Chapter 11 - Fellonia World

27 2 0
                                    

*Nimpha POV*

Sa pagpasok ko sa mundong sinasabi ni Tita na pinagmulan ko daw ay manghang mukha agad ang makikita sakin.

Ang ganda ng lugar na toh. Sobrang presko at ang daming puno. Halatang alagang alaga ang lupain at buhay na buhay.

"Nasaan tayo? Ang ganda naman dito!" Manghang wika ko sakanila.

"Nasa mundo ka ng Fellonia Nimmy. Ang mundo natin." Nakangiting saad ni Kuya Khi.

"Ang ganda dito. Ang lawak pa ng Patag. Tingnan mo ang Punong yun oh! Ang laki naman ata niyan."

"Yan ang Kaharian namin Nimmy."

"Ha? Kaharian? Yung punong yun? Mga maligno talaga kayo noh? O di naman mga kapre?" Nagdududang tanong ko sakanila.

Bumulanghit na sa tawa si Bagyo maging ang iba. Napansin ko namang natatawang napapailing nalang sakin si Kuya Khi. Bakit ba sila tumatawa?

"We're not like that but we're Fairies." Nakangiting ani ni kuya at sabay-sabay na nagsilabasan ang kanilang mga pakpak. Teka pakpak?

"Mga langgaw din kayo?" Takang tanong ko mga ito. Naguguluhan naman akong mapatingin kay Sarah hanggang sa maramdaman ko nalang na binatukan ako nito. "Aray naman!" Reklamo ko dito.

"Minsan nakaka offend din ang mga salitang lumalabas sa bunganga mo. Like hello gurl, tinganan mo naman ang naggagandahan naming wings kesa sa mga tinatawag mong langgaw kanina." Mataray na sabi nito sabay flip pa ng hair. Aba nagtataray na ngayon ang isang Sarah ah. Ibinabalandra pa nito ang pink niyang pakpak.

"Halika ate, ipapasyal ka namin sa aming kaharian." Nakangiting wika ni Lily at paikot-ikot pang lumilipad saakin. Ang cute ng purple niyang mga pakpak. Actually maganda naman talaga ang mga pakpak nila echos lang yung langaw hihi.

"Bukas niyo nalang ipasyal si Nimpha. Magpahinga muna tayo ngayong araw. Maraming nangyari sa araw na toh kaya alam kong pagod na tayong lahat." Ani ni Bagyo sa mga kasamahan. Kulay Violet naman yung kay Bagyo. Magkapatid nga sila ni Lily. Hindi nalalayo ang kulay ng pakpak nila sa isa't-isa. Habang si Lucas naman ay Royal Blue. Ang ganda ha!

Naibaling ko naman ang tingin ko kay Kuya Khi. Namangha pa ako ng makitang hindi pangkaraniwan ang kulay ng pakpak niya. Kulay dilaw--no Ginto ang kanyang pakpak with some glittery sparkling gold. Kung sa iba niyang kasamahan silver ang parang nagnining-ning sa pakpak sakanya gold talaga mga momsh. Tanggalin ko kaya ang pak-pak niya at ibenta sa sanlaan? Instant millionaire na agad ako niyan mga mhie.

"Anong ngini-ngisi mo diyan? May masamang balak ka noh?" Nagdududang wika ni Kuya Khi. Pano niya nalaman? Mind reader din ba siya?

"Oy wala kaya!" Pagtanggi ko dito.

"Sus! Sa mga tingin na yan. Iniisip mo na siguro kung magkano sa sanglaan ang pakpak ko." Woah natumpak niya. Grabeng mind reading yan.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon