RINA'S POV
Lumipas ang ilang araw hanggang naging buwan. Natapos din yung mga interviews ko. Nilunod ko ang sarili ko sa trabaho. Pero kahit isang message ni Claudia wala akong natanggap. Even Kelly wala rin syang natanggap na message galing kay Doc. Dahil walang work ngayon and maluwag yung schedule ko, napagdesisyonan kong ngayon pupunta ako sa bahay nila. I'll ask Lavinia, or kung sino mang madatnan ko dun. Baka nandun si Tita Cleo, baka masagot nya yung itatanong ko.
I called Manong Wardo, magpapahatid ako dun. I miss her so bad. I'm not mad na di ako nakatanggap ng message nya. Mas nag-aalala ako sa kanya. Dumating si Manong Wardo at sumakay nako sa van. Aabotin kami ng isang oras bago makarating sa bahay nila. Habang nasa byahe ay tiningnan ko ang account nya, pero wala pa rin. I tried to call her, pero unattended. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Aalalang alala nako sa kanya tanging message nya lang ang magpapakalma sakin. Kahit isang message lang Claudia...please.
Nakarating kami sa mismong bahay nila, bumukas yung gate kaya pinaandar ulit ni manong ang van, hanggang sa tuloyan kaming makapasok. Nasa harap palang ako ng maindoor nila ay kusa na itong bumukas at narinig ko si Esme na binati ako.
Walang katao tao yung hall nila, sobrang tahimik ng bahay buti nalang may isang kasambahay sila na lumabas galing sa isang kwarto at may dala dalang mop. Thank god!"Manang wait.." hindi pa agad ako nito napansin at aalis na sana pero buti nalang narinig ako nito.
"Hala jusmaryosep Ms. Rina?" Gulat na gulat pa ito. "Manang teka po talaga, may gusto lang akong itanong." Binaba muna nito ang hawak nitong mop.
"Nakauwi na po ba si Claudia?" hindi agad sya nakapagsalita at nahalata ko sa expression nya na parang nag-iisip kung anong dapat sabihin. "Manang nakauwi na po ba sya?"
"Ahmm Ms. Rina hi-hindi pa po eh pasensya na po kayo hindi ko po masasagot yan." Nanlaki ang mata nito habang ang tingin ay nasa likuran ko at dali daling kinuha nito ang mga dala nya kanina at dali dali akong iniwan. What was that? Nang tingnan ko sa likod ko ay nakita kong nakatayo si Aly.
Thank God! Nandito si Aly may mapagtanongan na ako. "Aly salamat naman at nakita kita, may itatanong lang sana ako." Lumapit ako sa kanya. Pero kahit isang ngiti ay walang sumilay sa mukha nya. She looks so pale, and her eyes looks so tired parang kakagaling lang nito sa iyak. Sobrang tamlay nyang tingnan.
"What happened Aly?" Dali dali akong lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba?" Kahit isang salita ay walang lumabas sa bibig nya. She just stared at me while her tears are streaming down. "Hey hey bakit? Anong nangyari?" Last time na nakita ko syang ganito ay yung anniversary nila.
"It's unfair, she's so unfair—" napahawak ako sa kanya nang bigla syang parang matutumba. Ngayon ay pareho na kaming nakaupo dito sa malamig na sahig katapat ng malaking family picture nila Claudia.
"Ri gusto ko nang sumuko...pe-pero ako—ako lang ang nakakaintindi sa kanya..." What does she mean?
"Ri...ang unfair a-ako yung nandito p-pero halos hindi nya ko makita.." I can confirm na hindi lasing ngayon si Aly. Napansin kong may pasa sya sa bandang leeg at ngayon napansin ko ring may sugat yung labi nya.
"Sya ba ang dahilan nito?" tukoy ko sa bawat pasa nya.
"Lavinia, Si Lavinia ba? Yung time na naglasing ka totoo ba lahat ng sinabi mo?" No...no...I thought they love each other. They looked sweet together. Cover up lang ba yun? Magagawa ba talaga ni Lavinia to? Napatakip ako sa bibig nang dahan dahan syang tumango.
"That night...I'm not drunk." She still sobbing.
"Sinaktan ka nya Aly! Ngayon lang ba to?" Mas nagulat ako nang umiling sya. Does she mean matagal nang ginagawa to ni Lavinia sa kanya?!
![](https://img.wattpad.com/cover/376223654-288-k65332.jpg)