Do you have an idea?" Tanong ko sakanila. Napaseryoso naman ang kanilang mga mukha.

"Sinabi ko na sayo prinsesa, ang mga planong ginawa namin ay wala lamang kwenta at nagresulta lamang ng pagkakabawas ng bilang namin. Kaya ang ginawa na lamang namin ay ang maghintay ng tulong mula sa prinsesa at ikaw iyon."

"Prinsesa kayo ng prinsesa eh hindi naman ako ang prinsesa. Isa lamang akong ordinaryong Crystallian." Pagpapaliwanag ko sakanila. Ayokong mag assume baka sa huli masaktan lang ako.

"Kung hindi ikaw ang prinsesa bakit ka narito? Ang tanging makakatapak lamang sa lupain namin ay ang prinsesa mismo, siya lamang rin ang bukod tanging nakakakita ng aktuwal naming wangis, nakakausap at naiintindihan kami. Walang dudang ang tunay na prinsesa ay ikaw, ikaw ang nawawalang prinsesa ng Crystallia Kingdom." Tila kumabog ng malakas ang aking dibdib. Totoo ba?

"Narito lang naman ako dahil hinigop ako ng kung anong portal. Baka naman aksidente lang talaga na napunta ako dito." Pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya. Imposible naman kasi. Kung ako ang prinsesa edi sana sa simula palang nasa akin na ang pakpak na yun. Narinig ko pang kwento noon ni Lily na malalaman lang daw na nagbalik na ang prinsesa kung ang pakpak niya ay umilaw at bumalik sa totoo nitong may-ari. Kaya imposible talaga ang sinabi ni Wana. Hindi pumunta saakin ang pakpak ng prinsesa which means hindi ako ang prinsesa.

"Lahat ng aksidenteng napupunta sa lupain namin ay nawawalan ng hangin sa katawan na para bang ang lupang kanilang tinatapakan ay hindi nababagay sakanila. Pagkatapos ay iluluwa sila sa kung saan sila nahigop ng portal ng walang kahit na anong ala-ala mula sa nakita niya sa lugar namin." Paliwanag nito.

"Ay medyo harsh naman ang pagkakasabi mong yan." Komento ko dito.

"Yun ay pawang katotohanan prinsesa." Seryosong ani nito.

"Kung ganun ay dapat gumamit rin kayo ng portal para makalabas dito." Saad ko ulit dito.

"Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina ang tanging labasan lamang namin ang ang bahaging iyon ng Lucid Forest. Nakapasok ka nga dito ngunit hindi ka makakalabas ng basta-basta dahil ang tanging labasan lamang dito ay doon sa gubat na yun. Kaya maswerte ang mga iniluluwa ng portal dahil nakakabalik pa sila samantalang kami ay nananatiling nakakulong sa lupain namin." Pahayag nito.

"Paano mo naman maipapaliwanag ang sa Draconian na nanghuli ng inyong mga kauri? Paano nila nasakop ang bahaging iyon ng inyong lupain?" Kunot-noong tanong ko dito.

"Yun ay dahil may nagtraydor saamin." Nakayuko niyang sabi. Traydor? Sino?

"Maaari mo bang ikwento saakin ang punot dulo ng lahat ng ito?" Malungkot na tanong ko dito. Tumango naman ito saakin saka lumapit sakin at umupo sa balikat ko. Napansin ko namang nagsialisan ang kanyang mga kasamahan at kami nalamang ni Wana ang natira. Naghanap naman ako ng malapit na puno at doon naupo para sa mahabang storytelling ni Wana.

"Nagumpisa ang lahat ng dahil sa selos at inggit. Meron akong nakatatandang kapatid, siya si Vana. Noong una ay sobrang malapit namin sa isa't-isa halos hindi na mapaghiwalay. Ngunit nabuwag ang pinagsamahan namin ng dahil lamang sa posisyon ko ngayon. Nais ng mga kauri ko na ako ang mamuno sakanila kesa sa nakatatandang kapatid ko. Ang pangyayaring iyon ang nagsanhi ng pagkamuhi niya sakin. Bakit ako? Isa lang naman daw akong mahina. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan niya. Mahal ko ang ate ko, at kaya kong ibigay ang posisyong ito para sakanya. Papunta na sana ako sa silid nito ng marinig kong may kausap ito, hindi ko makita kung sino ang kausap nito dahil nababalot ito ng itim na kasuotan ngunit isang bagay ang napansin ko. May ibinigay itong kung anong inumin sa ate ko hanggang sa wala sa sariling ininom ito ng ate ko at doon nagsimula ang paghahasik niya ng kasamaan. Marami siyang masasamang nagawa sa lupain namin hanggang sa walang nagawa ang mga magulang ko at pinatalsik siya sa lupain namin. Naging payapa ang lupain namin ng patalsikin siya, ako ang itinalaga nilang susunod na mamumuno sa lupaing ito hanggang sa ilang taon ang nagdaan bigla na lamang nawala ang mga magulang ko. Wala akong magawa kundi ang umupo sa pwesto ng nga magulang ko. Pinahanap ko sila ngunit wala akong makitang bakas ng kanilang presensya. Hanggang sa bawat taon lagi nang may lumulusob sa lupain namin nakakakuha sila ng malaking parte ng lupain namin. At ang nasakit pa dun ay nangunguna ang ate ko sa paglusob na yun. Binigyan niya ng kakayahan ang mga Draconian na makapasok lupain namin ng hindi nahihirapan sa paghinga. Itinuro niya ang daan papasok sa lupain namin bagay na pinaka-iingatan ng mga kauri ko. Hanggang sa nagpatuloy ang paglusob nilang iyon magpahanggang ngayon." Mahabang pahayag ni Wana at napansin ko pa ang pasimple nitong pagpahid ng kanyang mga luha.

"Iiyak mo lang lahat ng iyong sama ng loob Wana. Hindi porket ikaw ang pinuno nila ay hindi ka na magpapakita ng kahinaan sakanila. You did great on fighting for your land. You did everything just to make your people safe. You don’t have to hide your pains, sometimes we just have to let out our pains in order to make us feel better, to make us be stronger, and to make us have courage to take the first step and make difference." Seryosong wika ko dito.

"Prinsesa.."

"Alright! I know what to do." Ani ko dito saka tumayo.

"Talaga?" Gulat na ani niya saka lumipad palapit sa mukha ko.

"Gusto kong malaman ang katotohanan Wana. Kung ako ba talaga ang pinaniniwalaan niyong prinsesa o isa lamang ordinaryong crystallian na napunta lamang sa lupain niyo. Ayokong umasa Wana kaya sana maintindihan niyo na hindi ko pa lubos na pinaniniwalaan ang sinasabi niyong ako ang prinsesa ninyo." Seryosong ani ko dito.

"Naiintindihan ko ang iyong pagdadalawang-isip prinsesa." Tangong ani ni Wana.

"Sa aking pakiwari ay masasagot lamang lahat ng aking mga katanungan kung mapapasakamay ko ang Crystal of Truth tama ba?"

"Siyang tunay Mahal na Prinsesa." Pagsang-ayon nito. Napatango-tango naman ako sa sinabi nito.

Kung gayon ay dapat mapasakamay ko iyon nang sa gayon ay masagot lahat ng mga katanungang nasa isip ko.

"Do you have an ability to foresee everything outside? I wanna know the what happened to my friends out there." Nag-aalalang ani ko dito.

Matapos ko lang ang misyong ito at hihingi ako ng tawad sakanila. Nagpadalos-dalos ako sa aking emosyon. Ngunit hindi ko naman pinagsisisihan ang mga nangyari dahil napunta ako sa lugar nila Wana. May nga buhay pa akong babaguhin at tutulungan.

"I have Princess." Ani nito.

"Can you check them?" Tumango naman ito bilang tugon.

May parang hologram na lumabas sa harapan namin at doon pinakita ang pagpasok ng mga kaibigan ko sa itim na usok. Akala ata nila pumasok ako doon. Wala nang pinakita pa ang hologram samin.

"Hanggang doon lamang ang kayang ipakita ng kapangyarihan ko prinsesa. Hindi na kaya pang pasukin ng kakayahan ko ang Lucid Forest lalo na at nababalutan ito ng itim na mahika." Ani ni Wana sakin.

"Ayos lang Wana sapat na sakin ang aking nakita. Mukhang nanganganib din ang buhay ng nga kaibigan ko." Seryosong ani ko dito. Ngunit isa lang ang napansin ko sa Hologram. Wala si Kuya doon. Where did he go? Nauna na kaya siyang pumasok? Sana ayos lang siya at ang mga kaibigan ko.

Sumapit ang gabi ay palihim akong lumabas sa silid na inilaan nila para sakin. Dala-dala ko ang mapa na hiniram ko kay Wana. Kanina kasi habang nag paplano kami ay itinuro niya kung saan ang mga parteng nasakop na ng mga Draconian at masasabi ko ngang kaunti nalang talaga ang lupaing kanilang ipinaglalaban. At ngayon mag-isa akong patutungo sa Lucid Forest. Ayaw kong may mabawas na naman sakanila kaya hangga't maaari ako na lamang ang papasok doon.

I need to trust my ability. If they know that I am their princess then malaki ang tiwala kong hindi nila ako sasaktan. The nature is with me and that Forest is part of Nature so I know that, that Forest will follow me. I hope my plan works.

Napatingin ako sa paligid. Everything here is more than magical. The night seems so peaceful and free if only the world is like this.

Sa isang oras na paglalakbay ay natanaw ko na ang pinakamadilim na parte ng gubat. Ito na nga ang Lucid Forest. Tinungo ko ang pinakabarrier ng Pixie forest at doon malinaw kong natanaw ang sobrang itim na usok na nagpupumilit pumasok sa lupaing tinatapakan ko. Parang may nga imahe itong pinapakita at lahat parang humihingi ng tulong, sumisigaw at umiiyak. Nanindig ang balahibo ko sa nakikita. Ito ba talaga ang Lucid Forest? Ano ang mga imaheng pinapakita nito, para siyang bangungot na ayaw mong maranasan.

You can do it Nimpha. Think about the Pixie Fairies. Think about the Crystallia Kingdom. Think about your friends out there. They all in danger, they all need your help.

Huminga ako ng malalim saka lakas loob na pumasok sa Lucid Forest.

This is it Nimpha. You can do it.

___________________________________________________

Winter - Rose
🌹

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon