RINA'S POV
"Nakshieee kooooo ito ha recommended moisturizer ito yung mga ginagamit ng maraming actress sa Thailand!" Mami V sabay arrange ng mga dala nyang pasalubong sakin galing Thailand.
Imbes na week lang sana stay nya dun naging 1 month kasi mas lumala raw yung lagay ng kaibigan nyang si Somchai yung naaksidente ba sa scooter, isa pala tong CEO ng clothing line sa Thailand. Pero thankfully nakakarecover naman na ito kaya nakauwi na si Mami V. Tawag nga to nang tawag sakin nireremind ako kung nakakakain ba raw ako, di ba raw ako nagpupuyat or kung ano na rawng ganap sa buhay ko. Hayyyy si Mami talaga.
Narinig kong may nagdoorbell siguro si Kelly nato pinapunta rin kasi sya ni Mami kasi may ibibigay din sa kanya.
After kong buksan ang gate pumasok na si Kelly na rockstar na rockstar ang datingan nakashades pa hanep!"MAMIIIIII TO THE T TO THE U TO THE V MAMI V WAHHHHHHH" sabay yakapan nilang dalawa.
Napatakip nalang ako sa mukha sa kakulitan nilang dalawa hahahaha
"ALAM MO MI MISS NA MISS KITA" may pa iyak iyak effect pa si Kelly pffttt
"นั่นโจ๊กเกอร์เหรอ?" sabay tawa ni Mami.
"ANO MI????? BAKA MINUMURA MO NA AKO" Hyper pa rin si Kelly.
"ไฮเปอร์ก็เหมือนหนอน" sabi pa rin ni mami kaya takang taka na yung mukha ni Kelly.
"Partida Mi wala pa yang asin" kaya humagalpak kami ng tawa, si Kelly naman gulong gulo yung mukha.
Sabi kasi ni Mami para rawng bulate si Kelly sobrang hyper alam nyo yun parang kitikiti HAHHAHA
"kop khun ka lang alam ko malay ko senyong dalawa" sabay upo nya sa sofa.
"Ay wait may magandang balita ako Mi and Beshy" sabay patong nya sa sofa at may pa hawak hawak pa sa dibdib nya at huminga pa nang malalim.
"Muntik nakong bumagsak sa exam pero nakalusot pa andddd WAHHHHHHH" di na nya natuloy yung sasabihin nya kasi sya lang din tili nang tili.
"Wait sige ito na... Tenenennnenenn" may pa drum roll pa sya sabay may kinuha sa bulsa nya.
"TADAAAAA PASOK AKO SA POSSIBLE ARTIST NA KUKUNIN SA VALKYRIE!!!!!!!" sabay pakita nya ng isang maliit na poster na may vector art na parang group of artist.
"Omggggg Kellyani congratulations" sabay yakap ko sa kanya
Dang! antagal nya to hinintay, nag audition kasi sya sa isang local band and 100+ silang nagaudition! And fortunately nasali si Kelly! Ang saya ko para sa kanya. Maganda talaga kasi boses nito eh, as in sobrang ganda.
"Aww congratssss sa isa kong anakshie" Mami V sabay yakap din kay Kelly na nakapatong pa rin ngayon sa sofa
"Hayyy kaso lang need ulit magperform next month and ayosin daw naming mga nakapasok kasi ang The Big 3 ya know ang magdedecide kung sino ang final na makakapasok" sabay upo nya sa sofa. Tinabihan namin sya ni Mami at inakbayan ko sya habang si Mami naman ay nakahawak sa kamay nya parang pang Miss Universe ang peg.
"Okay anakshie kong bulate na parang kitikiti we believe in you! And support kami sayo noh!" Mami V
"Sinong Big 3 besh?" Tanong ko sa kanya
"NOVROVICH, IVANOV, BELINSKY" napasapo sya sa mukha nya.
Totoo nga Big 3 nga potek ang yayaman grabe naman yung ininvite na judges. Kita ko sa mukha ni Kelly na sobrang problemado nya. Kaya napatanong ako sa kanya kung bakit parang pinagsakloban sya ng langit at lupa.