*Nimpha POV*
Dalawang buwan na ang nagdaan at hanggang ngayon ay binubwisit parin ako ni Khiran and take note nagsama pa siya ng mahangin at baliwn niyang kaibigan ewan ko ba sa mga bwisit na yun.
In public hindi ko sila pinapansin katulad ng ginagawa ko dati ngunit kapag naroon na ako sa tambayan ko ay bigla nalang silang susulpot na parang kabute.
Ngayon ay patungo na ako ng tambayan ko dala ang linuto kong pagkain. Syempre dinamihan ko na kasi mga patay gutom ang makakasama ko mamaya.
Pagkaliko ko sa isang gusali ay may napansin akong mabigat na aura, inilibot ko ang paningin ko hanggang sa tumigil ang mga mata ko sa isang grupo ng magkakaibigan, ang mga transferees. Hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong napatago sa malapit na puno at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.
"Sa loob ng tatlong buwan na pananatili natin dito mahigit sampu lang na katulad natin ang naibalik natin sa ating mundo. Mukhang wala naman na akong nararamdamang katulad natin sa mga estudyanteng naririto." Rinig kong ani ni Sarah sa mga ito.
Katulad nila? Kanilang mundo? Anong ibig nilang sabihin?
"Oo nga, baka nasa mundo na natin ang sinasabi ng Oracle, Khiran." Ani ni Lucas kay Khiran na tahimik lang na nakikinig sa mga kasama.
Ano bang pinag-uusapan nila?
"I don't know. But I have this hunch that we haven't found him/her yet." Seryosong ani ni Khiran sa mga ito.
"Pero Khiran the more na mananatili tayo dito the more na hihina ang pwersa ng kaharian natin. Remember you are connected to your twin and since you're both connected with each other napapanatili mo parin ang lakas ng Emerald gem ng kaharian. Ngunit ngayon na malayo ka sa kaharian maaaring salakayin ng kaharian natin ng wala sa oras." Nag-aalalang ani ni Lily dito.
"Sa tingin ko, oras na para umuwi na tayo." Seryosong wika ni Bagyo. Aba himala nagseseryoso din pala si Bagyo.
"No, I don't want to leave yet. I have someone in mind that I need to investigate. I have this feeling that she's one of us. Right Nimmy?" Ani ni Khiran na nakapagpagulat sakin.
Pano niya nalamang nakikinig ako sakanila? Baka ibang Nimmy lang ang sinasabi niya. Tama tama.
"Nimmy? Isa lang ang kilala kong tinatawag mong Nimmy, Si Nimpha Riley Ramirez yun diba?" Tang*nang bagyo talaga toh, buong pangalan ko pa talaga ang binanggit.
"Si Ate Nimpha? Ngunit hindi ko maramdaman sakanya ang pagiging Fellonian."
"There's only one way to find that out. Come out now Nimmy, I know you're hiding there." Napaangat ako ng tingin ng mapansing nasa harapan ko na si Khiran. Naramdaman ko nalang ang paglapat ng kamay nito sa ulo ko sabay gulo nito.
"Aish, wag mo ngang guluhin ang buhok ko. Matagal ko tong sinuklay tapos guguluhin mo lang?" Naiinis na ani ko dito saka lumabas sa pinagtataguan ko.
BINABASA MO ANG
NIMPHA || The Missing Wings
FantasíaBOOK III || Missing Princesses Series She is the West of the Elements. The Earth Element Goddess. She is the powerful among all Earth creatures. For she is the Missing Fairy Princess. 🏆 Highest Rank Achievement🏆 #13 in Fairies #14 in Fictional #7...
