☆25. The Song, The Black Coat & The lies

251 4 0
                                        

RINA'S POV


"si Wall-e ba to?" Manghang sabi ni Kelly na ngayon ay nakaluhod sa sahig at kaharap si Oblivion.

"Scanning..."


"Face not recognize..."



"Scanning data.."


"Scanning Done" may parang greenlight na nanggaling sa mata ni Oblivion at pinagscan yung mukha ni Kelly na ngayon ay parang ewan na nakanganga lang.


"Kellyani Marquez, born on April 29 ****. A Civil Engineering Student from La Vira University. A Food Rider, Waitress, 7/11 Cashier and Guitarist at Clinton RestoBar."



"POTANGINA GAGO ANG ASTIG!" bigla ko syang hinampas ng unan kasi sumigaw eh napaigtad pa ko sa gulat.


"GAGO BESH BAKIT ALAM NA ALAM NYA LAHAT WOW!" 


"Baka kung natuloy ako dun sa pagiging boldstar ko baka malaman nya rin." nabatokan ko na talaga sya.


"Para kang ewan dyan, malamang malalaman talaga nyan lahat ewan ko ba anong magic nilagay ni Claudia dyan."



"Grabe besh pwede ko ba to e-uwi sa dorm? Papalitan ko na si Daniella." Sabay hagalpak nya ng tawa.



"Luh in your dreams, sakin nga yan binilin eh."


"Joke lang naman seryoso mo naman masyado besh....saur" she's squinting her eyes again. Ayan na naman ano na naman kayang usisain nito sakin.



"Ano ng label nyo ni mommey Claud?" Sabay inom nya ng juice.



"Label? Wala" ewan ko kung nahalata nya sa tono ng boses ko na medyo malungkot.



"Ayyy okay sige uso naman yan ngayon besh bff premium soon nalang yung label." akmang hahampasin ko na naman sya ng unan ng nagring yung phone ko. At ang gaga nagside eye bigla at nakibasa kung sinong caller.


"Hello Mi?" Sagot ko sa tawag ni Mami V.


"Rina anakshie, 2 interviews ang sasalubong sayo next week. Did you check your schedule ba? 1st week of the month wala kanang hingahan hija tuloy tuloy nato."



"Yes po mi, nasabihan ko na rin si Arthy. But I think busy pa sya ngayon sa VEMC, you know sya ang nakuhang endorser ng bago nilang model ng kotse?" Kasama ko si Arthur sa 1st interview dahil nag announced ang management na sya ulit ang magiging partner ko next year sa bagong project namin. I'm kinda excited dahil may paspoil sila na action daw ang gagawin and less romance. Ghad ayun ang mga gusto ko. May pinag-usapan pa kami ni Mami bago nya binaba ang tawag.




"Omayghad ka besh di na tayo makakabonding nito kasi magiging busy kana at ako naman magiging busy na rin sa susunod lalo na sa school, makikipaggisahan kay Ms. Nigel yung sobrang sungit namin na professor ." Sabay busangot nya. "Eh nga pala besh yung about sa Ad na efifilm nyo ni Mommey Claud kailan yun?"



"Next next month" hindi ko rin alam kung itutuloy nya pa ba yun. Ang laki kaya ng budget nun, i really hope na sana matuloy yun...gusto ko syang makasama magfilm.



"Hayyy antagal naman, bakit nadelay?" curious na tanong ni Kelly habang hinahaplos haplos ang ulo ni oblivion. "Kalbo"



Naku naman pati robot sinabihan pangkalbo, di mo talaga mahuhulaan anong lalabas sa bibig ni Kelly. " Eh ano busy sya." sagot ko sa kanya. Sa totoo naman kasing busy sya diba nga nagfly away sa Russia na hanggang ngayon di man lang nagtext or chat sakin kung ano na nangyayari. Yes nagchat ako sa kanya pero wala eh, walang reply.


Haunted HeartbeatWhere stories live. Discover now