Chapter 2 - Lost

55 4 0
                                    

*Third Person's POV*

Ang digmaan ay naganap na.
Lahat ng Crystallian People ay lumalaban para sa kapayapaan ng kanilang kaharian.

Lahat ay inilabas ang kani-kanilang mga pakpak and kani-kanilang sandata at ang kani-kanilang kapangyarihan. Lahat ay lumalaban hindi lang para sakanilang sarili kundi para sa kanilang lahi.

~booooommmmmm~

~booooggggsssshhhhh~

~shiiiiiiiinnnnnggg~

~booggggggsssshhhhh~

Yan ang maririnig sa bawat parte ng bayan at kaharian ng Crystallia.

"Mahal dalhin mo ang kambal natin. Tumakas na kayo dito, delikado sila dito. Magpapadala ako ng liham para makahingi ng tulong mula sa ibang kaharian kaya habang may oras pa ay lumikas na kayo masyado silang marami." nag-aalala wika ng Hari sa Reyna nito.

"Ngunit Mahal kong Hari paano ka?" Nag-aalalang wika din ng Reyna sa Hari nito.

"Magiging maayos din ang lahat Mahal ko hindi tayo pababayaan ng Enchanted Kingdom sa ngayon tumakas muna kayo kasama ang kambal natin. Alam kong sila ang pakay ng mga kalaban dito, hindi natin hahayaang mangyari ang propesiya sa isa sakanila." Desperadong sambit ng hari.

Wala nang nagawa ang Reyna at sinunod na lamang nito ang sinabi ng kanyang Hari.

"Pangako! Babalikan kita Mahal ko." Ani ng reyna sa isip nito bago nagmamadaling tumakbo.

Samantala, habang nakikipaglaban ang Hari ay hindi niya namalayan na may naka lusot sakanya. Yun ay ang asawa ng Hari ng mga Draconian si Queen Thea ng Draco Kingdom. Nangangamba ang ibang nakakalaban nito dahil sa angkin nitong lakas at siya rin ang nakatatandang kapatid ng Reyna ng Crystallia kingdom na si Queen Anne Kailyn Light. Ngunit binura ang pagkakakilanlan nito dahil sa sumapi ito sa mga kalaban.

Samantalang patungo na sa Throne Room ang Reyna habang akay-akay ang Kambal nito sa magkabilang bisig nito. Patungo na sana sila sa isang secret passage ng kanilang palasyo papunta sa likod ng tarangkahan ng kaharian ngunit napatigil ito nang marinig ang pamilyar na boses.

"Saan ka pupunta Mahal kong Kapatid?" Nakakalokong ngiting ani ng Reyna ng Draco Kingdom, ang kanyang kapatid.

"Maawa ka ate umalis na kayo, pabayaan niyo na kami." kinakabahang ani ng Reyna ng Crystallia Kingdom habang mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang kambal.

"Maawa? Nagpapatawa ka ba? Naawa ka ba nung pinalayas ako ng magaling mong ama? Ay hindi pala ng ating ama pala na walang ibang ginawa kundi ang purihin ka kaysa sakin." Nanggagalaiting wika ni Reyna Thea.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon