☆18. Rina's Realization (II)

327 7 0
                                        


RINA'S POV

Ang ingay dito ngayon sa Convention Center kung saan ginanap yung All Star Show. Lahat ng artists under ng management namin ay kasali. May mga palaro at contest na nangyayari dito ngayon pero ako ay nakaupo sa reserved seat namin at nanonood lang sa mga co-star ko na masayang nagtatawanan dahil sa laro nilang pass the message and charades. It's a tradition that we celebrate this every year na hindi ko naranasan sa former management ko.

"Rina come on sali tayo sa kanila" nakangiting papalapit sakin ngayon si Arthur. Nang makalapit na sya sakin ay may narinig akong nagtilian sa may bandang likod namin at nung lingonin ko ay nakatingin pala silang lahat samin ni Arthur, na ikinailing ko lang. Almost sa mga kasama namin ay pilit talaga na pinapares kami ni Arthur not just as a loveteam but also in romantic way din. Pero di mangyayari yun lalo na ngayon kasi alam ko sa puso ko na kahit kaunti ay wala akong nararamdaman para sa lalaking to.

"Sige ba anong laro ba yung next na gagawin?" Tanong ko ay Arthur na ngayon ay umiinom ng tubig.


"Sack race with a twist"

"with a twist?"

"Yes Rina, tatalian yung bewang nyo ng partner mo and may kanya kanya kayong sack na susuotin, diba yung sa standard na laro is magkasama kayo sa isang sack? dito naman tatalian kayo sa bewang. Si Jomz nakaisip nito ewan ko anong nakain nun"  patay ang hirap naman yata nun pero mukhang exciting. Sigurado akong lalabas to sa media itong lahat ng ganap dito.

"okay sige sali ako"

"Nice one Ri, partner tayo ha"

"Sure" Well wala namang malisya yun kasi laro lang naman to at ayaw ko ring maging kj kasi once a year lang to mangyari.


Nagsimula na ang game at 5 pairs ang magkakalaban ngayon at nasa left corner kami ni Arthur. Habang tinatalian kami sa bewang ay naririnig namin ang maingay na tilian sa paligid. "Don't mind them" naiiling na sabi ni Arthur sakin.

"Oh ayan ready na kayo" Jomz sabay tapik pa sa balikat naming dalawa ni Arthur na may nakakalokong ngiti.


"In the count of 3.... 2..... 1...GO!!!"


Natatawa kaming tumalon talon ni Arthur kasi para kaming mga kangaroo plus nakatali pa ang both bewang namin kaya kailangan naming mag ingat kasi maling talon lang ay bagsak talaga yung isa. Yung mga kalaban namin ay sobrang competitive, halos ayaw din magpatalo sa first round. Hingal na hingal akong bumalik sa starting point habang si Arthur naman ay tawang tawa kahit na hinihingal.



"Second place tayo para sa first round, not bad." sabay thumbs up nya. Ambilis din kasi tumalon nitong lalaking to muntik pa nga akong madama kanina buti nalang napakapit ako sa braso nya.


Nagsimula na namang magcountdown yung host at nakaready na kami ni Arthur. Talon kami nang talon, pero compared kanina hindi na kami natatawa kundi halos magsigawan na kami na dalian namin kasi uhaw din kami manalo. Isang ikot nalang sa isang upoan nang maramdaman kong biglang kumirot ang paa ko. Napulikat ako! Kaya nung maramdaman kong matutumba nako ay napakapit ako kay Arthur at sabay kaming natumbang dalawa, napapikit nalang ako kasi akala ko tatama yung buong katawan ko sa sahig pero ilang segundo lang ay wala akong naramdamang malamig na sahig, kundi isang mainit na katawan at mga bisig na nakaprotekta sa likod at ulo ko...nasalo ako ni Arthur. Napatingin ako sa kanya na puno ng kaba at gulat dahil muntikan nakong bumagsak. Narinig ko ang hiyawan ng mga tao and ang mga tunog ng pagclick ng cameras kaya naman ay napatayo ako bigla pero napadaing din dahil sa sakit ng paa ko at muntik na naman akong matumba buti ay nahawakan ulit ako ni Arthur.



Haunted HeartbeatWhere stories live. Discover now