-Twenty Eight-

943 16 13
                                    

Chapter 28

January 7, Monday

Nathalie’s Point of View

Pagkatapos nung happening nung pasko... hindi na kami nagkausap masyado ni Andrei. Dumaan nga ang bagong taon nang hindi man lang kami nakapagbatian. Pumunta sila ng ibang bansa nung mga time na iyon. Hindi naman siya nag-reply sa email at PM ko sa facebook. Oh ghad. What’s happening? Ano bang nangyayari sa amin? I admit na I really miss his presence. I miss my best friend.

Nasaan na ba siya?

“ate, sasabay ka ba sa akin?” nakapasok na pala nang walang pasabi tong kapatid ko. Basta nalang kasi iyang pumapasok ng walang pakundangan. Bastusing bata pero love na love ko iyan. “yeah. Thanks.” Kinuha ko yung bag ko. Last day ko nang dito matutulog sa estate namin kasi babalik na ulit ako dun sa condo unit ko. Hopefully ay nandun na si Chace dahil pakiramdam ko mababaliw na ako pag di ko pa siya nakita. Sinabi naman niya na friends kami. Kailangan ko siya.

Nag-shades ako pagpasok ko ng school. Dami na namang nakatingin and I hate it. Ayoko nang atensyon nang iba. Nakakainis lang. Parang ultimo brand ng toothpaste na ginagamit mo eh gustong gusto nilang malaman at baka ikalat pa nila sa mga blogs nila. Kaasar. Palapit na ako sa building ko nang may marinig akong mga nagsisitiliang mga babae. Parang wala sila sa isang prestigious school ah. Wala na akong pakielam. Nagdire-diretso nalang ako. Hindi ako interesado kung ano man ang pinagkakaguluhan doon sa may bandang don.

“girl, I miss you!” sinalubong ako nung isa kong ka-block. Niyakap niya ako at gumanti din naman ako. She’s my friend. Siya yung pinakauna kong friend sa course ko. “kamusta?” tanong ko sa kanya. “the usual. Anyway, nabalitaan mo na ba yung about dun sa new student sa interior designing?” napakunot ako ng noo. What the hell? Malapit na ngang matapos ang sem ay may nag-transfer pa? Parang napaka-imposible namang pakinggan yun unless may perahan na naganap. The heck lang. “is that even possible?” nag-shrug lang siya. “balita ko ang gwapo daw. Hindi mo ba nadaanan kanina yung commotion sa labas?” yung mga nagtitilian kanina? Yun ba yun? “ah yeah. Anyway, I don’t care.” Prangka kong sabi. Ngumisi naman siya. “share lang.”

Naglakad na kami papunta sa class namin. Dalawa lang naman ang subjects ko ngayon. Isa sa umaga at isa sa hapon. Long break. Sa totoo lang, I hate long breaks. Wala kasi akong magawang matino sa mga oras na iyon. Nate-tempt lang akong gumastos para sa pagkain. Nakakasira ng new year’s resolution na bawasan ang pagkain ng sweets. Ghad.

Lumipas ang boring class namin at eto na ang long break. Ayaw ko talaga ng long breaks. Nakakasabaw ng utak. Feeling ko kasi dahil sa long break na ito ay tinatamad na akong pumasok sa sunod kong class sa hapon kaya nga di na ako bumabalik ng condo dahil kapag nakatulog ako dun then sorry nalang yung class ko sa hapon at baka ma-FA pa ako. Sayang.

Inaayos ko yung gamit ko nang mapansin ko na nagbubulungan na yung mga kaklase ko sa subject na iyon. Anong meron? Di ko na inabala ang sarili ko kung ano ba talaga ang nangyayari sa paligid ko. Nakatuon ang atensyon ko doon sa pag-aayos ng gamit na ginagawa ko. Saan kaya ako magpapalipas ng oras? Sa library nalang kaya. Lumilipad ang isip ko sa pag-iisip kung saan ako magpapalipas ng oras nang bigla akong bulungan nung katabi ko. “I think he wants to talk to you.” Napatingin naman ako sa kanya. Ngumuso siya dun sa direksyon ng pinto kaya naman tumingin ako dun at nagulat ako nang...

Venedict?

Para akong nabato sa kinauupuan ko. Nabitawan ko yung pencil case ko na sinisilid ko sa bag ko kani-kanina lang. Parang naging slow motion ang lahat nung lumapit siya sa akin. Nasurpresa ako kasi... anong ginagawa niya dito? Di ako makagalaw. Nakakainis naman eh. Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at napansin ko nalang na wala nang tao dun sa room na iba. Kaming dalawa lang.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon