Author's Note:
One-shot ni Nick at CC ay naka-upload na :)) Bundle of Roses ang title. Search niyo nalang sa works ko. Medyo sabog ang mga UDs ko. Sorry...
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 31
March 13, Wednesday
Nathalie’s Point of View
Napakabilis ang panahon. Matatapos na ang second sem dahil final exams na naming this week. Siguro kaya hindi ko namamalayan ang oras dahil para akong zombie nitong sem na ito. Wala namang nagbago sa performance ko in terms of academics pero napapansin ko na parang palagi akong may hinahanap.
Si Chace iyon.
Nakakalungkot. Hindi ko na siya nakikita. Lumipat na kaya siya ng school? Na-try ko nang kumatok sa condo unit niya na katabi lang nung sa akin at nagulat ako nang nasabi sa akin ni Nate na hindi na daw doon tumitira si Chace.
Ang kakaiba pa sa sem na ito ay may kumakalat na balita na si Mitch at Chace na. May relasyon na daw sila. Kaya pala minsan ay kakaiba ang tingin sa akin nung mga estudyante dito sa school. The heck. Kung makapag-chismisan naman sila , wagas.
Nakaupo lang ako dito sa isang bench sa likod na school. Nagpapahangin lang dahil katatapos ko lang mag-exam. Another school year has ended pero parang lumamlam ang buhay. May kulang parati.
Tama nga ang iba na masasabi mong mahal na mahal mo ang isang tao kapag naranasan mo na malayo sa kanila at napatunayan ko iyon.
Mahal na mahal ko si Andrei.
*ring* *ring*
Nagising ako sa pag-iisip ko nang marinig ko na tumunog yung phone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko. May tumatawag? Ah. Si Dina lang pala. Tagal na naming hindi nagkikita kahit na same school naman kami. Magkaiba nga lang kami ng course. Sinagot ko ang tawag niya. Nami-miss ko na itong babaeng ito. Sobra.
“Hello?” bungad ko. [girl, nasa school ka pa?] yeah. nasa school pa ako? ano kaya kailangan niya? Hmm. “yeah. why?” tanong ko. [asan ka? sunduin kita. sabay na tayo umuwi. let’s catch up. miss na kita.] napangiti ako. I need a friend right now at tamang-tama ang timing ni Dina. “sa benches sa likod ng building naming.” sagot ko. [yeah. malapit lang pala ako dyan. dala ko ung car ko ngayon. wait mo ako diyan.] binaba na niya yung phone niya. Bumuntong-hininga ako.
***
“so what’s your plan?” tanong sa akin ni Dina sabay sip doon sa frappe niya. Dito kami pumunta sa coffee shop na pag-aari daw ng parents ng blockmate niya. The place is nice and cozy. Tamang-tama para sa mga pagkakataon na ito. Iyan ang naging tanong niya matapos kong i-kwento ang mga nangyari sa akin these past few months? I don’t know.
“wala akong plan, Dina.” napabuntong-hininga ako. Wala akong ideya kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Pinoke niya bigla yung pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Seryoso nang usapan eh. =_= “nakakatuwa ka talaga. Parang nung high school tayo, hindi naman ganyan ka-tindi ng problema mo. Parang ang main problem mo nga lang noon ay kung paano ka papansinin ng fiancé mo samantalang ngayon ay napansin ka na pero ni-reject mo naman at eto balik ka ngayon sa problema mo.” napayuko nalang ako. Itong babaeng talaga na ito. Tumumpak ang sinabi. Kaasar.
“pero seriously, I have an advice.” sabay kain niya dun sa cake niya. Gutom ata tong babaeng to. “kung ako sa iyo, gawin mo ang lahat para makausap mo siya ulit. hindi pwedeng kimkimin mo iyang feelings mo kasi baka sumabog nalang iyan bigla. pag nakausap mo na siya, at least you did something at masasabi mo na wala kang regrets dahil may ginawa ka.” tuloy-tuloy niyang sabi at pinakinggan ko naman.
I have to do something.
