RINA'S POV"Hello Kell?"
"Besh nagtext si Friday nakasabit na raw sya sa eroplano." She sounds happy.
"Anong nakasabit?" Nagjojoke ba to.
- _ -"Joke lang besh ikaw naman di mo naman agad magets HAHAHAH basta uuwi na sila makikita mo na bebelabs mo yieeee." Lahat ng lungkot at pangungulila ko natanggal lahat nang marinig kong pauwi na raw sila.
"Wait lang besh ha parang may kumakatok, wala si Daniella eh walang taga bukas hayyynako nakakatamad tumayo." Narinig kong naglakad sya, bubuksan yata ang pinto.
"Hoy! Abnormal sabi mo nasa eroplano pa kayo?" rinig na rinig kong sabi nya. Huh? Sinong kausap nito?
"Private plane duh, think Kellyani think." Wait boses ba yun ni Doc?
"Ay pasensya naman noh di ko naman kasi alam boset na to." Bulong nya pero rinig na rinig ko naman.
"Ayaw mo kong papasokin?" Confirm si Doc nga! If nakauwi na sya? Edi nakauwi na rin si Claudia?
Nagoverthink ako noon sa bar ah akala ko si Doc yun? Kahawig talaga ni Doc at kaheight pa. Edi sino yun? Bakit may pangit ngiti noon si Kelly? Hayst nag-isip pa ko ng masama akala ko nagsinungaling sya sakin.
"Wait lang kausap ko si Beshy...ayy besh hello hello Rina besh hello?"
"Rinig na rinig kita Kellyani nandito pa ko."
"Ayy hehe off ko muna ha bye." At binabaan ako. Nakauwi na si Doc! Pupuntahan ko si Claudia!
Bigla kong naalala yung last time na nangyari. Hindi ko alam pano ko kakaharapin si Lavinia kung sakali mang magkita kami. Nandito pa rin yung sugat na nanggaling sa kuko nya nung sinakal nya ko, akala ko pasa lang pero nagsugat talaga sya kaya halos mag turtle neck nako araw araw para lang matakpan ang bandang leeg ko.
Dali dali akong nagprepare at tatawagan na sana si Manong Wardo kaso narinig kong may sasakyan sa labas maingay ito tunog sports car. Biglang lumabas si Oblivion at may cute na music syang plinaplay parang happy song but instrumental lang. Ngayon ko lang to sya nakitang ganito? Why?
Palabas nako at sinundan talaga ako ni Oblivion. Binuksan ko ang gate at bumungad sakin ang kotseng matagal ko ng sakyan. The hell ang ganda talaga ng Superior Hyperion kulay blue pa ito na may silver din na line mula sa harap hanggang sa likod. Nagpalinga linga ako pero walang tao, di ko rin makita yung loob ng sasakyan dahil tinted ang window nito. May tao ba sa loob?
Unti unting bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas dito ang pinakaunang babae na gusto kong makita. Kaya naman pala ganun ang reaction ni Oblivion. Sa ilang buwan nyang pagkawala, yung mga araw na halos yung unan na ginamit nya ay ang yakap yakap ko, yung mga oras na halos mabaliw nako sa pagkamiss sa kanya, yung mga oras na wala akong gana kumain kasi naaalala ko yung mga stock kong hotdog na sya lang nakakaubos. And now she's here, wearing her sunglasses to protect her eyes from the sunlight. Halos madapa pa ko kasi bigla akong tumakbo sa kanya at niyakap sya nang sobrang higpit.
"Damn you nakakainis ka! alam mo ba yun ha?" I'm sobbing habang sobrang higpit ng yakap ko sa kanya. Naramdaman kong niyakap nya ko pabalik at isiniksik ang mukha nya sa leeg ko.
"I'm sorry, my love. I'm back now..." Naramdaman kong humigpit din ang pagkakayakap nya. "I miss you so much.." amoy na amoy ko ang pabango nya. Parang ayaw ko na syang bitawan gusto ko magkayakap nalang kami palagi, pero kailangan muna naming pumasok sa bahay baka matusta kami sa init dito.