Chapter 35
December 16, Monday
Nathalie’s Point of View
Ang ineeet! Akala ko ba Christamas season na pero bakit ganito pa din kainit?! Epekto ng climate change? Tss. Kakarating ko lang ng Bulacan at masasabi ko na okay naman ang negosyo dito dahil ang daming guests. Siguro holidays na kasi kaya lahat ay napagpasyahan na magliwaliw. “welcome po miss Nathalie.” ginantihan ko sila ng ngiti. Despite the heat, nakakatuwa naman dahil mukhang mababait ang mga staff dito. Agad nilang kinuha yung mga gamit ko. Reflection ito na mabuti ang paraan nila ng pag-welcome sa mga customers. Sasabihin ko ito kaagad kay daddy.
“gusto niyo na po bang tumuloy sa kwarto ninyo?” tanong sa akin nung babae na feeling ko ay manager nila dito. Hindi ko pa kasi sila kilala. First time ko ditong bumisita. “ready na ba siya?” tumango siya. Ginuide nila ako papunta doon sa kwarto ko. Magpapahinga muna ako bago gawin ang trabaho ko. Napagod ako sa byahe. Nyemas naman kasi yung dinanas kong traffic kanina. Epekto siguro ng holidays. Mga nagsha-shopping mga tao kaya karamihan ay nasa daan. Hay nako naman.
Iginala ko nang paningin yung room na ibinigay sa akin. Medyo maliit siya kasi eto nalang ang available. Halos lahat kasi ng mga kwarto ay okupado. Syempre kailangan unahin ang customers kaya pumayag nalang din ako. Maganda naman yung room kahit papaano at maganda yung view sa labas ng bintana, isang malawak na grass land sa likod. Parang ang sarap lang panoorin pag wala akong magawa. Mukhang makakapag-relax naman siguro ako dito.
Narinig kong tumunog yung phone ko. May nag-text siguro.
From: Sandy
Asan ka? Wala ka sa office mo.
Woah. Magrereklamo nanaman siya. Sorry. Kailangan kong mag-relax sa linggong ito kaya kahit love na love ko ang bestfriend ko ay hindi ko muna papakinggan ang mga hinaing niya sa buhay.
To: Sandy
I need a break. I’m on vacation :P
Agad-agad ko iyong sinend sa kanya at saka ko binitawan ang phone ko. Bahala siyang mag-hunting sa akin basta magre-relax ako for now. I need this.
Alexandria’s Point of View
What the heck?! Nagbabakasyon siya? Hindi man lang nagsabi sa akin. Megash. “oh, mukhang problemado ka ata ngayon.” may yumakap bigla sa akin mula sa likod kaya agad ko siyang inapakan na siyang dahilan ng kanyang pag-aray. Nyeta naman eh. Kita ngang busy yung tao eh mangyayakap ba naman. Wala ako sa mood. “para saan yun?” medyo tumatalon-talon pa siya. Heels kasi ang pinang-apak ko. Sorry. Di ako naka-flats eh. “hindi ka pa nasanay sa akin Nathaniel eh di ba dapat hindi mo ako iniistorbo kapag wala ako sa mood.” hinipan ko yung bangs na nakaharang sa mata ko. Papagupit na nga ako. Mukha na kasing kurtina yung bangs ko eh. Malapit nang wala na akong makita sa haba niya.
“hmp. buti nalang nakakatiis ako at hindi pa kita hinihiwalayan.” nag-whatever sign ako sa kanya. Heh. “yung anak mo nagbakasyon.” sabi ko sa kanya sabay upo dun sa sofa ng condo niya. “si Nat-nat? kailangan niya yun. oh anong problemado dun?” tinabihan niya ako. eh ano nga bang pinoproblema ko sa pagbabakasyon niya? kung tutuusin nga mas okay yun eh. OA lang ako. “kasi… hay ewan ko.” pinaglaruan ko nalang yung buhok ko. Para lang akong timang. “alam ko na. iniisip mo na baka may ma-meet siyang iba? kasi gusto mo si Chace pa din ang para sa kanya?” napabuntong-hininga ako. bakit tumumpak yung mga sinabi niya? “ewan ko sa iyo Nathaniel.” He chuckled. “kung sila talaga edi sila talaga. tingnan nalang natin ang mangyayari.”
“kailan ba kasi uuwi yung timang na iyon? pinagtripan mo ako nung isang araw ah. sasapakin kita.” paano ba naman kasi akala ko si Chace ang uuwi iyon pala si Venedict. Umuwi siya para dito mag-celebrate ng pasko at bagong taon syempre with Sofia. Ew. Nagkatuluyan sila. The hell lang. Ang mga epal sa buhay ni Chace at Nathalie ay nagkasundo. Whatever nalang. “gusto ko lang naman makita ang reaksyon mo. alam ko namang hinihintay mo ang pagbabalik niya kasi gusto mong paglapitin ulit yung dalawa.” inirapan ko siya. bakit ba kilalang-kilala ako ng biik na ito. Biik, penguin lahat na. Bakit kasi ang fluffy niya?!