Yeah. Tama siya. I really need to see him. But where? Saan ko siya pupuntahan eh maski sa bahay nila mismo ay wala siya. I can’t contact him. Nag-iba pa nga ata siya ng number o sadyang ayaw lang niya ako makausap kaya hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. His social networking accounts? Mukhang hindi niya binubuksan.
Nasaan ka na ba Andrei?
After ng pagkekwentuhan namin ni Dina ay hinatid na niya ako sa condo. Para akong zombie habang binubuksan yung unit ko. Nagdere-deretso lang ako papasok sa loob. “di mo man lang ako napansin?” hindi na ako nagulat. “Vene?” tumayo siya doon sa kinauupuan niya. Hindi ko napansin na nandito pala siya sa loob kanina. “mukha ka nanamang problemado ay hindi… palagi ka palang problemado. nandito naman ako palagi para makinig eh.” nilapitan niya ako. yumuko lang ako.
“wag mo na akong intindihin. okay na ako. by the way, paano ka nga pala nakakapasok nang unit ko?” tumingin pa ako doon sa pinto. Para kasi siyang kabute na bigla-bigla nalang nakakapasok sa loob. Hindi niya sinagot yung tanong ko. Nginitian lang niya ako. Kainis lang. Bahala nga siya.
“kain na tayo. nagluto ako ng dinner.” hinawakan niya ako sa balikat at gi-nuide papunta doon sa dining area and siya nga… may food na doon na nakahanda. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “marunong kang magluto?” medyo naubo siya. Uhuh. “sorry. binili ko lang iyan. kunwari nalang luto ko.” natatawa ako sa reaksyon niya. Ang cute lang. Swerte ko na may kaibigan ako na kagaya niya. Yep. Kaibigan ko siya.
March 25, Monday
Summer vacation pero parang wala ako sa mood lumabas ng bahay. “anak, may bisita ka.” tawag sa akin noong head maid naming dito sa bahay. Umuwi ako dito sa bahay naming para sa summer vacation. “manang, papasukin niyo nalang po siya dito.” tinanguan naman niya ako. Maya-maya pa ay pumasok na yung bisita ko. Si Venedict.
“wala kang balak lumabas?” umupo siya doon sa may sofa sa kwarto ko. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko sinagot yung tanong niya. “paano ba kita makakausap nang matino? importante pa naman yung sasabihin ko.” Nakuha niya yung atensyon ko.
Nilapitan niya ako at biglang niyakap. Napayakap na din ako sa kanya. Ang wirdo niya. “is there something wrong?” para kasing kakaiba siya ngayon. “hayaan mo muna akong yakapin ka kahit sandal lang.” tumango ako.
“Nathalie, babalik na ako sa States. Nandoon ang pamilya ko and… I’m letting you go. I want you to be happy and I know that you’re happiness is in New York.” hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya. “aalis ka na? for good?” inilayo niya ng konti yung sarili niya at hinarap niya ako nang nakangiti. Tumango naman siya. Naramdaman ko nalang na tumulo yung luha ko. “umiiyak ka? senyales ba iyan na dapat hindi ko ituloy yung plano ko?” pinitik ko siya sa noo. “sira.” pinunasan ko yung luha ko. Mami-miss ko kasi siya. Mami-miss ko ang kaibigan ko.
“gusto ko pag bumisita ako dito ulit, masaya ka na. Sana maging masaya ka na… at sana huwag kang matakot na may gawin para sa ikakasaya mo.”
“you want me to go to New York?” ngumiti lang siya. “kung iyan ang sa tingin mo ay makakapagpasaya sa iyo. Hindi ba iyon lang ang way dahil nandun na siya.” tumingin ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. Friendly kiss. “thank you.” ginulo niya yung buhok ko. “keep in touch.” sabi niya saka siya lumabas ng kwarto ko. Mami-miss ko talaga siya.
Umupo ako doon sa kama ko at tiningnan ko yung picture frame sa gilid. Picture naming dalawa iyon ni Andrei. “are you doing well? how are you?” para akong tangang kausap yung frame.
Pupunta ba ako sa New York. Nandoon na kasi siya eh.
To be continued~
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Teen Fiction(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...