*Third Person's POV*
Fellonia World - mundo kung saan naninirahan ang mga taong hindi pangkaraniwan. Mga taong may kakaibang kakayahan. Mga taong nagtataglay ng iba't-ibang mahika. Mundo na kung saan may anim na binubuong kaharian. Isa ang kaharian ng Crystallia dito. Ito ang pumapangatlo at kakaiba sa anim na kahariang natitira. Pangkaraniwan ang mga nilalang sa kahariang ito dahil ang mga Crystallian Fairies ay binigyan ng kakayahang makalipad gamit ang pakpak.
Ceystallian Being/White Fairies - ang tawag sa mga mabubuting Crystallian na nais lamang ay kapayapaan. Mga nilalang na may hawak ng Elemento ng Lupa.
Draconian Evil Fairies - mga sakim na nilalang na nais ay pagharian at maghasik ng lagim sa kaharian ng Crystallia.
Samantala sa kaharian ng Crystallia ay di matatawaran ang kasiyahan ng bawat isa dahil sa kapanganakan ng kanilang Reyna.
"Uwaah, uwaah, uwaah" iyak ng isang sanggol sa loob ng kaharian. Napuno naman ng galak at kasiyahan ang mga taong nasa labas lamang ng kwarto ng reyna at hinihintay ang magandang balita.
Samantala sa loob ng kwarto ay pinupunasan ng mga katulong ng kumadrona ang sanggol. Labis naman ang gulat ang kumadrona ng makita ang kasarian ng sanggol.
"Bakit kumadrona? Bakit tila nagulat ka? Lalaki naman ang anak ko hindi ba?" Nanghihinang tanong ng Reyna sa kumadrona.
"Binabati kita Mahal na Reyna sapagkat lalaki ang inyong isinilang, isang nakisig na prinsepe." pahayag ng kumadrona. Tila nasiyahan ang Reyna sa narinig sapagkat iniisip nito ang isinasaad sa propesiya ngunit labis rin ang pagtataka nito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkamali ang propesiya.
Makalipas lamang ng ilang segundo ay biglang nanakit ang tiyan ng Mahal na Reyna na tila may isang nilalang pa na nasa loob nito at nagnanais na lumabas.
"A-ahh kumadrona ang sakit!" nahihirapang ani ng reyna at pinipilit na umire. Tagak-tak na ang mga pawis nito at di na kinakaya pang umire . Hindi naman magkamayaw ang kumadrona at mga katulong nito dahil nakikitang nahihirapan ang kanilang Reyna.
Ilang saglit pa ay pumwesto na ito upang simulan ang pagpapa-ire sa pangalawang sanggol ng reyna. Ngunit tila wala nang natitira pang lakas ang reyna at hindi na kayang umire na siyang ikinabahala ng kumadrona at ng mga kasama nito dahil baka may magyaring hindi maganda sa sanggol na nasa sinapupunan ng Reyna kung hindi ito iire pa.
Ngunit nang iangat ng kumadrona ang laylayan ng tilang nakatakip sa Reyna ay nagulat ito ng makitang niyang parang may sariling pag iisip ang sanggol at kusa na itong lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina.
"Kakaiba ang sanggol na ito." tanging nasabi ng kumadrona sa kanyang isip.
Pagkalabas ng sanggol ay hindi manlang ito umiyak buong akala ng kumadrona ay wala na itong buhay ngunit ng lapitan niya ito at kinarga patungo sa mga katulong nito upang linisan. Nagsilapitan na din ang mga katulong nito upang makita ang sanggol.
Nang matapos sa paglilinis sa sanggol ay tumambad sa kanila ang nakangiting sanggol, isang ngiting nakapagpapagaan at nakakahawa. Napangiti ang kumadrona at ang mga kasama nito na tila nahawa na rin sa pag ngiti ng sanggol..
"Napakaganda niya Kumadrona." Galak na wika ng isang katulong nito na sinang-ayunan din ng ibang pang kasamahan nito.
BINABASA MO ANG
NIMPHA || The Missing Wings
FantasyBOOK III || Missing Princesses Series She is the West of the Elements. The Earth Element Goddess. She is the powerful among all Earth creatures. For she is the Missing Fairy Princess. 🏆 Highest Rank Achievement🏆 #13 in Fairies #14 in Fictional #7...
