*Lily POV*
"Ano nang gagawin natin sakanila? Dalawang linggo na silang walang malay." Ani ni Kuya na ngayon ay nasa tabi ko na. Sabay naming pinagmamasdan ang dalawang taong walang malay at magkatabing nakahiga sa higaan.
"Hindi ko alam kuya, masyadong mabilis ang pangyayari. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit pati si Kuya Khiran ay wala ring malay kung siya naman ang nagbato ng atakeng iyon." Naguguluhang ani ko dito habang nakatingin parin sa dalawa na para lang natutulog.
"Yun din ang iniisip ko." Napapa-isip rin na ani ni Kuya Haiyan.
"Ngunit nakakaawa si Ate. Nasasaktan ako nung makita ko siyang nagmamakaawa na mawala ang sakit na nararamdaman niya. Ganun na ba kalakas ang atake ni Kuya Khiran sakanya? Ngunit prinotektahan naman siya ng mga puno hindi ba? Ni wala na siyang galos nung kusang gumaan na ang mga baging na nakapalibot sakanya para protektahan siya. Ang pangyayaring iyon ay isang malaking katanungan saakin? Ano ba talaga ang nangyari sakanila?" Mahabang ani ko dito. Hindi ko na kasi alam ang iisipin dahil sobrang gulo ng pangyayaring iyon.
Hindi malinaw saamin kung ano ba talaga ang nangyari matapos ng atake ni Kuya Khiran. Narinig na lamang namin ang pagsigaw sa sakit ni Ate Nimpha habang walang malay sa di kalayuan si Kuya Khiran.
"Anong ginawa niyo sa pamangkin ko?" Bigla na lamang kaming napatayo ni kuya ng may magsalita sa likod ko. Sabay naming tiningnan ang taong iyon. Bumungad saamin ang hindi katandang babae, siguro hindi lang nalalayo sa edad nila mom at tita Anne.
"Sino po kayo?"
"Hindi pa sila maaaring magkita. Ako ang Tita ni Nimpha. Anong nangyari sa pamangkin ko?" Tanong nito saamin. Anong sinabi niya nung una?
"Pasensya na po at hindi po namin naipaalam sainyo ang nangyari kay Ate." Nakayukong paumanhin ko dito.
"Ayos lang alam ko namang darating at darating din ang panahon na makakakilala siya ng mga taong katulad niya. Kapalaran na ang nagtagpo sakanila. Alam kong hindi kayo ordinaryong tao. Nagmula kayo sa Fellonia tama ba?"
"Paano niyo po nalaman? Ibig sabihin po ba nito ay talagang kalahi namin kayo ni Ate Nimpha."
"Tama ka ng tinuran. Kami nga ay nagmula roon." Ani nito saka nagtungo sa tabi ni Kuya Khiran. Tila sinusuri nito ang katawan ni kuya.
"May alam po ba kayo sa panggagamot? Ano po ba ang nangyari sakanila?"
"Hindi bat may healer kayong kasama."
"Yun na nga po ang problema maski po ang healer namin ay hindi matukoy ang problema sakanila." Napapakamot-batok na ani ni Kuya Haiyan.
"Wala naman talaga kasing problema sakanila. Pareho lamang naubos ang kanilang lakas sa sakit na naramdaman."
"Anong ibig niyong sabihin?"
"Tita?" Napatingin kami kay Ate Nimpha ng magsalita ito.
*Nimpha POV*
Naalimpungatan ako ng marinig na may nag-uusap sa loob ng kwarto ko.
Sino ba ang mga poncio pilatong ito at dito pa sa kwarto ko napiling mag-usap.
"Wala naman talaga kasing problema sakanila. Pareho lamang naubos ang kanilang lakas sa sakit na naramdaman." Rinig kong ani ng boses ni Tita.
"Anong ibig niyong sabihin?" Tanong ng boses ni Lily. Anong ginagawa niya dito? Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang ibang desinyo ng kwarto. Napatingin naman ako sa gilid at nakita kong nakahiga na parang natutulog lang si Kuya Khi. Napatingin naman ako sa nag-uusap at doon natagpuan si Tita, Lily at Bagyo.
BINABASA MO ANG
NIMPHA || The Missing Wings
FantastikBOOK III || Missing Princesses Series She is the West of the Elements. The Earth Element Goddess. She is the powerful among all Earth creatures. For she is the Missing Fairy Princess. 🏆 Highest Rank Achievement🏆 #13 in Fairies #14 in Fictional #7...