☆ 22. Closer than ever

422 6 0
                                        

RINA'S POV

Hindi na masakit yung paa ko at okay na okay nako maglakad. Nasa bathtub ako ngayon nakalublob lang dito iniisip yung last na nangyari. About dun sa possible na nahack nga ako, spyware ba yun? Yung pag-ayos ni Claudia dun. Siguro expert na expert sya sa mga ganung bagay hindi ako naniniwalang software engineer lang sya siguro hacker din sya? Pero sabi nya hindi sya marunong nun?

Tanga Rina may hacker bang aamin na hacker sila?


Ang talino naman yata ni Claudia gosh ano pa bang kaya nyang gawin about sa mga technologies? Baka kaya nya ring gumawa nung machine na pwede makabuhay ng patay.



Medyo natawa ako sa naisip ko. Impossible naman yata yun. Pero bukod dun may isa pa talaga akong naiisip na halos di ako makatingin sa kanya ng diritso...yung nangyari last time sa kusina. Halos ilang gabi rin akong hindi makatulog lalo na katabi ko pa rin sya matulog. Pagtitingnan ko naman sya matulog, tulog mantika talaga habang ako na katabi nya halos mabaliw na. Gosh Rina ano ba kasing pumasok sa kukuti ko nung araw na yun! Tapos si Claudia after nun parang wala lang nangyari back to robot mode na naman sya tapos ngingiti saglit.


I wore a simple top and pants before I decided to go downstairs. There, I saw her typing something again on her laptop. Masyado syang focus kaya di nya ako napansin na dumaan, nakakunot pa yung noon nya habang nagtatype. Nasa loob nako ng kusina at akmang kukuha ng ingredients sa ref para sa lulutoin ko pero pagharap ko ay bigla bigla nalang akong pinamulahan dahil naalala ko na nanaman yung nangyari last time. Gosh Rina! Ano ba magluluto ka lang naman. Potek talaga!


Hawak hawak ko ngayon yung mga ingredients dahil napagdesisyonan ko na ipagluto sya ng empanada. Nagstart nako gumawa ng dough at tinabi muna ito nang ilang minutes. Niluto ko na rin yung fillings or yung palaman para sa empanada, nakita ko lang to sa YouTube noon kaya ginaya ko tapos pinatikim ko kay Mami V at ayun nagpapaluto na sakin. Pero ngayon ipapatikim ko kay Claudia tong gawa ko sana magustohan nya. Mag iisang oras nako dito at malapit ng maluto yung empanada at sinilip ko muna sya pero ganun pa rin nakakunot ang noo at ang bilis magtipa ng keyboard sa laptop nya. Priniprepare ko na yung empanada apat lang niluto ko para tigdalawa kami, at naglagay na rin ako ng orange juice sa baso at nilagay ito sa tray.

Hawak hawak ko yung tray ngayon papuntang sala at nilagay to sa table dun at tumayo sa harap nya. Di man lang ako pinansin.



"Ehem" tawag ko sa atensyon nya pero halos walang narinig sobrang focus nya pa rin.


"Ehem" wala talaga, nakakainis naman. Pero bigla syang nag-angat at parang gulat na gulat na nakita ako at may hinubad sa tenga nya. Naka earbuds pala T _ T



"Ohh I'm sorry Love-love" nilagay nya sa table yung laptop nya tapos tumayo at lumapit sakin sabay yakap. Omayghad! Omayghad! Di agad ako nakapagreact kasi bigla bigla nya kong niyakap.



"I'm sorry I didn't notice you, masyadong focus ako." sabay hiwalay nya sa pagkakayakap sakin, kaya napakurap-kurap lang ako di alam anong erereact.



"What's that?" nakatingin na sya ngayon sa dala kong pagkain. "You made this? Oh god I love embutido?" She then did a tiny clap. Ang cute!

Pero? Huh? Anong embutido? Empanada yan eh! T_T


"You know how to make Embutido?"



Inulit pa talaga kaya naman natawa ako. "Oo niluto ko yan magsnack muna tayo kasi kanina ka pa nakatitig sa laptop mo eh focus na focus ka dyan baka nga kumakalam na sikmura mo, at tyaka hindi yan Embutido, empanada yan. Empanada" napakamot sya sa ilong nya sabay tango tango at natatawa. " Yeah it's Empanada! I forgot because the last time I ate this was when we're traveling in Ilocos, that was 2 years ago na yata. Thank you for making this Empadana, Love-love."

Haunted HeartbeatWhere stories live. Discover now