Chapter 17 - Inlove

31 1 1
                                    

*Nimpha POV*

Dalawang buwan na ang nakakalipas nang mapunta ako sa mundong ito at makapag-aral sa Crystal Kingdom.

So far this past few months everything seems normal. The people here are kind, approachable and friendly towards me. I'm glad to say that I finally found a home where everyone accepts me at wala na akong mahihiling pa dun.

Naging malapit rin ako sa Hari at Reyna. Minsan nga nung dinala ako ni Kuya dun pinipilit nila akong pumayag na ampunin nila. May isang beses pa na pinag-aagawan nila ako kung kanino ako sasama, halos hindi na nga ako malapitan ni kuya kapag andun ako sa palasyo.

Kuya's family is so sweet, kind and lovable. Minsan nga sumagi sa isip ko na sana sila nalang ang magulang ko, na ako nalang sana ang prinsesa nila. Ngunit malabo yun. At ayokong angkinin ang posisyong iyon na hindi naman talaga dapat na akin.

Ngayon ay patungo na kami sa office ni Headmistress dahil may nais siyang sabihin saaming mga Alphas.

Nang makarating kami ay seryosong mukha ni Headmistress ang bumungad saamin. Well I guess ito na ang sinabi ni Lily na misyon. My first ever mission.

"Alphas, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want you all to go to the Lucid Forest and rescue our Beta students there. If you rescue them all continue to get the Crystal of truth."

"Beta? Yung pumapangalawa samin? Bakit sila naroon? Napakadelikado ng lugar na yun diba?"

"They are. I give them this mission to get the crystal of truth last 2 months ago and since you Alphas are not here at that moment I gave them this mission and now its been days since their supposed to be deadline. I guess they're in trouble they couldn't find or get the crystal or much worst they're in their deep slumber and if we couldn’t find a way to wake them up, they'll sleep forever." Paliwanag ni Headmistress samin. Ano daw? Isasabak kami ni Headmistress sa ganong kadelikadong misyon?

"Pero Headmistress.."

"Your parents know about this and they all agreed. Including Lady Nimpha here who have a temporary guidance from the King and Queen and they both agreed too. They believe that this will also serve as your training that will benifit you in the near future." Seryosong wika ni Headmistress. Wala na kaming nagawa kundi ang sumang-ayon.

Napa-igtad naman ako ng bigla akong niyakap ni Kuya.

"Don’t worry Nimmy, I'll protect you. I won't let anyone hurt you. I promise that." Pagpapagaan nito saakin. Gumanti nalang ako ng yakap dito.

"You can go back to your rooms now and pack the things you needed. Pinapaalala ko rin na ang oras sa Lucid Forest ay mabagal katulad nalang sa kung paano tayo nananaginip. Never let your guard down Alphas the Lucid fairies are sneaky and naughty they might play you in your dreams too." Mas lalo naman akong kinabahan sa sinabi nito. Pano nga kung paglaruan kami ng mga ito at hindi na talaga kami magising habang buhay? Sino rin ang magliligtas samin?

Nang makapag impake kami ay nagtungo na kami patungo sa malawak na circle na una naming nilapagan noong unang araw ko sa paaralang ito.

Napansin kong narooon na si Headmistress at ang iba pang mga estudyante.

"Totoo nga, aalis sila para sa isang misyon na naman."

"Aabutin na naman ng ilang buwan bago natin muli sila makita."

"Diba ito ang unang misyon ni Lady Nimpha?"

"Kinakabahan siguro si Lady Nimpha, balita ko delikadong lugar ang pupuntahan nila."

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon