⚠️ 🔞WARNING 🔞⚠️
Hey mga labs, just a heads-up! This story dives into mature themes and has some steamy scenes meant for adult readers (SPG). It gets a little intense and explores some passionate moments, so if that's not your vibe, feel free to skip ahead.
Enjoy responsibly!
RINA'S POV
Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito ka peaceful. Nasa state pa rin ako na gusto kong umiyak dahil sa ginawang to ni Claudia. Ano bang nagawa kong kabutihan para bigyan ako ni Lord ng ganitong klase ng pagmamahal?
Ang ganda ng lugar nato, ito pala yung kwenento nyang lugar kung saan sya dinadala noon ng Mommy nya tuwing pagkatapos nila magsimba, yung private lot na tinutukoy nya na ngayon ay may bahay na. Sobrang amazing lang na di lang pala puro technologies si Claudia, marunong din pala to magpukpok ng bahay. Andami nyang kayang gawin.
Still nandito pa rin kami sa balcony, nakayakap pa rin sya sakin. Narinig kong tumunog ang phone nya, may tumatawag yata. Sinagot nya yun habang nakayakap pa rin sakin ang isang kamay at ang mukha nya ay nakapatong sa balikat ko, nakafocus lang ako magmasid sa magandang lawa.
"What do you want?"
"Help me Claud!" narinig ko sa kabilang linya.
"Why what happened?"
"Fuck you Amber! Hindi nga parang medicol yung kuko ko!" nawala ang focus ko sa lawa dahil sa narinig kong sigaw sa kabilang linya, parang si Avi yata yun ah?
"What? What's your problem? Why are you shouting Avianna?" Ngayon ay nakakunot na nag noo ni Badtz-maru. Confirmed si Avi nga.
"Kakalbohin ko na talaga si Amber! Gosh pinapainit nya ulo ko. I got may nails done, it looks pretty! But she said it looks like Medicol yung gamot ba! Magkakulay daw!— yeah pisti ka!" Pfffttt nagsigaw na naman si Avi, hula ko si Amber ang sinigawan nya.
"Seriously Avianna? You called me dahil lang dyan?" Ano ba naman tong Badtz-maru nato kj kj halata namang nagkukulitan lang sila eh.
"Inaaway nya ko huhuhu. " Pffftttt nakakatawa sila dahil narinig ko pa na ginagaya ni Amber si Avi.
"Argh! Just call me if it's important. I'm busy right now. Bye!"
"Kakauwi mo lang di ka dumiritso sa inyo, may utang ka samin. San ka ba ngayon?"
"Heaven" sagot nya sabay end call.
Totoo nga naman heaven nga naman tong lugar na to. Ang ganda eh! Pero wait? Di sya dumiritso sa kanila? So it means dumiritso sya sa bahay ko? Jusko naman Cloudy. Napapailing nalang ako sa isip ko.
"Di ka umuwi sa inyo?" Tanong ko sa kanya pero iba ang sinagot nya.
"Ang kulit nila" nakayakap na ulit yung dalawang braso nya sakin at binaliwala yung tanong ko. Siguro may dahilan sya bakit di sya dumiritso sa kanila. Pero baka hanapin sya nila Tita.
"Oo nga, hmm matagal na ba kayong magkaibigan?" Curious lang ako kasi it seems na sobrang close ni Avi and Amber eh. Alam ko magkakilala na ang family nila Claudia and Avi kasi nasabi ni Aly sakin na childhood friend nya si Lavinia. Kamusta na kaya sila?...
"Yeah, since we were just kids." Naramdaman kong inaamoy nya ang buhok ko. Buti nalang talaga ginamit ko yung conditioner na bigay ni Mami kasi ang bango nun. "Hmm? It seems like you want to ask something?"
