RINA'S POV
Nasa food court kami ngayon at kanina ko pa talaga napapansin na halos wala masyadong tao, I mean himala yata sa mall nato parang nagkaubosan na ng tao and hindi sa nagfefeeling ako, ni isa walang nagpapicture sakin. Ito yata yung pinakapeaceful na pagmamall ko simula nung nag artista ako. Wow just wow sana ganito nalang palagi. Gusto ko rin naman ang ganito, no crowds, no paparazzi na sobrang sakit sa mata yung mga flashes ng cameras nila.
Kaming dalawa ni Claudia ang bumili ng snacks na kakainin namin. Eh si Badtz-maru parang patay malisya lang at mas malala pa di nya ko tinataponan ng tingin simula nung nakalabas kami sa Cr. Ngayon naman magkatabi kami dito sa isang food stall naghihintay na ibigay samin yung nachos. I tried talking to her pero si Badtz-maru umiiwas talaga ng tingin! Arghhh nakakainis na sya ha. Okay fine! Ganyanan pala.
Nang makuha na namin yung order namin ay sya na ang nagdala, alangan namang ako pa magdala nyan na may hawak akong apat na milk tea pero nakalagay naman sa plastic bag. Heh bahala sya dyan. Naiinis pa rin ako kasi naman eh!
Kasi ano Rina? Arghh shut up brain.
Magkatabi kami ngayon ni Kelly at sa kabila naman ay ang magpinsan na parang mga robot at tuod. Mas may buhay pa siguro si Esmeralda yung Ai sa bahay nila Claudia compared sa dalawang nasa harap namin ngayon.
"Besh alam mo ba gaga talaga tong si Daniella" Kelly sabay kuha ng nachos. Hayyy thank you Kelly may nagsalita rin, magagamit din pala to pangpatay ng awkwardness ang pagiging yapper nya.
"Daniella? Yung roommate mo?"
"Oo besh"
"Oh bakit anyare sa kanya?" Tanong ko sabay inom dun sa milk tea.
"Eh diba nalaman nya na bading ako" oo dai ganyan sya ka-out wala na sa kanya yan matagal na raw syang lumabas sa closet, pero napansin kong napatingin si Doc sa kanya.
"Tapos anyare ba?"
"Ang gaga mag 2 weeks nya nakong binibasahan ng Bible" pffttt sobrang pigil ko matawa pati si Claudia biglang naubo kaya tinignan ko sya at umiwas na naman ng tingin. Hmp! Mamaya ka sakin!
"As in sasabihin nya according to verse blah blah blah says that God made humans "male and female" blah blah blah" sya sabay kain na naman ng nachos
"Tapos Besh di lang yan yung ginawa nya, gulat nalang ako pagdilat ko nasa may ulohan ko na sya binabasahan ako ng Bible tapos may dala dala syang mga dahon! Wtf?! dasal pa ba to or kulam na" tuloy tuloy nyang sabi para dahilan na humagalpak ako ng tawa at narinig kong pati yung dalawang robot nagpipigil din ng tawa pero si Kelly grabe ang seryoso ng mukha. Pano nya nagagawang magkwento ng ganyan na seryoso ang mukha?
"Ang creepy talaga ni Daniella pero di ko sya magawang palitan kasi sya lang din naglilinis at nagluluto eh edi kawawa ako pag wala sya" sabay tawa nya ng nakakaloko. Kawawang Daniella ginawang maid ni Kellyani.
"Tapos besh akala ko talaga walang magkakagusto dun kasi alam mo yung typical na binubully sa mga American movie? Yung fully braces na magulo ang buhok tapos baduy manamit ganun sya pero nung nabihisan grabe besh parang di mo makilala pero ang creepy nya pa rin kasi di na sya tumigil kaka pray over sakin ano akala nya mawawala kabadingan ko sa kakaganyan nya? No way" Tawa pa rin ako nang tawa sa mga pinagsasabi ni Kelly pati si Doc di na rin napigilan natawa rin sya. Pero si Badtz-maru ayun ansama makatitig sakin. Problema nito? Kiss ko sya dyan eh. Ayy joke behave
"Do you have a lot of friends? " Tanong ni Doc kay Kelly na dahilan para matigil sya kakanguya ng nachos
"If sa school si Daniella lang plaplastic nung iba eh sarap pagsasampalin" natawa si Doc sa sagot nya. Wow himala di sila nagbabangayan
