☆19. Thunder's Gentle Lullaby

283 7 0
                                        

RINA'S POV

Sobrang sakit ng ulo ko ang iniinda ko ngayon kasi nagising ako dahil napanaginipan ko na naman ang mga kapatid ko. Wala ni sakit ng ulo at ng paa ko ang makakahigit sa sobrang sakit ng puso na nararamdaman ko ngayon.

They were just kids..my poor babies. I'm sorry hindi kayo nasagip ni Ate. I'm sorry kung hindi ko agad kayo nabalikan. I'm sorry...

Halos hindi ko na mapigilan ang mapahikbi ulit, kasabay pa nito ang patuloy na pagbuhos ng ulan sa labas. Naririnig ko rin ang malakas na pagkulog at ihip ng hangin na sya ngayong dumadagdag sa lamig ng kwarto kong tanging lampshade lamang ang nagbibigay ng liwanag. Sobrang sakit pa rin ng pangyayaring yun. Halos gabi gabi akong binabangungot. Bakit ba kasi hindi ako agad nakabalik nun?! Bakit kasi umalis pa ko kung alam ko namang delikado sa lugar na yun. Bakit kasi kailangan pa naming maghirap.

Palakas nang palakas yung hikbi ko na mas lalo pang nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa paa kong kumikirot. Habol na habol ko ang hininga ko at halos masakal sa sobrang iyak. Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at patakbong lumapit sakin si Claudia at niyakap ako ng mahigpit.

"Hey Riri" niyakap nya ko ng mahigpit at hinahaplos haplos ang ulo at likod ko para pakalmahin ako, pero mas lalo lang akong naiyak.

"C-claud- k-kung nandun lang ako" halos hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil nasasakal ako sa sarili kong pag-iyak.

"Shhhh" pag-aalo nya sakin at patuloy lang na niyayakap ako. Ramdan kong nabasa na rin ang damit nya dahil sa mga luha ko. Nakasandal ngayon ang mukha ko sa dibdib nya habang iyak ako nang iyak.

"C-claud...sana ako nalang yung nawala. They're just kids.. marami pa silang pangarap gusto pa nila mag aral ulit. S-si Angel gusto nya maging Teacher..t-tapos si Eljhon g-gusto nya maging Piloto.."

"Huli na Claud nung bumalik ako dun sa may tulay sobrang taas na agad ng tu-tubig..yung ibang nakatira dun halos nagsisigawan na rin dahil ang mga bahay nila inanod na ng nagraragasang baha..yung mga ka-kapatid ko Claud...tulog sila nun...hi-hindi ko alam kung may tumulong ba sa kanila.. pero ang sabi ng mga nakakita ay biglang tumaas ang tubig. Silang dalawa nakita ng mga tao pi-pilit tinutulongan ang isa't isa na makapunta sa itaas na bahagi-pe-pero Claud..hi-hindi na sila nakaligtas.." halos hindi na maintindihan ang mga pinagsasabi ko dahil napapaos nako kakaiyak habang mas lalong humigpit ang mga yakap ko sa kanya.

"Claud...di ko sila naligtas. Yu-yung ka-katawan nila nakita after 3 days..yung mga Kapatid ko...ambabata pa nila Claud..ma-marami pa silang gustong-" naputol ang sasabihin ko kasi halos wala ng lalabas na lakas pa na magsalita ako. Durog na durog ako ngayon. I'm still haunted by those memories. I wish I can go back in time at di nalang ako umalis nang gabing yun. Buhay pa sana sila...

Naramdaman kong banayad na hinahaplos ni Claudia ang likod ko. Hindi sya nagsasalita, hinayaan nya lang akong ilabas lahat ng nararamdaman ko at iniyak lahat ng sakit na sobrang tagal kong kinikimkim. Hugging her like this makes me want to cry and cry. Namamanhid na yung katawan ko nang pinunasan nya nang dahan dahan yung mga luhang patuloy pa rin na bumabagsak sa mga mata ko.

"Hush now, My Love." naramdaman ko ang paglapat ng malamig nyang palad sa mukha ko ngunit ang mga daliri nya ay inisa isang punasan ang mga luha kong walang tigil sa pagbagsak.


"It's not your fault..." Hinalikan nya ang noo ko.

"Alam kong di ka rin nila sisisihin, because I know you sacrifice a lot for them and you love them so much." then she kissed both of my eyes, kaya napapikit ako.


"You're such an amazing sister, My Love. I know that your siblings are proud of you for what you've become now. Maybe they're just there cheering for you, looking so proud for you because for once in their life they have you. I don't want to tell you to move on, but I want you to accept it. You cannot change what happened in the past, but you can still change and be great and be better for the future..for them." and hinalikan nya ang tip ng ilong ko.

Haunted HeartbeatWhere stories live. Discover now