"talaga besh yun yung ugali nya?" Kelly sabay subo ng kinakain nyang dingdong.
"Yes Kell di man lang naghi" rant ko sa kanya about kay Claudia.
"Baka badtrip lang yun besh kasi diba sabi mo kaya sya nalate kasi natraffic" Kelly na ngumunguya pa rin.
Kung alam mo lang Kell kung bakit sya na late.Nakita ko syang kumekendeng kendeng sa Cr.
Pero syempre di ko na kwenento yun kay Kelly.
"Siguro naman natry mo ring mabadtrip dahil sa traffic tapos nalate ka? Tao rin naman si Mommey Claud nababadtrip din" hirit pa nya.
"Mommey?" With British accent pa yung pagkakasabi ni Kelly nyan.
"Oo ang Mommey nya kasi sa new post nya ackdhakkkkk" sya sabay kilig na kilig partida di pa naasinan yan.
"May new post sya?"
"OO BESHHH" sabay apir apir nya sakin.
"Ang hot nya sobra" patirik tirik pa ng mata si bading.
"Tingnan mo kasi daliiiiii" tumitili na naman sya myghad Kelly.
"Oo na oo na ito na teka lang" sabay labas ko ng phone at senearch ig ni Claudia.
"OHHH DIBA MOMMEY YUMMYYY~" Kelly na yakap yakap na ngayon ang unan.
juskolor ano bang nangyayari sa kaibigan kong to alam ko namang bading sya pero grabe naman ang wild nito. Yep Kelly is a Lesbian inamin nya na sakin yan noon nagbiro pa nga baka raw mafall daw ako sa kanya.
Baliw
So ayun nga tiningnan ko rin ang post ni Claudia.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Something about grace" yan ang nakasulat sa caption nya.
"Luh ang swerte naman ni grace napadpad sa caption ni Mommey Claud" nakikitingin din sya sa phone ko.
Hayyynako Kelly
"Ang hot nya noh?" Kelly sabay nakakalokong ngumiti.
"Oh bakit?"
"May kissing scene ba yung sa ads na efifilm nyo besh?"nakakaloko pa rin yung ngiti nya.
"Gaga about airlines yun tapos may kissing scene? baliw" natatawa kong sabi sa kanya kasi kahit ano nalang pinag-iisip naku naman Kelly eh.
"Eh ano kasi napaisip lang ako what if may kissing scene dun na parang before makakasakay yung passenger.. I mean nasa airport palang sya with her maleta tas diba magpapaalam yun what if may kissing scene imbes of hug lang?" Nahampas ko sya ng unan.
"Baliw sino ipapakissing scene mo dun? At tyaka wala yun sa script kabaklaan mo talaga" hahampasin ko na naman sana sya pero sinalo nya ang unan.