Nathalie’s Point of View
Ang ganda ng resort ni daddy na ito! Ang ganda ng pagkakagawa nung bawat lugar na nakikita ko. Parang bawat detalye ay talagang pinag-gugulan talaga ng panahon. Isasama ko ito sa feedback report ko kay daddy. Ibig sabihin the branch is doing fine. For short.
Nililibot ko lang yung kabuuan ng resort at kapag may nadadaanan akong mga staff ay agad naman nila akong binabati. Nakakatuwa lang. Sa paglalakad ko ay ang dami ko na ding nakasalubong na customers. Ang dami talaga nila! Peak season ba? Hindi ko akalain na dayuhin din pala ng mga bisita ang mga resort na nasa Bulacan. Kadalasan kasi ay somewhere sa South ang mga pinupuntahan.
Busy ako sa pagtingin ng paligid ng may bigla akong nakabangga. Nahulog pa yung mga gamit na dala niya. Shocks! Nakakahiya naman. Hindi kasi ako nakatingin eh. “sorry… sorry talaga. hindi kasi ako nakatingin.” hingi ako ng hingi ng pasensya sa kanya habang tinutulungan ko siyang pulutin ang mga gamit niya. puro libro iyon at mga papel. Shocks talaga. “ayos lang.” hindi ko pa nakikita kung sino siya. lalaki ang nakabunggo ko. Kagaya ko ay pinupulot din niya yung mga papeles at mga libro na nahulog may mga magazine pa.
Tinitingnan ko yung mga pinupulot ko. Nahagip ng mata ko yung isang magazine. Nakita ko kasi bigla si… Chace. Architect na pala siya ngayon. Nandun siya sa cover at siguro feature yung mga ginawa niya. Nakatitig lang ako dun sa magazine cover. I was spacing out. I knew it. “miss, okay ka lang?” tanong sa akin nung nakabunggo ko. Agad akong nagising sa reyalidad. “so-sorry.” natapos na naming pulutin yung mga nahulog niyang gamit. Inilapag muna niya iyon sa malapit na bench sa amin.
“customer po kayo dito?” tanong ko sa kanya. Curious kasi ako. Mukha namang halos kasing-edad ko lang siya. Siguro mas matanda lang siya ng konti. “ah hindi. sinamahan ko lang ang young master dito.” sagot niya. “young master?” so nagtatrabaho siya para sa isang tao. “opo. nandito lang po kami para mag-asikaso ng trabaho. hindi pa po kasi tapos ang construction sa resort. kayo po ba si ms. Nathalie?” nagulat naman ako. kilala niya ako? “ako nga. bakit niyo po ako kilala?”
“kayo po kasi ang anak ng may-ari ng resort na ito. kliyente po namin siya.” napatango-tango nalang ako. “ano po name ninyo?” magalang kong tanong. it won’t hurt kung may makikilala akong tao na nakakasalamuha ni daddy. Baka makasalumuha ko din siya in the future for business purposes. “Rey nalang po.” inilahad niya yung free hand niya. May hawak kasing mga gamit yung isa niyang kamay. Agad ko naman iyong tinanggap. “see you around, Rey.” tumango naman siya at pinagpatuloy ang pagso-sort nung mga gamit. Grabe naman kung sinuman ang “young master” niya. Daming pinapadala sa kanya. Hindi na makatarungan.
Matapos kong maglakad-lakad ay napagdesisyunan kong bumalik na sa kwarto ko. Tama na siguro for now ang paglilibot ko. Medyo malaki din kasi yung resort. Nakakapagod din. Halos tatlong oras na pala akong naglilibot. I still have one week para inspeksyunin ang resort. I have loads of time.
Umayos ang kwarto ko. Siguro nilinis ng mga staff. Naka-secure naman ang lahat ng mga importante kong gamit sa safety box kaya wala akong pinoproblemang mawawala. Ibinagsak ko yung sarili ko doon sa kami. Hay. Nakakapagod maglakad-lakad. Ang tagal ko na palang hindi nagagawa ito. Hindi na sanay yung mga paa.
Papikit na ako nang narinig kong tumutunog yung phone ko. May text message.
From: Daddy
Meet with the construction committee. I want you to help out in the finishing touches of the resort.
Iyon ang sinabi niya. Kumunot ang noo ko. Wala naman akong alam sa ganyan. Like duh. Dapat si Dominick ang inutusan niya sa ganyan pero wala naman akong magagawa eh. Utos iyan ni father dear. Hay. Bahala na. Fashion designing ang course ko. Sorry nalang sila kapag magmukhang damit ang mga suggestions ko. Ghad.
Makatulog na nga lang. Bahala na kung kailan ko man ime-imeet ang construction echos na iyan.
To be continued~
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Novela Juvenil(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...