RINA'S POV
Patulog na sana ako kaso natripan kong magscroll scroll muna sa soc med. Ilang weeks na rin di ako nakakabrowse sa Daily Rich and parang nawalan na rin ako ng gana magsearch pa dun kasi kahit isangla ko pa kaluluwa ko kahit isang gamit dun wala akong mabibili malulula lang ako sa mga presyo.
Nag open ako ng ig at nakita ang mga post ng mga favorite kong artists. Pero isang reason din kaya nagopen ako ay ang stalk si Claudia. Wala lang curious lang ako kung may post na ba sya ulit or baka next year na naman yun makapagpost.
in denial
Nangpindotin ko ang profile nya tama may bagong post nga pero hindi mukha nya kundi ang sasakyan nya na Pagani Zonda.
"Ronnie Anne my gorgeous girl, more beautiful than that funny looking monkey car"
Basa ko sa caption nya na nakapagtaas ng kilay ko kasi naman eh may naaalala ako sa funny looking monkey na yan. Tyaka sino si Ronnie Anne? Yung sasakyan nya ba tinutukoy nya? Pambihira may pangalan pa talaga and may gender pa. Pfft
Di pala ako nakafollow dito what if efollow ko sya sa dump ko? Kaya dali dali kong nilog-in yung dump account ko at finollow ang account nya. At ilang minutes lang finollowback nako. Eh? Ang bilis naman nya yata akong efollow back? Di naman yata nya siguro kilala tong account ko na to ah kasi kahit ni isa sa mga kaclose ko walang nakakaalam. And private account din to. Inaccept ko yung follow ni Claudia and ngayon ay moots na kami sa ig.
Inisa isa kong basahin yung mga comments na nandun at isang tao lang yung ni Replyan nya not even her friends, sino kaya to? Ni-tap ko yung user name nya @Vinia_dumppy at may nakita lang akong isang post ng aso na may bulgari necklace ang gara naman ng aso nato sosyalin ah sino kaya amo nito? Di ko mapigilan na di mag comment kaya nagcomment ako.
"Luh bat may pangalan?" And ilang minutes lang nagreply sya ng nakasunglasses na emoji
Eh? noh yun trip nya? Natatawa ako
At may biglang nagpop sa notif ko na message na dahilan na muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko ng mabasa ko yun.
"Hi Riri 😉" Claudia
What the f?!!! Pano nya nalaman?!!!
"Riri who?" Reply ko
"My Riri 😚" omayghadd sya ba talaga to? Mukhang nahack yata yung ig nya
"Di ko kilala si Riri na yan" reply ko na agad din nyang naseen