RINA'S POV
"Pati mga santo besh mahihirapan na pigilan ako na sapakin yang pinsan ni Mommey Claud"
Natawa ako sa sinabi nya kasi gigil na gigil na ang isang to kulang nalang ihampas nya yung Bass na hawak nya. Nandito kami ngayon sa bahay ko—sa garden. Itong si Kelly halos isumpa na si Doc Friday as in gigil na gigil sya. Di pa rin nakakamove on yata sa pagbasag sa phone nya.
"Alam mo ba boset talaga yan sya! Good mood sana ako last Sunday eh kasi may bonus akong natanggap advance pa birthday ng boss namin dun sa Bar" Nag eextra kasi tong si Kelly sa isang banda sa bar. Bukod sa Pag audition nya sa Valkyrie, trabaho nya sa 7/11, may trabaho pa yan sya sa isang Coffee shop and itong trabaho nya sa isang bar ang pagbabanda. Ewan ko pano nya to nahahandle lahat eh lalo na't nag aaral pa sya. Breadwinner din kasi to eh, may support naman sya sa pag-aaral dahil may Tita sya sa abroad pero nahihiya na rin daw sya dahil may mga anak din itong pinapaaral kaya todo kayod to ngayon para pandagdag sa tuition nya. Ang tigas din kasi ng ulo nito eh sabi kong tulongan ko na. Sa susunod esesekreto ko nalang na bayaran tuition nya ganun nalang gagawin ko.
"Last time besh alam mo ba ang B.O.S.E.T boset na yun ay bumili bili dun sa 7/11 at pinahiya ako kasi ambagal ko raw kumilos nagmamadali sya? Like What the Hell! Alam mo gusto nya VIP sya eh may mas marami pang mas nauna sa kanya boset talaga sobra" sabay panggigil nya sa Bass nya at pinatunog yun. Angas shet!
"Grabe may nickname na si Doc kaso ansama naman pakinggan"
"DESERVE NYA YUN BOSET SYA" sabay irap nya
"wait pakinggan mo besh tas hulaan mo anong song to" nagsimula syang magstrum medyo mabagal at bumilis. Sobrang angas pakinggan! At sabayan pa na Rockstar outfit ni Kelly. Denim Pants with fitted shirt na may print na "Rocking Your World" at pinatongan nya ng denim jacket.
"Oh anong kanta yun?" panghahamon nya sakin
"Mary on a Cross " sagot ko naman. Eh yan agad pinapatugtog nya lalo na nung sabi nya na try ko raw pakinggan fav song nya.
"May tama ka besh" Wait ano raw? bakit parang double meaning yun ha? at aba tumatawa pa ampotek. Tapos napansin kong tumigil sya at madiin akong pinagkakatitigan. Now she's squinting her eyes na para bang inusisa akong mabuti hanggang sa kinailaliman ng kaluluwa ko. Kaya medyo napaatras ako ng kunti kahit nakaupo kami.
"Parang may napapansin ako sayo besh"
"oh ano?" takang tanong ko sa kanya kasi ang creepy nya tumitig
"Parang blooming ka ngayon? nadiligan ka noh?"
"W-wait a-arayyy ackkkk-ARAYYYYYY" sinabunotan ko sya. Baliw na to kahit anong pinagsasabi!
"WAHAHAHAHHAHA guilty nadiligan nga waittt ARAYYYYYY" kinurot ko sya sa tagiliran na mas lalo syang humigikgik at Oa na kunyare mamamatay na sya.
"joke lang besh eh ito naman, wala ka ngang boyfriend eh" pinanlakihan ko sya ng mata kaya mas lalo syang natawa
"eh kamusta kayo ni Mommey Claud besh okay ba kayong dalawa?" bigla nyang tanong kaya parang feeling ko nag-init mukha ko. Ewan ko ba nitong mga nakaraang araw maisip ko lang si Claudia feeling ko any minute mamumula na yung mukha ko.
"Ah eh ano oo kaso hirap pa rin pangitiin eh sa isang scene kasi ang cringe daw" di pa kami nakakapractice ulit
"Ay ganun ba edi mas kelangan pala talaga ni Mommey Claud ang matinding practice" sabay ligpit nya sa Bass nya at binalik ito sa Bag na lagayan mismo nito