-Thirty Three-

479 6 3
                                    

Chapter 33

Nathalie’s Point of View

Hingal na hingal na ako. Napunta na ako sa lugar na walang tao. Hindi ko siya naabutan. Ang saklap. Hapong-hapo na ako. Akala ko magkakaroon na ng saysay ang pagpunta ko sa New York. Bigla akong nakaramdam ng lamig. Nakalimutan ko palang isuot yung jacket ko. Ang lamig! Ang tanga ko na din. Hindi ako sanay sa lamig na ito. Tumingin-tingin ako sa paligid. Alam ko pa din naman ang lugar na ito pero… ang dilim na. Nakakatakot. Wala pang dumadaan na mga tao. Where art thou?

“hi pretty lady! are you alone?” may lumapit sa akin na tatlong lalaki at kahit na hindi ko pa sila tingnan ay nakakasigurado akong hindi maganda ang mga pwede nilang gawin. Madilim pa naman at walang tao. Anong gagawin ko?  (T__T) Natatakot ako lalo na’t wala ako sa bansa ko talaga. Nasa bansa ako na hindi pamilyar sa akin. Kung sa sarili ko ngang bansa natatakot na ako, dito pa kaya.

Hindi ko sila pinansin. Maglalakad n asana ako ng mabilis pero yung isa ay nahawakan ako sa braso. “don’t you dare turn your back on us. we’re still talking to you!” galit niyang sabi. Mga lasing ata tong mga ito. Ang bilis uminit ng ulo. Kailangan ko na silang malayuan. Iba ang kutob ko dito. Paran nangyari na ito sa akin dati. De Ja Vu? “please don’t hurt me.” nanginginig kong sabi. Nakahawak pa din sa braso ko yung isang lalaki. Naaninag ko ang pagngisi niya. “we’ll treat you well.” bigla niya akong inakbayan kaya automatic na hinawi ko yung kamay niyang nakaakbay sa akin.

Nako. Mukhang lalo ko pa silang ginalit dahil sa ginawa ko. Takot na takot na ako. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lamang. Wala din namang silbi kung manlalaban ako kasi tatlo sila at di hamak naman na mas malakas sila sa akin kahit na gagana pa ang adrenaline rush ko.

Napasalampak nalang ako sa semento. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumutulo na ang luha sa pisngi ko.

Sofia’s Point of View

“kahit kailan talaga ang sinungaling mo.” humarap lang siya sa akin ng nakangisi. Ang sarap niyang sapakin! May drama pa siyang nalalaman na kesyo aalis na daw siya kaagad eh ang totoo ngayon palang ang alis niya! Ang sarap niyang gyerahin! “bakit ba nakikielam ka? eh trip ko itong ganito eh.” inayos niya yung hand carry niyang bag. Ilang minuto nalang ay sasakay na siya sa eroplano. Ako lang ang pumunta dito sa airport para magpaalam sa kanya. Maarte kasi eh. Advanced tuloy ang pagpapaalam sa kanya ng mga kaibigan niya.

Narinig namin bigla yung announcement na pinapasakay na ang mga pasahero. Yung mismong oras ng flight. Is this farewell? Kinuha niya yung bag niya at isinuot yung cap niya. “paano ba iyan? aalis na ako. Sofia, salamat sa lahat.” nginitian niya ako. Isang genuine smile. Nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap na sila para sa isa’t isa ni Nathalie. “mag-iingat ka doon.” tinanguan lang niya ako. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa boarding gate.

Bago pa siya mawala sa paningin ko, tinawag ko siya. “Venedict!” tumingin siya sa gawi ko pati yung ibang tao sa airport ay napatingin na din sa akin. Agaw-eksena naman kasi ako masyado. Nakaramdam ako ng hiya. Namumula na siguro ako. Mukhang nagtataka ata siya kung bakit tinawag ko ulit siya. Hay! Bahala na nga.

“pagbalik mo… mag-date tayo!” sigaw ko. Nakarinig ako ng collective gasp mula sa mga tao. Mga chismoso’t chismosa talaga. “agaw-eksena ka!” sigaw niya. Nakangiti siya. Inirapan ko lang siya. Siguro naman kita pa din niya. Masindak sana siya. “confession ba iyong sinabi mo?!” sigaw na ulit. Hindi ko nalang siya pinansin. Nakatingin lang yung mga tao sa amin. Feeling ata nila eh nanunood sila ng sine. Dukutin ko mga mata nitong mga ito eh.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon