-Twenty-

1.4K 15 6
                                    

Thank you sa iyo! isa po siya sa admin ng page ng AHAW. Maraming salamat! :))))

Para mahanap ang page ng AHAW, just click the external link. Thanks! :))))

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 20

 

Chace’s Point of View

 

“wui pre! Woah!” tiningnan ko ng masama yung mga kung anu-ano pang komento ng mga ungas kong kaibigan. Pinagmasdan ko yung bar ni Nate. Tagal ko na palang di napapadpad dito. Umupo ako dun sa usual na pwesto ko kapag tumatambay kami dito. “nagbalik na pala ang hari.” Kinuha ko yung isang throw pillow at ibinato sa pagmumukha ni Charles pero ang iginanti lang niya ay tawa. Di bale... matagal ko nang alam na baliw siya.

“Nate, i-order mo nga ako...” hindi naman umimik si Nate. Sumunod nalang siya. Maya-maya pa ay may nag-serve na ng mga inumin at kung anu-anong pagkain. “anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito?” tanong sa akin ni Seth. Tiningnan ko lang siya ng masama. Medyo masama ang gising ko ngayon eh kaya medyo mainit ang ulo ko. “sensya na bro. Curious lang. Di na ako magtatanong.” Sabay inom niya dun sa baso niya.

“anong masasabi mo sa ambiance nung bar, ayos ba?” tanong sa akin ni Nate. Iginala ko naman ng tingin yung lugar. Di ko napansin na may nagbago pala. “ayos naman.” Ang simple ng sagot ko. “ano bang nangyari sa iyo? Mukha kang bangag na panda dyan. Ang model na si Chace Andrei de Verra ay ganyan ang itsura?” komento ni Craig pero di ko pinansin. Nakatingin lang ako sa kawalan. Hanggang ngayon kasi, ang nasa isip ko pa din eh yung mga nangyari kagabi.

Nagkita na si Vene at si Nathalie. Naging kami ni Nathalie... kaso one-sided lang ang lahat. Shet. Buhay nga naman. Nakakaiyak! “mga pre... hayaan na natin iyang taong iyan. Wala tayong mapapalang matinong sagot dyan.” Buti alam nila. Kaya nga mga kaibigan ko iyan eh... kilalang-kilala talaga nila ako.

Narinig ko nanamang tumunog yung cellphone ko. Psh. Alam ko kung sino yun. Di ko na kailangang tingnan at wala akong balak tingnan. Wala akong pakielam sa sasabihin niya. Hinihintay ko na nga lang malowbatt yung telepono ko eh. Di ko naman kasi pwedeng itapon kasi kahit madami kaming pera eh nanghihinayang ako. Iphone 5 yun.

Tinabihan ako ni Nate. Alam ko na to eh. Interrogation time na siguro. Siya lang naman mahilig makakukha ng sagot. “di mo ba sasagutin iyang telepono mo?” tanong niya sa akin. Medyo hinihinaan niya yung boses niya. Siguro para hindi masyadong marinig ng iba. Isheshare ko naman sa kanya to eh pero bangag nga lang talaga ako ngayong hapong ito. Hapon na nga. Hapon na ako nagkaroon ng balak lumabas ng condo. “wala akong balak sagutin to.” Tinanguan lang niya ako.

“may sasabihin ako sa iyo. Alam ko naman yung nangyari eh... yung about sa nabuong relasyon niyo ni Nathalie kagabi.” Pano niya nalaman yun? Hindi ako humarap sa kanya. Sigurado namang sasabihin niya kung paano niya nalaman eh. “nakita kayo ni Sandy kagabi at alam mo naman ang babaeng iyon, ayaw magpapahuli kaya nakinig siya sa inyo.” Potek. “Ano? Nandun kayo? Bat di ko kayo nakita?”

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Potek na iyan. Puh. “kasalanan mo na iyon.” Takteng iyan ah. Hanep ah. “edi alam niyo. May magagawa pa ba ako? Ano yung sasabihin mo?” sabay inom ko at kuha ng kukutin. “bibigyan kita ng payo total naman eh medyo magaling ako dun.” Sabay inom din niya. Gayahan nalang ba to? Kada salita eh sabay inom.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon