-Ten-

2K 17 20
                                    

Chapter 10

December 3, Monday

Chace’s Point of View

Nyemas. Anong nangyayari? Ayoko ng ganito. Kagabi pa ako hindi pinapansin ng pinakamamahal ko!!! Nataboy pa nga ako eh. Hindi ako nakapasok sa unit niya para kumain. Dapat ako magluluto pero di niya ako pinapasok. =__= Ano ba to? What did I do? Ano ba kasi iyon?!

“Nathalie naman. Half-day tayo pareho ngayon. Dapat magsaya tayo. Bat di mo ako pinapansin?” Shet. Naka-pout lang siya. Di siya nagsasalit. Ang cute niya! Nakaka-tempt. Teka. Ano ba sinasabi ko?! Pero kasi naman...

Naglakad lang siya palayo sa akin. Nakalabas na nga kami ng campus eh. Teka! Andun yung kotse ko.... pero yaan na nga. Susundan ko nalang itong prinsesang ito. Naman... tuloy-tuloy lang siya. Ang bilis naman niya maglakad pero syempre kaya ko siyang abutan. Sinundan ko lang siya... di ko na nga namalayan na nakarating na kami sa may park. Ang daming naglalarong mga bata. Napangiti nalang ako pero syempre naguguluhan pa din ako...

DI AKO PINAPANSIN NI NATHALIE T__T

Dun siya umupo sa swing kung saan walang naglalarong mga bata. Eh kasi naman... mukhang makakalas na. Puro kalawang =__=

“Nathalie, puro kalawang yan...” Di niya ako pinakinggan at umupo pa din siya dun. Nakatingin lang siya dun sa baba. Pumwesto nalang ako dun sa likod niya at sinimulan ko itulak yung swing pero syempre dahan-dahan lang. Baka mamaya eh... bumigay yun. Kinakalawang nga kasi. To namang prinsensang ito... mamimili na nga lang ng swing eh yung kinakalawang pa. Hay buhay.

“Nathalie... kung ano man yung nagawa ko. Sorry na...” Hinangin lang kami. Peste. Nakikisabay yung hangin. Naman eh. Nililipad-lipad lang yung buhok niya. Ang gandang tingnan. Sana naman pinanapansin niya ako... diba??

“Nathalie naman...”

Teka. Ano nga ba ginawa ko kahapon? Habang patuloy ko siyang tinutulak-tulak eh nag-iisip ko.

Posible kaya na dahil iyon dun sa paghatid ko kay... teka... ano nga ba pangalan nun ulit? Yaan na. Di ko talaga matandaan pangalan nun eh.

“Dahil ba yun dun sa paghahatid ko dun sa babae kahapon?” Patuloy ko pa ding tinutulak yung swing. Bumabalik ata kami sa pagkabata ah. Ako lang naman kasi ang dakilang tiga-tulak niya. Pati ba naman hanggang ngayon. Tss.

“Buti alam mo.” mataray niyang sagot. Nyemas. Ang slow ko naman ata ngayong araw na to. =__= “Nathalie, sorry na...” pumunta ako sa harapan niya at lumuhod pa ako para magkalevel yung mukha namin. “tayo ka nga dyan.” Sabi niya sa akin nang pabulong.

“Eh tatayo lang ako dito kung papansinin mo na ako. Bati na tayo.” Para naman akong bading nito. Tumingin siya sa akin at nag-smirk. Oh-ow. Mukhang may kakaiba itong ipapagawa sa akin. “bati na tayo kung...” mukhang nag-iisip pa siya. Napalunok nalang ako. Ano kaya yun? Sana naman hindi kahiya-hiya.

“Ganito nalang Andrei, diba magaling ka naman sumayaw?” Sayaw? Di kaya ako marunong =__= “hindi ako marunong. Saan mo naman nakuha yan? Mali kamo ang binigay niyang impormasyon.” Di nga ako marunong. Pramis! (sinungaling po si Andrei, pagpasensyahan na.) Bigla siyang nag-pout at inirapan ako.

“buti pa si Ace, marunong. Pupuntahan ko nalang siya. Buti pa siya...” biglang akong natigilan. SINO YUNG HINAYUPAK NA ACE NA IYON?!!! “teka. Teka. Sino yun?” tanong ko sa kanya. Sino yung kutong-lupa na yun?? “well, di mo kilala si Ace? Huli ka sa balita sa EUAT. Classmate ko siya in almost all my subjects. Sorry ka nalang. He’s the best. Hmm. Mukhang tapos na ang panahon ng fame mo sa uni, Andrei.” ANO DAW??? Ibig sabihin mas madalas pa niya kasama si Nathalie kaysa sa akin???

