Chapter 10 - Guardian Kia

40 1 0
                                    

*Nimpha POV*

"Tita.." Mahinang pagtawag ko dito.

"Mag-iingat ka doon Nini." Ani nito at akmang hahakbang nang hawakan ko ang kamay nito. Bigla na lamang akong napa igik nang may itim na usok na ang nakapulupot samin.

"Pakawalan niyo sila--argghh!" "TITA!!" Sigaw ko ng makitang sinikmuraan nila ang tita ko. Nanggagalaiti ko silang tiningnan nang makitang mawalan ng malay si Tita. Mga hayop sila, anong karapatan nilang saktan ang tita ko.

"Pakawalan niyo ko! Saktan niyo pang muli ang tita ko at papatayin ko kayong lahat!" Sigaw ko sa mga ito. Napaubo ako ng dugo nang bigla na lamang akong tumilapon sa pader.

"Nimpha!" Rinig kong sigaw nila Lily. Wala akong panahon para pakinggan pa sila. Kailangan kong makuha si tita sa kamay nila.

May kung anong pabilog silang ginawa yun na siguro ang sinasabi nilang portal papunta sa ibang dimensyon o mundo.

"Wag niyong kunin ang tita ko!" Sigaw ko ulit sa mga ito ng akmang papasok na sila sa portal. Ngunit tila nagbingi-bingihan lamang sila at tuluyan nang nakapasok sa portal kasama si Tita.

Napansin ko pang nagsilapitan ang mga kasamahang naiwan nito saamin hanggang sa maramdaman ko nalang ang bawat sipa, suntok at sabunot nila. Napansin ko ring ganun din ang nangyari sa iba na nakagapos parin sa itim na usok.

"Bakit hindi muna natin tikman ang mga magagandang dilag na kasama nila para naman may pang remembrance tayo diba?" Tila nandiri naman ako sa klase ng tingin na ibinibigay nila samin.

"Mga hayop kayo, subukan niyo lang at impyerno ang sasalubong sainyo." Nanggagalaiting ani ni Bagyo sa mga ito habang pilit na itinatago sa likod nito si Sarah habang si Lily naman ay nasa likod ni Lucas. Natabunan naman ang paningin ko ng mapansing nasa harapan ko na si Kuya Khi at itinatago rin ako sa likod nito.

Natatawa namang napatingin ang mga ito sa mga lalaking nasa harapan namin saka isa-isang nilapitan sina Kuya Khi, Lucas at Bagyo. Kanila itong pinagsusuntok at pinagsisipa na siyang ikinasigaw ko.

"Tama na, wag niyo na na silang pahirapan pa!" Sigaw ko sa mga ito. Napatingin naman ang isa saakin saka ako nilapitan at mahigpit na hinawakan ang panga ko.

"Makinis ka bata, mukhang tinatago mo lang ang makinis mong balat maging ang ganda mo sa makapal na salamin na to. Tanggalin na natin to ng maenjoy ko naman ang magandang mukha mo hahaha!" Tila baliw na ani nito saka tinanggal ang salamin ko at inapakan ito dahilan para mabasag ang lens. Nandidiri naman akong tumingin dito saka umatras palayo dito.

"Wag kang lalapit!" Ani ko dito saka napaatras pa.

"Wag ka nang pumalag, masasarapan ka naman sa gagawin natin eh!" Ani nito at napadila pa sa labi nito.

"Wag kang lalapit!" Sigaw ko pa dito saka umatras pa ng umatras hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko. Nakita ko namang palapit na saakin ang baliw na nilalang na yun. Hindi lang pala sa earth ang may mga manyak pati rin pala sa mundong pinagmulan ko rin daw.

NIMPHA || The Missing WingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon