Author's Message:
Bihira nalang ako mag-dedicate kasi nalilito na ako. Sorry talaga! Kung gusto niyo ng dedications, dali... i-PM niyo ako hangga't di pa natatapos tong AHAW.
Sa kanya dedicated tong chapter na ito dahil every chapter nung Book 1 ay nag-cocomment siya. Doon tumataba ang puso ko ng sobra-sobra. Ehehehe. Sorry kung dito na kita nabigyan ng dedication kasi tapos na yung Book 1. Kahit hindi mo man basahin to, okay lang kasi at least nabigyan kita ng dedication. Thank you! Hahahaha.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 16
Clara’s Point of View
Oh em gee!!! Anak si Dominick ni madam Nancy?! Oh my gash! “ah, Clara? Ikaw iyan hindi ba?” nilapitan pa niya ako. Ang lapit niya ng mukha niya sa akin. Ang lapit! Kitang-kita ko ang kakinisan ng mukha niya. Nahiya naman daw ang balat ko. “Nick, maraming namamatay sa lapit mong iyan.” Pagpa-paalala sa kanya ni madam Nancy na mommy ka niya. Kaya pala starstruck na startruck ako... may dahilan pala. Ang ganda naman kasi talaga ni madam Nancy eh. “ah... so-sorry.” Inilayo naman ni Dominick yung mukha niya sa akin. Actually, ang sarili niya. Sayang.
“so magkakilala kayo? Nick?” tumango lang si Nick. “schoolmate ko siya.” Yun lang ang isinagot niya. Aww... hindi ba mag-iimprove yung schoolmate na term na iyon? Di bale... kakayanin iyan. Hindi ako susuko. “mommy, bababa muna ako.” Tumango lang sa kanya si madam Nancy. Tumingin lang siya sa amin ni ate Mitch at saka siya umalis sa eksena. Nganga ako. Ang gwapo niya talaga!
Pagkatapos namin dun sa boutique, napagdesisyunan namin ni ate na umuwi na dun sa condo niya. Dun na ako sa kanya. Hindi daw kasi kami pwede dun sa mansyon kasi medyo malayo sa mga pinapasukan namin school. “Clara, sino yung guy kanina? You like him.” Bumuntong-hininga ako. Okay lang naman siguro na magsabi ako kay ate dahil nga kapatid ko naman siya. “yes ate. I like him... very much.” Yun yung isinagot ko. Nakita ko na napangiti si ate. “gusto mo ba gumawa ako ng paraan?”
“anong ibig mong sabihin?” naguluhan ako. Paano gagawa ng paraan? Hindi ba natural na ang dapat lang gawin eh gawin mo ang lahat at magpapansin dun sa taong gusto mo? “don’t worry Clara. Marami akong pwedeng ituro sa iyo. Gagawa tayo ng paraan para makuha mo siya.” Napangiti din ako. “talaga ate? Pwedeng may gawin para mapabilis?” tumango siya at pinat yung ulo ko. “marami akong maituturo sa iyo, my dear sister.” Doon sa sinabi ni ate, para akong nabuhayan. May pag-asa ako?
Chelsea’s Point of View
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kwarto ko. Pinapanood nga lang ako ni Chii-chan eh. Wag niyo nang itanong kung bakit Chii ang tawag ko sa bunso namin kapatid. Gusto niya kasi iyon eh. Hindi ba nga ang explanation dun eh... crush niya si Yuri Chinen na kahawig ni Kenneth ng Hey!Say!JUMP. Basta boyband sila sa Japan. Basta yun na yun!
“nee-chan?” tawag niya sa akin. Ang ibig sabihin po ng nee-chan ay ate. Pasensya na kasi sa Japan namumuhay ang kaluluwa ni Chii. Kasi kasama lang siya ni daddy dun kadalasan pero ngayon, dito nalang daw siya sa Pilipinas dahil para naman masanay siya dito. Halo. Pilipino po kami, okay? “wag mag-alala Chii... okay lang ako. Okie? Quiet ka lang dyan at maglaro ng doll.” Tinanguan lang niya ako. Ang cute niya! Pagulungin ko kaya siya sa kama! Wee.
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Teen Fiction(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...