Ano itsura nung Ace na iyon???? Ilulublob ko yung pagmumukha nun sa putikan. Baka naman mukha yung paa. Walang makakatalo kay CHACE ANDREI DE VERRA!!!

“Anong bang meron dun sa Ace na yun at binabanggit mo? Ha?” Nakakasura. Hahantingin ko yun! “Hmm. Gwapo siya, magaling sumayaw, magaling mag-drawing, musically-gifted, mayaman, marunong kumanta, matangkad, maganda ang kamay, maganda pag babae... hala. Many to mention. Lumulubog na bangka mo, Andrei.” Ako ba ang dinedescribe niya? Ay, oo nga pala... hindi ako marunong sumayaw at kumanta. At lalong hindi naman ata ako mukhang babae. Baklain naman ata yung Ace na yun... pero nakakairita. (sinasabi ko nga po  sa inyo, sinungaling si Andrei. Hehe. BTW, imaginary character ni Andrei ay si Kei Inoo. Nasa boyband siya kaya ko sinasabing sinungaling siya. Hehe.)

“At paano mo naman nasabi na lumulubog ang bangka ko? Mas magaling ako dun!” Para naman akong batang nagtatantrums dito. “Diba kakasabi mo lang na di ka marunong sumayaw? Lubog ka. Siya nalang ang bati ko. Hindi ikaw.” Di pwede yun!!!

Lumunok ako ng pagkalalim-lalim. Yakkk.....

“Sige na nga. Ano ba gusto mong sayawin ko?” hay. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanino man. “Talaga? Sasayaw ka na?” Tumango nalang ako pero sa totoo lang eh namumula na ako. Parang ngayon palang eh nararamdaman ko na ang kahihiyan na sasapitin ko. Peste.

“Hmm. Ano ba maganda?”  Nag-iisip pa siya. Naman. Eh wala nga akong alam na sayaw =__=

“Ganito nalang... sayawin mo nalang ito oh...” inabot niya sa akin yung cellphone niya na kasalukuyang may nagpe-play na video.

O____O

KATAPUSAN KO NA =__=

------>> nasa gilid yung video. Just imagine. Hahaha. Kung trip niyo naman, hanapin niyo sa vid si Nathalie. Nyahahaha.

After kroo kroo....

Nyemas. Pulang-pula ako. Ang daming nanonood... na mga bata. Mga nagpapalakpakan pa sila sa napaka-epic kong performance at pinangungunahan pa sila nung nagpagawa sa akin nito. “galing mo Andrei! Pwede ka nang sumali sa Berryz.” Ano yun?! Aba’y malay ko. Gusto ko nang umuwi!!! Nahihiya ako. “tapos na. Uwi na tayo.” Aya ko sa kanya bago pa ako mag-trending topic. Peste.

“eh Andrei naman, mamasyal muna tayo. Diba nga sabi mo din kanina... half-day ngayon at dapat tayong nagsasaya.” =__= kakasabi ko lang nun kanina. Akala ko eh di niya pinapakinggan. Natandaan pa niya iyon. Pagbigyan na nga. Si Nathalie naman siya eh.

“ano gusto mong gawin?” saan kaya pwedeng pumunta? “dito nalang tayo Andrei. Bili ka ng food. Maghihintay nalang ako dun bench na iyon.” Itinuro niya yung bench na nasa malapit sa fountain. Sa bagay, gutom na din ako. Lalamon ako ngayon. “sige pero magsuot ka kahit salamin man lang.” Baka madaming makakita sa kanya. Buti nalang mga bata yung audience ko kanina. =__= nakasuot na din ako ngayon ng cap.

“sure.” Tumayo na siya at pumwesto na dun sa bench. Ako naman ay dumeretso doon sa bilihan ng pagkain. Ano kaya gusto niya?

Someone’s Point of View

“She’s perfect.” Nagulantang ako bigla sa boses na narinig ko. Bigla akong inakbayan nung nagsalita. Tiningnan ko lang siya ng masama. “Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa kabilang panig ka ng mundo?”

“Pake mo ba, lil bro. Anyway, you’re a stalker already?” Tiningnan ko nalang siya ulit ng masama. “Fine. Fine. So she is the one you are always talking about?” Tumango nalang ako. Kahit kailan talaga eh ang epal nitong babaeng toh pero anong magagawa ko eh kapatid ko. Mas nakakatanda. Akala ata ng lahat eh nag-iisang anak lang ako. Pero may kapatid talaga ako.

“so ano plano mo? stalker ka nalang ba, VENEDICT??” Kailangan ba talagang buuin ang pangalan ko? Di ako sanay.

“come what may.” Iyon nalang ang nasabi ko.

To be continued~

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon