☆2. SkySovereign

634 19 0
                                    


RINA'S POV

Nandito ako ngayon sa may kusina nagluluto ng dinner.Hinihintay ko kasi si Mami Vmag-uusap kami about dun sa email na natanggap ko kanina.

"Done" sapay tanggal ko ng apron at lagay ng dalawang pinggan sa table nang may narinig akong nagdoorbell.

Pinapasok ko si Mami na as usual may dala na namang pagkalaking abaniko na akala mo ang init init dito sa bahay eh fully air-conditioned kaya to.Nang makaupo na kami ay nagsandok na sya ng kanin.

"Mami about dun sa email i need your advice kasi di ko pwede tanggapin agad yun kasi diba sabi sa contract ng MTL (Machina Television Live) na—" naputol yung sasabihin ko ng bigla syang nagsalita.

"Go for it" Mami sabay punas ng bibig nya gamit ang tissue bago magsalita ulit.

"I already talked to them and it's settled, no need to worry my dear and hephep  hindi mo talaga pwedeng tanggihan yun kasi sobrang rare ng opportunity na yun, and yes if magtatanong ka mas nauna akong e email at tinawagan ng SSV (SkySovereign) and mismong anak pa ni Mr. Ivanov ang nakausap ko kaya hinding hindi ako — tayo makakatanggi, clear ba Rinaya?" Dritso nyang sabi sabay subo ng karekare.




Eh di naman ako nakareact agad kasi si Mami na ang nagdesisyon eh.At tyaka wtf? Yung anak mismo ni Mr.  Ivanov ang tumawag? Nakakahiya naman if etuturn down ko pa tong project nato

I cleared my throat.


"Hmm o-okay Mami V e go go natin to" ako na di pa rin makapaniwala.

"Yeah my dear korek di mo to pwede tanggihan, kaya magready kana kasi pupunta tayo bukas dun" sya saba inom ng juice.

"Huh?" Anong pupunta? San?

"Haynako di mo ba binasa yung buong message ha? Naku naku Rina. Pupunta tayo sa Ivanov Empire bukas kasi nandun ang office ni Mr. Ivanov and may mga mahahalaga syang sabihin for the budget and kung ano pang gagawin sa Advertisment" explain nya.Oo nga pala di ko nabasa lahat ang message si Kelly kasi eh tili na nang tili.Kanina nga bago yun umuwi tumitili pa sya at pakanta kanta.

"Matulog ka nang maaga by 8:30 papasundo kita dito, baka 12 kana naman matulog sinasabi ko talaga sayo Rina" ayan nangsermon na sya.

"Opo Mami V" sweet kong sabi sa kanya.



Nung makauwi na si Mami V sinigurado ko na lock na lahat.

Yep I'm living alone



Nagpapalinis lang ako ng bahay pag di na talaga kaya ng powers ko if loaded na loaded nako after filming.Wait may naalala ako nacurious kasi ako eh..




Claudia Ivanov

Sinearch ko sya sa Instagram pero walang lumabas.Sabi ni Kelly meron syang account wala naman pala.Kaya chinat ko si Kelly kung anong username ni Claudia tas sabi pa nya

"Uyy si beshy e stalk nya si Claudia"

Napairap nalang ako kahit di nya naman makikita yun. Duh kailangan ko makita yung mukha nung Claudia diba baka pagpumunta ako dun sa company nila makabunggo pa ko tas sya na pala yun tas di ko namukhaan.

Malisyosa talaga tong Kelly na to

"@cloudy.iv"

Ayan daw yung username nya.Kaya nung pagsearch ko at nakita ko na tiningnan ko agad yung account nya and tama nga si Kelly tatlong post lang. Sa isang taon isang beses lang din nagpopost.

Haunted HeartbeatWhere stories live. Discover now