-One-

3.1K 36 24
                                    

Author's Message:
Ganito. Para magpadedicate, comment!!! Yun lang hinihingi ko, comment. Kahit simpleng, "bwiset!" pwede na iyon. Natutuwa na ako dun. At least diba alam kong may nagbabasa. Feeling ko kasi isa lang maligno itong story na ito pero bakit ganun, dumadami naman yung reads? Ano yun? Na-click lang? Tss. Di na kailangan yang vote na iyan, wala sa akin iyan. (Pero kung masipag naman kayo at trip niyo, i-click niyo nalang) Basta COMMENT ah!! Thank you!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1

November 5, Monday

Chace’s Point of View

Takte. Limang oras. Limang oras na ang nakakalipas? Maliwanag pa kanina ah. Bakit ang dilim na ngayon? Ibig sabihin ba nito ay limang oras na akong pumapatay sa tingin? Walandiyo naman oh.

Quarter Pounder. Ubos ko na. Large Fries. Ubos ko na. Chocolate Shake. Wala nang natira. Chocolate Sundae. Simot na simot na. Hawak-hawak ko yung tinidor. Gusto kong pumatay ng tao. Pwede ba?

“Oy!” Nakaramdam ako ng sapak. Nagising ako sa katotohanan. Isang galit na Sandy ang nasa harapan ko. Binigyan ko siya ng tingin na nagsasabing “para saan iyon?” ngunit sapak nanaman ang natamo ko. Peste. Hindi na siya nagbago. Second year college na nga kami pero ganun pa rin. Bwiset. “Para saan ba iyon, ha?”

“Lintik kang lalaki kang mukhang bulag! Tumatalsik yung mga kung ano mo dyan sa ginagawa ko?!” Mukha daw akong bulag? Sorry naman. Naka-shades eh. Ayan. Bukod sa hindi na siya nagbago ay mas lumala pa ang talim ng pananalita niya. Lalo pang lumala simula nung nagkaproblema siya sa bahay niya. “Tama ba naman kasing dyan ka gumawa ng assignment mo at grabe naman kayo, kakasimula pa nga lang ng second sem eh assignment kayo kagad?” Grabe lang. Anong mga prof ang meron sila? Kami nga eh puro introductions lang. “Anong magagawa mo? Masipag kami. Kung gusto mong pumatay, ayun oh. Libre. Wag mong idamay gawa ko.”

“Tss.” Iyon nalang nasabi ko. Bumalik na siya sa paggawa niya ng assignment na hindi ko maintindihan. Para saan ba yung napakalaking dilaw na papel na iyon at ginagamitan pa ng ruler? Ultimo ata dash ay ni-ruruler pa. “Anong tinitingin-tingin mo dyan?” Masungit na sabi niya sa akin nung napansing niyang tinitingnan ko yung ginagawa niya. “Wala, wala talaga.” Peste lang.

Pinagpapawisan na yung paligid ng mata ko. Hindi naman tirik ang araw pero naka-shades ako. Nakakairita. Bakit ko ba kasi pinasok ang ganitong trabaho? Hindi tuloy malaya ang paggala ko. Nandito na nga lang ako sa safe place, naka-shades pa rin ako. Tambayan na nga namin ito, kailangan ko pa ng kung anu-anong pantago ng itsura. Eh kaso ginusto ko ito. Kasalanan ko naman ito.

Bwiset. Bwiset. Bwiset. Kiliyente bang maituturing iyon eh kung makatingin sa kanya ay ang lagkit-lagkit. Ang sarap bugbugin! Hindi pa ba sila matatapos? Bakit kapag ako ay kumakausap sa kliyente, hindi pa lumalagpas ng isang oras eh eto? Ang sakit na ng tumbong ko. Naging baboy na nga ako sa araw na ito sa dami ba naman ng kinain ko. Kaninang-kanina ko pa talaga gustong kaladkarin palabas yung kliyente na iyon. Mukha namang paa. Pilingero ata iyon. Takteng iyan.

Nagliwanag ang paligid ko nung nakita kong tumayo na silang dalawa at nagkamayan na. Ihahanda ko ang alcohol. Hindi pwedeng madapuan ng kahit na anong mikrobyo ang kamay ni Nathalie. Lalo na at nanggaling sa mukhang paa ang mikrobyo. Kadiri. Sinundan ko ng tingin yung kliyente hanggang sa paglabas nito. “Andrei, saan ka nakatingin?” Tumingin ako sa kanya at kinuha ko yung alcohol niya sa bag niya. Pinabantayan kasi sa akin. May otoridad akong mangielam dun. May reklamo? “O, mag-alcohol ka.” Binato niya ako ng tingin na naguguluhan. Kita ko ang ekspresyon ng mukha niya. Naka-nerd glasses lang naman siya eh. “Kailangan mo iyan.” Nagkibit-balikat nalang siya pero sinunod naman yung sinabi ko. Good.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon