-Twenty Three-

1.3K 17 11
                                    

Author's Message: 

Hindi na ako nakakagawa ng mga teaser photo dahil sa kakulangan ng time. Once a week lang ang UD ko dito dahil tatapusin ko muna yung Zed Academy. Malapit nang matapos yun. Konting-konti nalang. Hayaan niyo... pag natapos ko na yun, try kong dalasan ang UD ko dito. May sinusunod na akong storyline kaya nakaayos na ang mga mangyayari :))

Thank you sa lahat!

------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 23

Nathalie’s Point of View

“upo ka muna dyan.” Wala na akong nagawa at sumunod nalang ako sa kanya. Iginala ko ng tingin yung paligid ko. Ang konti naman ng tao dito. Halos wala nga eh. Mga tatlong tables lang siguro yung okupado at kasama na ang table na kinalulugaran ko. Napabuntong-hininga nalang ako. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Bakit makikipag-usap ako sa kanya? Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. Maya-maya pa ay umupo na sa harapan ko si Vene dala-dala ang mga drinks. “inumin mo yan.” Tiningan ko lang siya. Bakit parang may nagbago sa kanya? Parang... ibang-iba na siya dun sa Venedict na nakilala ko dati.

“kung ano man yung sasabihin mo, bilisan mo. iniintay niya ako.” Hindi ko ginalaw yung inumin na binili niya para sa akin. “sino? Si Chace?” hindi ako sumagot. Tiningnan niya ako ng deretso sa mata. “makinig ka sa akin Nathalie...” hindi ako kumibo. Narinig kong bumuntong-hininga siya.

“hindi ko sinasadya yung mga nangyari noon.” Nakaramdam ako ng sakit nang bigla kong naalala yung mga nasaksihan ko noon. Yung eksena na may kasama siyang ibang babae at pagsabi niya sa akin na hindi na niya ako mahal. Peste. Nagbabadya nanaman ang mga luha ko na kumawala pero hindi pwede. Hindi na dapat pa akong umiyak. Matagal na panahon na iyon at sa pagkakaalam ko ay nakarekober na ako. Nakarekober na nga ba? “kinailangan kong gawin yun.” Tiningnan ko siyang matalim. “anong sinasabi mong kailangang gawin? Ang panloloko mo sa akin? Nagbibiro ka ba?” nakakainis. Ano ba ang pinagsasabi neto?

“just listen to me, Nathalie. I’ll try to make you understand.” Naisip ko nalang. Bakit parang isang malaking joke tong pag-uusap namin? Nakakasura lang. “I admit. Malaking katangahan yung naisip kong paraan para kahit papaano ay hindi ka masaktan.” Naguluhan ako bigla. Hindi ba napakasakit para sa ibang babae na malaman mo na yung boyfriend mo na mahal na mahal mo ay lolokohin ka lang? Leche na iyan.

“kaya ko ginawa yun... ay inakala kong mas masasaktan ka kapag nalaman mo na kinailangan kitang hiwalayan.” That’s it. I don’t understand what’s going on. “Vene, gusto ko nang umuwi. Naiirita ako.” Hinawakan niya bigla yung kamay ko. “hindi pa ako tapos magpaliwanag kaya makikinig ka sa akin.” Para akong nanghina sa mga sinasabi niya kasi iba yung dating sa akin. Shet lang. I composed myself. Nanunuyo na din yung lalamunan ko kaya ininuman ko na yung drinks na binili niya para sa akin. Ewan ko. Parang may something na factor na parang tumalon yung puso ko dahil paborito ko yung drink na binili niya. “favorite mo iyan, hindi ba?” he chuckled. Hindi ko nalang siya pinansin.

“makikinig ka na sa akin?” I reluctantly responded with a nod. May magagawa ba ako? Mukha kasing hindi niya ako paalisin kapag sakali mang magpumilit ako na umalis. Nararamdaman ko kasi na hinihintay na ako ni Andrei. Na-mimiss ko na nga siya eh. Hay. In-like na kaya ako sa kanya? I mean, gusto ko siya dahil best friend ko siya... pero... may nararamdaman na kaya akong iba para sa kanya? “it’s all because of my family. Nagkaroon ng krisis noon sa business namin kaya naman pinapauwi ako ng magulang at sinabi nila na hiwalayan kita.” Nasaktan ako bigla dun sa pinakahuli niyang sinabi. Hiwalayan ako? Ouch. “i’m really sorry. Gusto kasi nila na maging kami nung anak ng business partner nila pero paniwalaan mo ako... ikaw lang ang nasa puso at isipan ko nung panahon na nasa ibang bansa ako.” I found sincerity in his words. Naniniwala ako sa kanya.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon